Chapter 16: Feed

9 1 0
                                    

Angela

"I told you to be on your limit in eating much macaroons." Bungad ni Kirby nang makarating siya at mapagbuksan ko siya ng pinto. Umirap ako sa kawalan.

"Eh, hindi naman kasi marami yun." I answered kahit hirap ako sa pagsasalita dahil masakit ang lalamunan. Tumikhim ako ng ilang beses kaya napailing si Kirby.

"Ito may gamot ako. Dinalhan na rin kita ng pagkain mo." Saka niya nilahad ang mga dalang paperbags. Pigil akong sa pagngiti pero I managed to give him a straight face, "thank you."

Pumunta agad siya sa may fridge. Kunot-noo ako habang sumunod sa kanya. Its like he's raiding my fridge to see if may mali rito. And for some reason, bakit sobrang komportable niya sa bahay ko?

"Ito ba ang sinasabi mong 'hindi marami', Angel?" Nakataas ang kilay na sambit nito nang ipinakita ang box ng macaroons na halos ubos na dahil sa kakapapak ko kanina. I looked on the other side just to hide the guilt I felt.

"I... Uhm... Di ko nahalatang naparami pala kinain ko. Grabe kasi usapan namin ni Bea kanina." Sagot ko na parang kelangan ko pa ipaliwanag lahat.

So kelangan talaga ipaliwanag sa kanya? Para saan?

Nakita kong umiling siya at umupo sa harap ko.

"This is why I didn't want to bring those macaroons." Sambit niya na puno ng pagsisisi.

Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Bakit naman di niya gustong dalhin yun? Eh, masarap nga at paborito ko pa! Ano ba yan!

"Nakakapansisi bang binigyan mo kami non? Do I have to buy a box of those macaroons to give it back to you?" Wala sa sarili kong tanong. Kasi kung di niya naman pala gustong dalhin yun, at napilitan siya edi ibabalik ko sa kanya yun.

Nakita ko ang gulat at panic sa kanya when I said it.

"No. No! I never meant that way. I was just a bit worried of what happened to you because of the macaroons I brought." He explained habang di mapakali. In the end, siya na kumuha sa plastic nung mga dinala niyang pagkain para "daw" sa akin. He opened the food container at nilagay iyon sa harap ko.

It was a pork steak and rice with some side dishes. Parang bagong luto pa kasi medyo mainit init pa ito.

"Is this home made?" I asked as I try to take a bite.

"Yes. I actually cooked those kasi alam kong wala nang mabibilhang malapit and I didn't want you to eat fastfood always."

Wait, what did he say?

"Huh? Why? I mean, bringing food is too much. Di mo naman obligasyon magdala ng food lagi." I said out of confusion.

Nakita ko ang pagkabigla niya sa sinabi ko. He started to look at me like he was offended.

I said what I thought was right. Hassle na nga sa kanya yung magbili bili ng pagkain eh. I mean hello? Wala naman kaming pinatagong pera sa kanya ni Bea diba? Tapos ito, home made pa. I mean, why?

"Just thank me for bringing food for you. Does it matter to you? Di ba masarap ang mga dinadala kong pagkain dito? Di ba masarap yan?" He said as he check on how I eat the food.

It actually tastes good. Masarap naman lahat ng dinadala niya. Its just that bakit niya ginagawa itong mga to? For what reason?

"Di ko lang kasi maintindihan." I said out of the blue. Napatakip ako ng aking bibig. Sinabi ko yung nasa isip ko! How bad am I now?!

"Ano ba yun?"

Sht.

Papanindigan ko na.

"Di ko maintindihan kung bakit ka nagpupunta lagi dito, lagi ka pa nagdadala ng pagkain. I mean, its not your responsibility to bring us food." Sambit ko habang kumakain. Well, rereklamo pa ba ako? Masarap ang pagkakaluto nito.

He chuckled," funny that you're saying something about me bringing food here when you're in front of me now devouring the food I brought for you." Napatigil tuloy ako sa pagkain at napatingin sa kanya. Lumapit siya sa mukha ko saka niya isinubo ang isusubo ko sana sa bibig ko. He smiled.

"Iba rin pala pag galing sayo yung pagkain." He said, chuckling. Bigla akong nakaramdam ng init sa mukha. What the hell?

"I-its because t-the food is actually g-great. D-di naman sa nagrereklamo ako na nagdadala ka ng pagkain for us but syempre nakakahiya rin. Hassle yun for you." I said while looking down. Omaygash. Paano kung nagmukha na kong kamatis ngayon? Ano ba kasi pumasok sa utak nitong si Kirby at mukhang pinagtitripan na naman ako.

"I like it when you're like this. Embarrassed of everything I do." He said chuckling. Saka niya hinawakan ang baba ko para makita ang mukha ko, agad ko namang tinakpan iyon.

He laughed.

"Wag ka mag-isip ng kung ano just because I'm bringing food here. I don't want the people I invested so much money here to be sick and not finish what they've started. At sabi nila, sobrang subsob kayo dito at halos di na nakakakain ever since pa kami dumating. So in return of giving us our ROI, I'm also helping you out through giving you proper meal." He explained as he tried to also share the food with me.

"And look at you, isang malakas na hangin lang liliparin ka na." He added.

Isang masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya.

Gago to ah?

"I really don't get you. But aside from that insult, thanks for looking out for us. Its a big help." I agreed. Totoo naman, ever since we started this project halos di na kami nagkakaron ng time to kind of eat good food.

"No need to thank me. I just expect you to finish the manga and also to give us the ROI we want." He said.

I rolled my eyes.

Businessman na businessman.

"We will try our best. Well, we are doing our best here. Its just that of course, it may take some time. But you know, this is our passion. I'm happy I got to do these things with my bestfriend." I smiled.

And I remember all those times na halos sumuko na kaming dalawa sa pareho naming field. Na akala namin di namin magagawa at makakaya pero sa dulo naging matagumpay din kami. And this project is the one we dreamt of ever since kaya kahit walang nagsasabi samin na tapusin ito ay talagang tatapusin namin! Pangarap namin to eh!

"Why did you even chose this career? I mean, these careers in the Philippines are not highly given attention." He asked.

"Well, we loved it. Kahit pa di to sikat sa Pinas, kahit pa di pa ito yung naging career ko. Siguro, in the end ito pa rin ang ginagawa ko. I'm happy creating my own different worlds. Di ko alam eh. I'm happy whenever I see myself writing contents. I don't know." I smiled, inaalala lahat ng mga nagawa ko, ng achievements ko at ng lahat ng nga panahong muntikan ko nang kalimutan ang hilig kong to.

"Well, I can see that you love your job so I should not worry." He smiled as he looked at me in the eye.

"Anyway, finish that up and don't ever try to have leftovers especially the carrots." He said as he went to the fridge to get the macaroons.

Wait, what? Andami nito! And hello! I don't eat carrots!

"What?! I'm not eating these alone! I'm full already!" Reklamo ko.

"You should finish it. May gamot ka pang iinumin."

"Oh my gosh, and I'm not eating carrots. I don't like it. Can you spare me on this?" Pagmamakaawa ko.

"No. Finish it all up. Or if you want, you can feed me." He said saka siya lumapit at ngumanga.

"Since you can't finish it. I'll help you as long as you'll feed me."

What the hell?

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Apr 10, 2018 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

My Destiny (on hold★)Onde histórias criam vida. Descubra agora