LOVE 21

82 2 0
                                    

Chapter 21

Nadine's POV

Things are working fine naman po, eto nga po at nagkakasayahan kami, it's saturday at may konting salu salo lang po kaming magpamilya dito sa bahay kasama namin si Tita Zen at syempre andito rin si love. Naandito rin sina Ate Bella ang Gf ni Kuya Zanjz at Si Ate Erich ang gf naman ni Kuya Ejay, andito na rin si tito Thomas ang daddy ni james, oo naririto na siya sa pilipinas kaya nga kami nagkaroon ng salo salo eh.

Katatapos lang namin maglunch at narito kami sa living room namin naglalaro kami ng word factory paramihan kami ng words na mabubuo at namumuro na si ate Bella na gifted with beauty and brains sina mama naman nasa beranda nagkakape naman sila dun.

"ano ba naman yan hon may word ba na ganyan ayan ka naman gumagawa ka naman ng sarili mong dictionary" hahaha reklamo ni ate bella kay kuya Zanjz ,tawanan lang kami kasi naman si kuya kung ano ano na lang mga sinusulat.

Mayamaya lang may nag dodorbell agad namang tumayo si kuya Zanjoe para tignan kung sinong dumating.

"Sandali nga lang ano bang pinqgsasabi niyo !"nagulat na lang kami ng bilang umalingawngaw ang galit na boses ni kuya zanjoe ,na akala mo may kaaway kaya tumayo na rin si kuya Ejay para tignan din kung anong nangyayari sa labas, agad naman akong nakadama ng kaba, ano nanaman bang nangyayari?

"Teka muna bat niyo ko hinuhuli! Sandali wa la akong alam sa mga binibintang nyo! " boses naman ni kuya Ejay ang narinig naman kaya nagsitayuan na kami pati sila papa napasugod na rin sa front door at doon nakita kong may mga pulis na pilit na pinposasan ang kuya ejay ko.

"Teka sandali ano bang nangyayari dito bakit niyo ba hinuhuli ang  anak ko?"galit na tanong ng tatay ko.

" may warrant of arrest po para kay Ejay Lustre may ginahasa po siya at mismo ang biktima ang nag sampa ng reklamo, sa presinto na po kayo magpaliwanag" sabi ng pulis at pwersahang hinuli si kuya.

"Wala akong ginagahasa, mga sinungaling kayo! iharap niyo sa kin ang babaeng yan! patutunayan ko sa inyo na wala akong kasalanan, mahal wala akong kasalanan maniwala ka " sigaw ni kuya Ejay sabay lingon niya kay ate erich at nakikita ko naman naman na nagtitiwala si ate erich kay kuya pero sobra naman sila kinaladkad nila ang kuya ko at yun din ang kinagalit ni kuya zanjoe.

"HoY! mga walang hiya kayo ayusin niyo naman ang pagdala sa kapatid ko hindi siya kriminal!"sigaw ni kuya Zanjoe sinubukan din nyang pigilan ang mga pulis.

" parang awa niyo naman po wag nyo naman huliin ang anak ko wala siya ng kasalanan " nagmamakaawa na rin si mama.

"Sa prisnisto na lang po kayo magpaliwanag,wala na tayong magagwa nagsampa ng kaso ang biktima." sapilitan pa rin nilang dinakip si kuya , wala na rin kaming nagawa niyakap ko na lang si ate erich nag iyakan na rin kami. Ang sakit lang makita inaakusahan ang kuya ko at sapilitan pa siyang dinakip na parang kriminal, pati nga mga kapit bahay namin nakita ang lahat ng pangyayari.

Kilalang kilala ko si kuya Ejay, lumaki kaming tatlo nila kuya na malapit sa isa't isa minsan may pagka pasaway yan sila kuya pero ang umagrabyado ng kapawa tao yan ang  hindi nila kayang gawin.

"Alberto! Alberto anong nangyayari sayo!" napabaling kami kay papa na hawak hawak niya ang puso niya na parang nahihirapang huminga bigla na lang siya nawalan ng malay.

LOVE  [Jadine, Marnigo,Joshlia]Where stories live. Discover now