#TWO: FAN GIRLING

2.2K 27 9
                                    


4th quarter na lang ang naabutan ko, may pinuntahan kasi kami ng ate ko. Ang ganda ng laban pero natalo ng DLSU ang UP. Even so, DLSU deserved that bounce back win against them.

Pero pakiramdam ko ang yabang talaga ng dating ng mga green archers for me. I don't know why I am feeling like this. But except doon sa Ricci Rivero. Pansin ko kasi tahimik lang siya inside the court. At mukha ngang magaling.

"Oh, tapos na 'yung laban? Sino nanalo?" tanong ni kuya Drei na kararating lang.

"La Salle eh." Sagot ko naman.

"Talaga? Napanuod mo yung Rivero? Yung mas bata, dalawa kasi sila di ba?"

"Ah, oo. Iyong Ricci ba? Bakit? Sabi nila magaling daw 'yun."

"Oo, grabe malupet maglaro 'yun. Maliksi tapos mataas pa tumalon." Kuya praises Ricci.

"Edi nagdudunk 'yun?"

"Oo. Nagulat nga ako eh. Magaling iyong batang 'yun! Subaybayan mo 'yan, kapag graduate na 'yan, pag-aagawan yan sa PBA."

"Di agad magpapadraft yan, baka gayahin niyan si Kieffer, nagtagal sa Gilas bago nagpadraft. Rookie pa lang ba iyang si Ricci?" I asked.

"2nd year yata, hindi ko sigurado."

"Sana lang kapag nasa PBA na siya, Ginebra makakuha sa kanya." Favorite team ko kasi sa PBA ang Ginebra.

"Wish mo lang na huwag silang maunahan ni MVP."

"Sus, lahat naman ng magagaling gusto niya sa kanya lahat. Sige na, kanya na 'yung iba, huwag lang si Ricci. Sa Ginebra na 'yan. Haha!"

At ayon nga nang dahil sa sinabing iyon ni kuya ko nacurious talaga ko kay Ricci. Dumating sa point na sinearch ko siya sa Facebook pero fan page lamang ang nakita ko. May facebook kaya siya? I ended up following him on instagram and twitter.

Grabe, ang gwapo pala talaga niya. Simula noon, inistalk ko na siya. Pa-like like sa mga post at tweet niya. Then afterwards, comment dito, tweet doon. Everyday, kahit busy sa school, I had a time on checking him out on social media to get updates about him. Hindi ko kasi napapanuod iyong mga games nila. Mahirap makipag-agawan ng t.v sa bahay. Haha! Dumating din sa point na sumali din ako sa mga groups sa facebook na related kay Cci para mas updated talaga ako.

That's how my life is, of being a fan girl.

And then, since hindi nakapasok ang UP sa final four, I cheered for La Salle sa semis because of Ricci. Hanggang sa isang araw,

I met him unexpectedly.




***
A/N:
Oooops, ano kayang nangyari?
Fastforward tayo me bes ah! Mahirap idetailed eh.

Don't forget to vote, Thanks!
_LadyInSilence ✨

Fangirl Turns To His Girl | Ricci Rivero FanficWhere stories live. Discover now