"Wanna take me on the beach?" Nakangiti kong tanong habang naglalakad narin palapit sa kanya. June flicked his tongue – not out of annoyance – but maybe because I was provoking him too much. Humakbang siya palapit at ganun din ako hanggang sa dalawang hakbang nalang ang namamagitan sa aming dalawa.

Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko at hinila na ako. I gladly followed him outside pero muntik na akong matapilok dahil sa sinigaw ni Yuen.


"Baby June~ bring condoms~"
Tumingin kaagad ako sa kanya. A very deadly stare na nung nagtama ang paningin namin ay bigla siyang napaubo at tumalikod nalang. Nakita ko namang natawa si Buggy at hinampas si Yuen at si Lisa na nakatingin lang sa mga nakahandusay na katawan sa dance floor.


Narinig ko ang maikling tawa ni June at hinila na niya ako palabas ng bar. Paglabas namin ay kumunot ang noo niya nung makita niya ang motor. It was parked in a distance but he still noticed it. Tumingin siya sa akin na may ngiting nakausli na naman sa mga labi niya. Damn, I missed his smile.


"You sly bunny~"
Sabi niya, tinutukoy ang motor na dala ko. Natawa ako sa kanya.


"You dumb fox!"
I blurted off. He scoffed unhappily and looked at me with confusion.

"I thought I was a carrot?" Naguguluhan niyang tanong. Mahina ko nalang hinampas ang balikat niya at pinapasok na siya sa kotse. "Come on, June. We're not in zootopia." Nakangisi kong sambit at sumunod na sa kanya sa kotse. We're just leaving the motor bike, it's not the first time anyway.


We immediately took off. In the middle of the road in a cold and starry night, I was with June. Tiningnan ko siya na seryosong nagmamaneho at nakita kong dumaloy pababa ang pawis sa noo niya. Pasimple kong kinuha 'yung tissue sa gilid at pinunas dito at medyo nilakasan 'yung air conditioner ng kotse.

Tumingin si June sa akin at ngumiti. Isang ngiting mapang-embestiga.


"Nanny duties?"
Hindi siguradong sagot ko sa kanya. He blurted out laughing at binalik ang tingin sa daan.


"I think it's not gonna be Nanny duties anymore, Raven."
Bigla niyang sambit nung binaba ko na ang tissue. Tumingin ako sa kanya at tinanong kung bakit. Umangat lang ang gilid ng labi niya at nakita kong namumula ang pisngi at tenga niya.


"It's gonna be Baby duties."
Sagot niya at kinagat ang labi niya para pigilan ang ngiti niya. Tumaas lang ang kilay ko sa sinabi niya. "What? You mean you'll babysit me now?" Painosente kong tanong kahit nakuha ko naman ang ibig sabihin niya. Word play is just fun while you're in a car with someone you love talking to in the middle of the road.


"I know you get what I mean, Rav."
Sabi niya at binalingan ako ng tingin. Napanguso nalang ako. Hindi na ako pinalampas nito. Natawa lang siya sa akin at ibinaba ang isang kamay niya. He was driving with one hand and the other hand was one mine.


Hinawakan niya ang kamay ko at dinala ito sa labi niya. He planted a soft kiss on my hand while his eyes were fixed on the road. Making sure that we make it to the beach alive since he don't want to miss a confession.

We made it to the beach in just an hour. Medyo nakatulog pa ako sa byahe at ginising ako ni June nung hinawakan niya ang kamay ko.


"We're here."
Malambing niyang sabi at bumaba na sa kotse. Bumaba na rin ako at sinalubong ng hangin ang buhok ko kaya tinali ko ito sa isang ponytail. Tinignan ko si June na dahan-dahang naglalakad palapit sa boulevard ng lugar na 'to.


Huminga ako ng malalim at humugot ng kunting lakas bago lumapit sa kanya. Tumingin siya sa akin at sabay kaming bumaba papunta sa empty table na nandito parin simula nung nilagay ito dito. 'Yun nga lang ay puno na ito ng buhangin at medyo bumaon na 'yung paa ng mesa sa buhangin.

Babysitting June TanakaWhere stories live. Discover now