Chapter 1

4.7K 177 13
                                    

CHAPTER 1

“Ma, I’m so late na. I have an appointment with Sir Matthews!” sambit ni Erika na nagmamadaling ayusin ang sarili at ang mga gamit nito. ”Sandali lang anak ihahanda ko lang ang baon mo.” tugon ng Ginang habang minamadali rin ang babaunin ng anak.

“Ma I have to go na?”

“O sige. Ingat ka ha?”

“Sure, for you!” sabi nito at nakipagbeso-beso sa ina.

“Wag kang magpapagabi.” pahabol na sambit ng Ginang.

Nagmamadali si Erika sa napaka-importanteng meeting kay Mr. Matthews. Di nito alam kung ano ang pakay ng Ginoo ngunit masaya itong lumisan sa lugar na animo’y masayang batang pumapasok sa paaralan.

”Hello!” pa-utal na sabi nito sa cellphone habang nagmamaneho. “Good Morning Hon! How’s your day? Nasa office ka na ba?” Tumawag ang nobyo nitong si Filo upang kamustahin ang nobya. “I’m going to Sir Matthew’s house. May importante yatang sasabihin sakin.”

”Sa bahay ng Boss mo?” takang tanong ni Filo.

“Yup, is there something wrong?”

“No no it’s okay. I’m just wondering why sa bahay pa niya?”

”I don’t know. Maybe he’s sick. I don't know”, di siguradong tugon ni Erika.

“Ok. I'll just drop by sa bahay nyo later ok?”

“Ok!”

“ I love you!”

”I love you too…” ganting tugon ni Erika.

Masaya si Erika nang tumawag ang kanyang nobyo. Isang magandang salubong sa maganda nitong araw papunta sa tinitirahan ng kanyang among si Mr. Matthews. Di nagtagal ay nakarating din sya sa mala-mansyong tahanan ng Ginoo. Kapansin-pansin ang ganda ng bahay ng kanyang amo na parang mala-50's inspired ang dating.

“Good moring Sir.” bati nito sa matanda at sabay beso bilang pagbigay galang.

”Good morning too!” masigabong bati ng Ginoo. “You look beautiful as always iha!” puri nito sa dalaga. “Thank you po. Ah Sir may importante ho kayong sasabihin sakin?”

“Now that you mentioned it. Halika follow me!” ngiting anyaya ng Ginoo.

Tumungo sila sa garden ng mansyon. Namangha si Erika sa nakita. Aninag ang sikat ng araw at may iba’t ibang uri ng bulaklak na makikita roon. Mapapansin din ang mga huni ng mga ibon na nag-aawitan sa magandang tanawing iyon. Napakabango ng paligid dahil sa iba't ibang amoy ng mga sariwang bulaklak.

“Ang ganda ho ng garden nyo! Mas maganda pala sa personal!” ngiting sambit ni Erika na may pagkamangha. “Well, masarap talagang makakita ng ganito kaganda at kalawak na hardin. I love the scent of the flowers specially roses.”

The Perfect Summer (An Unforgettable Love story)Where stories live. Discover now