[75] Cause all of me, loves all of you.

Magsimula sa umpisa
                                    

Pagkatapos kong sabihin sa kanya yun, bigla na lang tumulo ang luha niya.

“She’s in the airport right now. Sorry Lewis, hindi namin sinabi ng maaga.” Sabi ko sa kanya. “Ayaw niya kasing—Lewis!”

The next we knew, agad na kinuha ni Lewis ang susi ng kotse niya sa table at kumaripas siya ng takbo palabas ng Pacific upang pumunta sa Parking Lot.

“HOY! TAMA NA YANG IYAK, SUNDAN NATIN SI LEWIS!!” Sigaw ko sa apat na ugok.

Mabilis kaming lumabas ng Pacific at naabutan namin si Lewis na pumasok sa kotse niya kaya sumakay din kami agad doon upang sumama.

Natataranta niyang pinasok ang susi sa kotse niya. Mura siya ng mura kasi hindi niya maipasok. Eh paano papasok yon, hindi naman kanyang susi yon. Haha! Ang hindi niya alam, pinagpalit ni Bench ang susi ng kotse nilang dalawa kanina sa loob ng bar.

“Pre, kumalma ka kasi! Wag ka ngang mataranta. Hindi ka si James Reid na natataranta. Si Lewis ka! Si Lewis!” Sabi ni Bench. (-.-’)

Nagmura na naman siya at pinaghahampas ang manibela ng kotse sa sobrang inis. Lumabas siya ng kotse at pinagsisipa ang gulong nito. Out of frustration, napapasabunot na lang ito sa sarili.

Kinuha niya ang cellphone upang tawagan ulit si Patch. Mura na naman siya ng mura dahil hindi sinasagot ang tawag niya. Eh paanong sasagutin yon? Kagabi pa lang, sinabihan ko na si Liam na palitan ang name ni Patch ng Carlo. At ang pangalan ko naman doon ay pinapalitan ko ng pangalang Gwapo. Pinasave ko kay Liam ang luma kong cellphone number sa pangalang Carlo (in case na tawagan niya ako) pero wala namang sasagot sa kanya. Hahahaha! Talagang hindi niya maco-contact si Patch nun. Patay ang cellphone ko e. Hahaha!

Mabait naman ako ng konti kaya hinila ko siya at sa kotse ko kami sumakay. Wrong move ata yon dahil muntik na kaming mamatay kay Lewis. Inaamin kong kinabahan ako. Hahaha. Pero okay lang. Nakakatawa nga e. (^^.)

“Gago kayong lahat!! Hindi ako kakalma!! Kapag hindi ko naabutan si Patricia, sama-sama tayong mamamatay dito!!! Magdasal na kayo!!!” Sigaw niya sa amin.

Huhu. Sorry, Lord. Kailangang gawin to dahil makupad siya. T_T

Mabilis siyang lumabas ng kotse upang hanapin si Patch. Naglakad-lakad na lang kaming lima habang tumatawa. Sulitin na. Paniguradong, bugbog sarado kami kay Lewis neto mamaya.

“Grabe talaga tong plano mo. Solid!” Sabay apir sa akin ni Patrick.

“Patay tayo dun mamaya! Haha.” Ani Zion.

Napailing na lang si Pen. “Maghanda na tayo! Dadaanin tayo ni Lewis sa dahas.”

“Basta guys, si Carlo ang convict!” Sabi naman ni Bench.

Natawa na lang ako. “Panigurado, nagmo-moment na ang dalawa ngayon. Tignan niyo mamaya, sila na. Yun ang mga napapanuod ko sa movies e.”

Tawa kami ng tawang lima hanggang sa makita namin si Lewis at Patch na nag-uusap.

“Lewis! Nagkita na pala kayo—” Tawag ko. They looked at us at napalunok ako when Patch glared at me. “Ow. Hi Patch! Hehe! Balik na kami sa Pacific ha. Bye! Hehehe.”

“Bye Guys! Hehehe!” Nagsitakbuhan na kami palayo bago pa maging action ang genre ng movie na to. Hahahaha. Patay! Lagot ako nito kay Patch.

“SHET!” Sabay batok sa akin ni Pen. “Lagot ka talaga sa amin, Carlo kapag nadiin kami dito. Ituturo ka namin. Ikaw ang may sala!!”

Natigilan kami nang mag-ring ang telepono ni Patrick. May kinausap siya saglit at slow motion niyang binaba ang cellphone. We looked at him, confused. “May problema ba?”

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon