#TWENTY EIGHT: LIKE A MOVIE

1.6K 26 2
                                    


Nakaramdam ng gutom si Ricci nang makalabas kami sa QCPL kaya naman nag-aya siyang maglunch. I told him na may malapit na fast food eatery akong alam para hindi na kami lumayo. Pumayag naman siya agad sa offer ko.

Nang makarating kami dito sa eatery agad kaming umorder. Ricci ordered a grilled pork, Hawaiian pizza and a frappe.

"Akala ko gutom ka?" I asked.

"Ha? Oo nga. That's why I ordered two, pero syempre share tayo sa pizza."

"Okay na yun sayo? Walang kanin?" Kunot noo kong tanong.

"Ah yun ba? no rice muna ako today. Hindi kasi ako nakapag-work out this past few days." Medyo natatawa niyang sagot.

"Psh. You should eat rice. Kahit medyo heavy yang pork, mahalaga ang kanin. But fine, I understand." Nagkibit-balikat na lang ako.

"Ikaw nga carbonara lang inorder mo eh?" He asked.

"Hindi pa naman ako gutom." I said while looking at the waiter who was serving us a soup and water.

I took a sip of water when I noticed Ricci staring at me.

"Why?"

"Ahmm, about yesterday you said you left your phone." Sumeryoso yung mukha niya.

I nodded. "Naiwan ko sa pagmamadali. Ten o'clock in the morning ang usapan namin nung kapartner ko sa project. Eh naglaba pa nga kasi ako di ba? Remember nung magkatext pa tayo? Ayun, mga nine thirty kasi ako natapos kaya naman madaling-madali ako at nalimutan ko yung phone ko."

"Ah okay I get it. Kaya pala pakner ang nasa caption niya. Partner pala kayo." May diin yung pagkakasabi niya ng pakner pero hindi ko na lang pinansin nang dumating na yung waitress dala-dala yung order namin.

"So kailan pa kayo magpartner?" Walang ganang tanong niya pagkaalis ng waitress.

"Huh? Nung last last week pa. The time we were assigned a school project." Alinlangan kong sagot. "By partner yun." Dagdag ko pa.

Anong bang problema niya? Kanina lang todo siya makangiti tapos ngayon nakakunot ang noo o kaya naman ngingisi bigla.

"Bagay kayo sa picture na magpartner." He smirked.

Tss. That's it. Galit nga pala siya sa akin. Naalala ko tuloy yung text niya.

"Akala ko ang issue dito is about sa hindi ko pagreply sa mga messages mo. Pero ano na naman ba yang sinasabi mo?" Mahinahon pero kunot noo kong tanong.

"Baka naman kasi hindi mo talaga naiwan yung phone mo. Ang totoo siguro nalibang ka lang kasi may kasama kang iba. And Harris is the name right?" He glance at me then focus on his food.

"So pinapalabas mong nagsisinungaling ako ganon? Ricci naman, I told you, naiwan ko yung phone ko. I'm busy with him oo! Pero we're busy in our project at hindi tulad ng iniisip mo!" Mahina pero may diin ang bawat salitang binibitawan ko.

Hindi siya agad sumagot. I took that time para basahin ang iniisip niya. Its obvious na naiinis siya dahil nakakunot ang noo pero mababasa mo sa mga mata ang lungkot at sakit.

Hindi ko na hinintay na magsalita pa siya dahil inunahan ko na siya.

"Kung ayaw mong maniwala eh di wag. Kumain muna tayo."

Binalot kami ng katahimikan sa buong oras na kumain kami. Si Ricci ang nagbayad nito dahil mapilit siya. Pagkalabas namin ng eatery dumiretso at pumasok siya sa sasakyan at ako naman nakasunod lang at pumasok na rin.

Hindi ko alam kung saan at paano ako magsisimula sa pagsasalita. Sa sobrang tahimik niya, hindi ko alam ang gagawin ko. Ilang minuto pa ang lumipas ng magsalita na siya.

Fangirl Turns To His Girl | Ricci Rivero FanficWhere stories live. Discover now