#TWENTY NINE: CRY HARD

1.4K 22 0
                                    


"Bakit ba kasi ayaw mo?" Iritableng tanong ni Ricci habang nasa loob kami ng sasakyan niya.

"Hindi sa ayaw ko. Hindi pa kasi ako ready." Malungkot kong sagot sa kanya.

He was asking me kung bakit ayaw kong magpahatid sa bahay para maipakilala ko siya sa pamilya ko. At hindi niya nagustuhan ang naging sagot.

"Noon pa man Khaira, gustong-gusto kitang ihatid sa bahay niyo kasi I want to formally ask your hands from your family. Its not like I am proposing a marriage agad. Ang gusto ko lang maging legal tayo at mapakita ko sa kanila how serious I am to you." Sinserong saad niya.

Masyado akong natutunaw sa mga titig. Magkaharapan kami at hawak-hawak niya ang mga kamay ko. Alam ko naman, ramdam ko na sinsero siya sa nais niya. Pero natatakot kasi talaga ako. Paano kung magalit si mama? Paano na lang kung paghiwalayin niya kami? Hindi pwede. Hindi ko kakayanin na iwasan ulit si Ricci, na iwanan ko siya at mahiwalay sa kanya.

"Khaira please?" Hinaplos niya ang aking pisngi gamit ang kamay niya.

"Ricci no." Pailing-iling kong sagot. "Hindi pwede. P-paano kung magalit si m-mama? B-baka bawalan ka niyang m-makipagkita sa akin. Baka m-mamaya..."

"Baka ano? Khaira paano kung hindi? Paano kung imbes na magalit siya, matuwa pa siya kasi nakikita ka niyang masaya? Di ba masaya ka naman sa akin? Ipakita natin sa mama mo na mahal natin ang isa't-isa. Huwag kang magsalita ng tapos Khaira. Sabi mo noon strikto ang mama mo pero mabait naman. So maiintindihan niya tayo." Pagpapalakas niya ng loob ko at niyakap ako ng mahigpit.

Bakit ganon? Baligtad yata. Dapat ako itong nagpapalakas sa kanya ng loob. Dapat siya yung kinakabahan na humarap kay mama imbes na ako.

This is my first time. I don't know how to handle this thing. I know mabait si mama. Pero hindi eh, natatakot talaga ako. I have my reason.

"Khaira." Humiwalay ako sa yakap niya. He faced me again and cupped my cheeks.

"Hey, why are you crying?" He asked in a sudden.

Kahit ako nagulat. Umiiyak na pala ako nang hindi ko namamalayan. Pinunasan ko kaagad ang mga luhang trumaydor sa akin. Nakakahiya ka Khaira Lynn.

"Wala lang 'to. Huwag mo na lang pansinin." I chuckled habang umiiling.

"Wala lang? Khaira you're crying. I'm sorry." Why he's now apologizing? Sh*t lang, ang drama ko kasi eh.

"Don't be sorry. Ako dapat magsabi niyan. Sorry, hindi pa talaga pwede Ricci. Hindi pa ako ready. I'm sorry." I looked down at my lap.

Kung alam mo lang Ricci, kung alam mo lang.

"Fine. Hindi na kita pipilitin. I can wait. Expert naman ako sa paghihintay eh." He smiled gently.

"Thank you Cci." I said as I hugged him tight. "I... l-love you." Nahihiya ko pang dugtong.

"You should be used in saying those magic words because I love it when its coming from you." He's hugging me back. His arms were wrapping me up so tight. "I love you too. I really do."

Lumipas ang isang araw heto ako ngayon inuumpisan ang case study ko. Halos kada oras nagtetext si Ricci. Kinakamusta ako. Tinatanong kung kumain na daw ba ako, kung mahirap daw ba yung ginagawa kong project. Baka kailangan ko daw ng tulong niya. Huwag ko daw papagurin ang sarili ko at magpahinga from time to time. Haha, paano kaya ako matatapos noon?

Ganito pala ang feeling ng may boyfriend. Dati I was wondering about how does it feel to have one. Pero I keep telling myself na I don't need it because I have to focus on my study. But then I realized that having a boyfriend depends on how you deal with it and how you live with a special someone just like Ricci as mine. He's an inspiration that I wish will lasts forever.

Fangirl Turns To His Girl | Ricci Rivero FanficWhere stories live. Discover now