Chapter V

10 1 5
                                    

Patricia's POV

Friday nanaman at pasahan na ng mga projects at research papers para sa second quarter kaya kahit wala pa akong kain eh lumabas na agad ako ng boarding house para pumasok. Kinamusta ko ang kaboardmate kong babae at nagrespond naman siya. Nakita ko rin yung landlady na nakatutok sakin nakapameywang sa labas ng gate na parang may inaantay.

Di ko na yun pinansin at dumiretso na lang sa kalsada ba malapit sa sakayan.

Dumaan muna ako sa bar ni uncle kasi baka nalaglag dun ang keychain na bigay sa akin ni Adrian. Wala kasi sa bag. Yun lang ang tanging remembrance ko sa kaniya.

Inuna ko nang pinuntahan ang cashier area kasi doon kami nagharutan ni Adrian kagabi. Charaught pero wala eh.

May biglang tumunog sa ilalim ng mesa. Parang tunog galing sa cellphone. Hinanap ko kung saan nanggaling ang tunog at ayun, nahanap ko rin.

Wao. Mukhang mamahalin ha? iPhone 'to diba? May Apple kasi sa likod hehe.

Binuksan ko at may mga missed call. 38 missed calls galing daw sa URANGGUTAN tapos.. teka lang, tumatawag na ba ngayon ang hayop? anyways at isa naman kay Sheena. Sheena? Parang pamilyar yung pangalan niya.

Kinuha ko ito at nilagay sa bulsa ko. Nagpaalam narin ako kay uncle at dumiretso na sa school.

Nang nakarating na ako eh dagad akong pumunta sa locker at kinuha ang mga research paper ko. Lagi kong iniiwan 'to dito kasi nakakalimutan ko sa boarding house. Mahirap pa naman magcommute.

Pagkakuha ko ng mga research paper ay binasa ko ito, review kumbaga para sa defense ko mamaya. Habang nagbabasa ay napansin ko na parang may kulang sa mga pages. Nawawala yung methodology!

Hinalughog ko ang buong locker ko pero wala talaga dun. Halos baliktarin ko na ang buong locker pero wala talaga.

7:55

Sheeemay. Five minutes nalang at magsisimula na ang klase at nawawala pa ang isang page.

"Eto ba ang hinahanap mo?"

Napalingon ako at nakita ko si Anastasia, queen bee ng campus at ang mga kaibigan niya, may hawak siyang isang papel, yung methodology ko!

"Saan mo nakuha yan?"

Tumalikod lang siya na parang walang kausap. Maya maya pa eh pinunit niya ito at tinapon sa sahig.

Agad kong kinuha ang papel at binuklat ito. Binigyan ko siya ng masamang tingin at agad na lumapit sa kaniya at akmang sasapakin siya.

"Don't you dare touch me with that filthy hands."

"Filthy mo mukha mo!"

Sinapak ko siya at ayun. Sapul!

Medyo dumami na rin ang tao sa hallway. Marami rin ang nagtsitsismisan.

"Pakshet ka ha?"

Hinila niya ang buhok ko at siyempre di ako magpapatalo. Hinila ko rin ang buhok niya. Sayang, mukhang bagong rebond pa naman si ate.

Nagsisigawan na ang mga audience at ayaw talaga magpaawat ng bruhang 'to. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang hawak sa buhok ko.

Balak ko sana siyang tadiyakan pero biglang dumating ang baklang teacher namin sa English.

"To the dean's office, now!"

Paano na defense ko? Bwisit na babaeng 'to nandamay pa. Aabangan talaga kita mamaya sa gate.

Pagkadating namin sa opisina ay nandoon si Mr. Quijano at tila busy sa pakikipagusap sa telepono. Agad namang nakuha namin ang atensiyon niya at agad niyang binaba ang telepono.

"What happened here?"

At ayun dumaldal na yung bakla. Napansin ko na medyo madilim ang office niya at mga antique ang furnitures dito. Old fashioned siya pero elegante.

Bigla kaming napalingon ng biglang dumating ang Chemistry teacher namin na hingal na hingal. Parang may gusto siyang sabihin. Parang masamang balita.

"May patay sa laboratory!"

Adrian's POV

Pagkatapos kong lumabas ng bahay ni Raven ay didiretso na sana ako sa bar na pinuntahan ko kagabi pero nakalimutan ko kung saang bar yon.

Naglakad lakad muna ako hanggang umabot ako sa isang bus stop at doon ko napagdesisyunan na magpahinga na. Nakakapagod pala maghanap.

May lumapit sa akin na babaeng may orange na vest, metro aid ata. Akala ko eh may gusto sa akin kase panay ang tingin sa akin pero di pala.

"Alis ka diyan, maglilinis ako"

Kahit na naiinis ay pinilit ko nalang tumayo. May nakita akong kumikinang sa ilalim ng bench. Isang keychain.

Wawalisin na sana ni aleng metro aid ang basurang yon pero kinuha ko ito. Tumingin naman yung ale sa akin na parang may mali akong ginawa.

Tiningnan ko ang keychain na hawak ko at parang pamilyar sa akin.

May nabasa akong pangalan sa likod.

Patty and Ading

Bakit nandito pangalan ko? Teka sino si Patty?

Bigla akong nagulat nang maalala ko lahat. Si Patty ang kababata ko. Teka bakit nandito 'to? Dito na siya nakatira?

Biglang may nagsidaanan na mga babae at halatang may pinaguusapan.

"Diba ex yun ni Adrian?"

"Sayang noh? Ang ganda pa naman tapos namatay lang"

Bigla akong natauhan at lumapit sa kanila. Galit akong hinawakan ang braso ng isang babae.

"Saan niyo nakuha yang balitang yan? Nasaan si Sheena?"

Halatang nanginginig yung babae kaya binitawan ko siya at marahang inulit ang tanong. Sumagot naman siya. Nasa school laboratory daw.

Agad akong tumakbo papuntang school at naabutan ko ang mga estudyanteng nagkukumpulan sa labas ng laboratory.

Pinaalis ko ang mga estudyanteng nakaharang sa daan at dali daling pumasok sa laboratory pero wala na siya doon. Naabutan ko doon ang mga forensic at pulis na hinahalughog ang buong lugar.

Nandoon rin si dad at tila alalang alala kung paano susulusyunan ang problema. Tinanong ko siya kung nasaan si Sheena pero bigla niya akong niyakap.

"Sorry anak pero wala na siya. She just passed away."

Di ako makapaniwala sa narinig ko at tinulak si dad palayo.

Si Sheena? Patay na? Pero nagkausap palang kami kahapon diba? Aayusin pa namin ang problema namin. Magkakabalikan pa kami.

Lumapit ang isang forensic kay dad. May pinakita siya kay dad at panay naman ng tango si dad.

"Napansin namin na may suot siyang sirang relo at nakatapat ito sa 5:20. Siguro yon ang oras na siya. Pero ayon sa guard eh hindi pa daw siya pumasok ng mga oras na yun."

"Napansin rin nila na may nakasulat sa likod nito at mukhang handwriting lang. Mga chinese character. Siguro Chinese ang naglagay nito."

Pwede ring Pilipino o kahit sino  lang kasi may nagtuturo naman dito sa school ng Chinese language.

Pinakita niya kay dad ang nakasulat. Nag iba reaksyon ni dad pagkakita niya sa pad, naging seryoso lalo. Dahil na run out sa pagtataka, pati ako ay tumingin na din sa pad na hawak nung forensic.

"逆转"

Anong kinalaman niyan sa pagkamatay ni Sheena?


End of Chapter V —

Finally, I Found YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora