His Personal Wife - 30.

Magsimula sa umpisa
                                    

No... no... no!

"Hindi mo ko pwedeng iwan please... hindi DJ... Hindi ko kakayanin! Gumising ka!" para na siguro akong baliw ngayon. Sinisigawan ang taong nag-aagaw buhay na... Hindi, hindi siya pwedeng mamatay...

"Chandria! Ano pang ginagawa mo?! CPR ang kailangan niya!"

 

 

CPR?!

Oo nga pala! Naalala ko na. Pinag-aralan namin 'to. Kapag nagkaroon ng gunshot wound ang isang victim, kailangan i-cpr at lagyan ng pressure ang tama ng bala sa katawan.

Agad kong iningatan ang tama ng bala sa right shoulder ni DJ at pumikit para bigyan siya ng CPR...

Lord, please, help DJ. I can't bear not to spend my life forever with him.

Please.

Nagulat ako ng biglang may kumagat ng labi ko.

Pagkadilat ko, si DJ, nakatingin lang sakin.

Agad akong bumitaw sa kanya at hinampas siya ng malakas sa dibdib niya.

"Kahit nag-aagaw buhay ka na, ang manyak mo pa rin!"

Ngumiti lang siya. "Ang brutal mo talaga kahit kelan Kath. Kaya mahal na mahal kita eh."

Sa sinabi niyang yun, tumulo ang luha ko because of relief, worry, and happiness.

"DJ naman eh!" pinaghahampas ko siya. "Akala ko iniwan mo na ko! Akala ko patay ka na..."

Bigla niya kong hinila papalapit sa kanya at niyakap ako ng mahigpit, saka dahan-dahang pinunasan ang mga luha sa mata ko.

"Wag ka ng umiyak Kath. Hindi ko kayang makita kang ganyan..."

 

 

"Bakit mo ba kasi yun ginawa ha?!" umalis ako sa yakap niya at dinuro-duro siya. "Bakit mo sinakripisyo ang sarili mo para sakin?! Di mo ba alam kung anong naramdaman ko? Akala ko mawawala ka na sakin..."

His Personal Wife - Book 2.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon