" Happy Birthday Kiddo.." bati ko para makuha ang atensiyon niya.

" Kuya! I'm sixteen. Hindi na ako bata." maktol niya. " But thankyou dahil dinala mo si Ate Alex dito." ako naman ang niyakap niya. " Hihiramin ko siya mamaya, papakilala ko sa mga friends ko." aniya. Saka ito nagpaalam samin para salubungin ang mga bisitang dumating.

" I told you, Leila really likes you." baling ko kay Alex.

" Enzo, kadarating n'yo lang ba apo?" napalingon ako sa Lolo Ernesto ko, my Dad's father.

" Yes Lolo.." niyakap ko siya. Ngayon lang ulit kami nagkita, nagbakasyon kasi ang mga ito sa lugar ng isa ko pang Tito sa Davao.

" Enzo, kamusta apo." si Lola Regina na agad ko ding niyakap.

" Namiss ko po kayo pareho." malapit ako sa kanila. " La, Lolo, si Alex nga po pala, girlfriend ko. Alex ang Lolo Ernesto at Lola Regina ko." lumapit si Alex sa kanila saka nagmano.

" Kamusta po, natutuwa po akong makilala kayo.." nakangiti nitong sabi pagkatapos magmano sa grandparents ko.

" Aba'y ang ganda mo naman Alex Hija." si Lola na hawak parin ang kamay ni Alex.

" Mana talaga sa akin itong si Enzo, magaling pumili pagdating sa babae." tinapik tapik naman ni Lolo ang balikat ko.

" Thank you po." nahihiyang sagot ng baby ko.

Nabaling ang atensiyon namin sa batang babae na yumakap sa hita ni Alex.

" Snow, ang likot likot no talaga." anak pala ito ni Ate Eunice, na pinsan ko din. Kung hindi ako nagkakamali two years old palang si Snow.

" Mukhang gusto ni Snow ang Tita Alex niya. Eunice, siya si Alex, girlfriend ni Enzo. Hija, pinsan siya ni Lorenzo, anak niya si Snow." baling ni Lola kay Alex.

" Kamusta po." binati niya si Ate Eunice saka binuhat si Snow. " Hi Baby Snow.." napakunot ang noo ko. Ako lang dapat ang tinatawag niyang Baby.

Hinalikan naman siya ni Snow sa pisngi na ikinatuwa ni Alex. " Ang cute cute mo naman.." mas cute pa kaysa sakin?

" Halika kana anak, mapapagod sayo si Tita Alex mo.." pero ayaw nitong sumama sa ina. Natawa sina Lolo at Lola.

" Ayos lang po Ate, hahawakan ko nalang po muna siya, magaan lang naman po ang baby n'yo." si Alex na mukhang tuwang tuwa sa bata. Pinuntahan nalang muna ni Ate Eunice ang panganay na naglalaro kasama ang ibang mga bata.

Niyaya kami ni Lola na maupo, si Lolo naman ay nahila ng mga pinsan ko.

" Mahilig ka sa bata, Alex?" tanong ni Lola sa kanya. Pinaupo nito si Snow sa kandungan.

" Opo, may isa po akong pamangkin na babae din, anak ng Ate ko. Naalala ko po siya kay Snow." kaya pala natuwa ito sa pamangkin ko.

" Lorenzo, nandito na pala kayo." Si Mommy na kasunod din si Dad.

" Mom, Dad.." hinalikan ko si Mommy sa pisngi. Nakay Alex na ang atensiyon niya.

" Magandang umaga po." bati ni Alex sa mga magulang ko.

" Bakit mo hawak ang batang yan?" natakot yata si Snow kay Mommy, yumakap ito kay Alex at itinago ang mukha sa leeg niya.

" Lianne, gusto ng bata si Alex, ayaw bumitaw kahit kinukuha ni Eunice." sagot ni Lola.

" Gusto mo si Tita Alex, Baby Snow?" kinausap ni Daddy ang bata, na umungot at nagbabadyang umiyak. Tumayo si Alex at inalo ito.

" Ibabalik ko lang po siya sa Mama niya." paalam niya sa'min.

Maldita Princess (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora