Part 17

14.1K 339 190
                                    


Ikatlong araw na pagkatapos mangako na dadalhin siya nito sa dagat ngunit hindi parin niya macontact si Kurt.

Masama na ang loob nito sa lalaki, ilang taon siyang nagtimpi ng galit sa tuwing malalaman niyang may kasama itong babae samantalang laging ito ang laman ng isip niya. Ilang beses niyang pinairal ang pagiging understanding niya kaso sawa na siya sa mga excuses nito.

Nagtungo siya sa bahay ng lalaki.

Pinilit niyang ngumiti habang nag do-doorbell sa pinto nito.

Si Monica ang bumukas ng pinto magulo ang buhok nito at pinilit na ngumiti.

"Ikaw pala sis, tulog pa si Kurt eh, may sasabihin ka ba?" sabi nito. Umikot ang mata ni Pamela at inirapan ang babae sa harap niya.

"Pwede kong sabihin sakanya ng personal, excuse me." mataray niyang sabi at nilagpasan si Monica. Dere deretso siya sa kwarto ng lalaki, tulog nga ito at nakatakip ang isang kumot sa ibabang parte ng katawan nito na hubad.

Narinig ni Kurt ang malakas na pagbukas ng pinto dahan dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata at nakita si Pamela na nakatiim bagang. Kasunod nitong pumasok si Monica na nakaroba lamang.

"Hey..what are you doing here?" takang tanong nito.

"Busy ka? sa alin? dito?" turo niya sa isang babaeng kasama.

"What's your problem." naiinis na sabi ni Monica.

"Shut up! kung ako sayo umalis ka na. Wala ako sa mood. Okay? baka mapano ka pa kung magtagal ka dito. You disgust me." singhal ni Pamela kay Monica na namula narin sa galit.

"What did—"

"Monica! labas na!" malakas na utos ni Kurt. Galit narin ito.

Naririnding kinuha ni Monica ang damit niya at padabog na lumabas ng pinto.

"So? andito ka ba para magsisigaw ng walang dahilan? ang aga aga pa Pamela! nanggugulo ka—"

"Nanggugulo?!" sigaw ni Pamela na halatang inis na inis sa lalaki.

Marahas na bumuga ng hangin si Kurt. "Ano bang problema mo ha?" seryosong tanong ni Kurt sa dalaga.

"You! ikaw! ikaw ang problema ko. Hanggang kailan mo ako iiwasan ha? hanggang kailan mo ako dededmahin hanggang kailan mo ako babalewalain?! Ano!"

"I don't understand you. Wala kang karapatan.." madiin na sabi ni Kurt.

"I—i like you. Simula pa noong una alam ko nang iba ang pagtingin ko sayo, napakabata ko pa noon at narinig ko kayo ng tito ng araw na umiinom ka bago kami umalis papuntang US! nagfocus ako sa pag aaral ko at nagpumilit na umuwi ng makapagtapos ako. Pero ano ang nadatnan ko? ikaw! ikaw na may kasamang babae! I hate you!" bulyaw nito sa lalaki at magmadaling umalis ng bahay.

Nabigla si Kurt sa ipinagtapat sakanya ng dalaga. Hindi ito makapaniwala sa narinig. Agad niyang dinukot ang cellphone nito ay tinawagan ang kanyang daddy.

"Sabihin niyo sakin ang totoo. Kala ko ba ay may nakilala nang lalaki si Pamela diyan at nakatakda na silang magpakasal? bakit ngayon ay sinasabi ni Ella na mahal niya ako! bakit niyo sinabi na pumayag na siyang magpaampon?" galit nitong bulyaw.

3 days ago tumawag ang kanyang mommy at ibinalita na may nobyo na ang dalaga at umuwi lang ng Pilipinas bago magpakasal. Kaya niya iniwasan ang dalaga kahit nangako na itong maglalaan siya ng oras dito.

"Your mom. Gusto niyang ampunin si Pamela, ayaw ni Ella dahil gusto ka niya. Hindi ako against sainyo. Pwede naming mahalin si Ella bilang asawa mo. Hindi iyon maintindihan ng mommy mo. I'm sorry son but your mom—"

"Gusto niyong magkaron ng apo diba? Fine! Sampu pa kung gusto niyo." Putol niya.

"Iho—

Hindi na tinapos ni Kurt ang sasabihin ng kaniyang ama. Nagmadali siyang nagbihis at nagtungo sa babaeng mahal niya. Si Ella..

WAKAS

Thank you sa pagbabasaaaaa ♥

Waitress (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon