Part 13

7.4K 218 2
                                    


"Yeah i guess you're right. Actually I brought you here because you are special." naisatinig ni Kurt hindi naman ito masyadong napansin ni Pamela dahil sa paglipad rin ng isip niya.

"Ha?" naitanong niya.

"Nothing, gusto mo ng halo halo? mayroon kami rito, ice mix ang tawag namin. Parang halo halo pero may iniba kami." ngumiti at at tumango ang dalaga kaya napangiti rin si Kurt.

"Ang galing..sino ang nag iisip ng mga pangalan ng putahe niyo?" tanong ni Pamela.

"Mga empleyado ko, minsan ako, minsan sila. Nagsusuggest sila at kapag okay sa pandinig ko inaaprubahan ko. Open ako para sa mga suggestions. Hindi naman ako yung klase ng boss na hindi nakikinig sa mga suhestiyon ng mga empleyado."

Sumilay ang ngiting abot tenga sa labi ni Pamela. "Ang babait niyo ng pamilya mo. At napakaswerte ko at nakilala ko kayo."

'Yeah, me too, I'm lucky kasi natagpuan kita.' naisip ni Kurt.

"Gusto mong mamasyal sa dagat?" tanong ni Kurt isang araw.

"Oo naman! gusto ko. Sabihin ko rin kay ate Kylie kung gusto niyang sumama." mabilis siyang tumayo sa pagkakasalampak sa Bermuda grass kaso maagap na pinigilan siya ni Kurt.

"No..ahmm she's busy, so tayong dalawa lang ang pupunta. Okay ba sayo?" ngumiti ito ng makahulugan pero hindi ito napansin ng dalaga na gumanti rin ng ngiti.

"Sige ba. Pe-pero ayokong magtwo piece ha? pwede bang dress lang ang gagamitin?" nag aalangan niyang tanong.

"Pwedeng pwede. Kasi hindi naman tayo maliligo. So pano maghahanda na ako ha?" sabay na silang pumasok sa kabahayan. Nakaakbay si Kurt sa dalaga.

"Dolfo honey tama ba ang nasa isip ko? iba ang tingin at pakikitungo ni Kurt kay Ella, goodness she's only sixteen! and you know they can't be lovers." pag aalala ni Minda. Nakamasid sila ngayon sa terrace sa ikalawang palapag. Nakamasid sila sa dalaga at nakita nila ang paglapit ng binata dito.

"You're right. Sa lumipas na ilang araw ay itinuring ko na siyang sariling anak. Napakainosente niya. At alam mo ba ang nasa isip ko? gusto ko siyang ampunin, I mean legal na ampunin, with papers and so on." tumango tango si Minda at nakangiti pero bakas parin ang pag aalala.

"Wow, ang ganda kuya." nasa tabi na sila ngayon ng dagat. Isa itong pampublikong lugar, hindi ito isang resort o private property.

"Pwede favor? wag mo na akong tawaging Kuya. Kurt nalang.. okay?" nagkibit balikat lang si Pamela.

"Tell me. Anong gusto mo sa isang lalaki?" tanong ni Kurt at inabutan ang dalaga ng sliced watermelon.

"Katulad mo, mabait, maalalahanin, at gwapo." mabilis na sagot ng dalaga. "Ikaw? anong gusto mo sa isang babae? sabi ni ate Kylie ayaw mo ng matangkad at maganda, kakaiba ka sa ibang lalaki ha? karamihan kasi ngayon panlabas na itsura ang hanap." napatikhim si Kurt at sumandal sa bato.

Dahil sa sinabi ng dalaga ay bumalik sa kanya ang alala ng isang babae. Ang babaing hindi nagpatulog sakanya ng ilang buwan, ang babaing may dahilan kung bakit siya umiwas sa mga babaeng matatangkad at magaganda. Bumaling siya kay Pamela.

Siya ang dahilan kung bakit niya nakalimutan ang pagkahumaling kay Herlia.

"Kuya- Kurt? may problema ba?"

Umiling si Kurt ng marahan at ngumiti. "Thank you."

"Ha? saan?" nagugulumihanan na tanong ni Ella.

"Basta, salamat." kumunot ang noo ng dalaga. "Gusto ko sa babae yung napapangiti ako, yung babaeng kapag kasama mo siya ay nakakalimutan ko ang problema ko." tumango tango si Ella.

"San kayo galing?" tanong ni Kylie nang dumating si Ela at Kurt sa bahay.

"Sa isang beach sayang kung hindi ka busy—"

"Tara na sa kusina, turuan kitang magluto." putol ni Kurt kay Pamela.

"Ela? beach? wow..bat hindi niyo ako isinama? kayong dalawa lang? andaya ha."

"Kala ko kasi busy—"

"Ella..tara na." pilit ni Kurt at hinawakan mo sa balikat ang dalaga.

Nakakunot ang noong sumunod ng tingin si Kylie sa dalawa. Nagkatinginan naman ang mag asawang Santos.

"Kylie..tutal sa makalawa ka na aalis sama ako sa pagpunta mo ng US. Okay? isasama rin natin si Pamela." sabi ng ginang.

Marahas na bumalig si Kurt sa kanyang Ina.
"Why? bakit niyo isasama si Pamela?" pagtataka at gulat ang nasa mukha ng binata.

Nag alis ng bara sa lalamunan ang Daddy nila na si Dolfo. "Hija Pamela? gusto mo bang ituloy ang pag aaral mo? isasama ka nila Kylie at ng tita Minda mo sa US." namilog ang mga mata ni Pamela.

"Ti-tito sa US. Gu-gusto ko po! naku US may snow dun tama? malayo yun diba? te-teka mag aaral po ako dun? di ako magaling mag english tita, tito. Ate Kylie US!! Kuya Kurt!" Excited na bulalas ni Pamela.

"Excuse me." nagtaka ang tatlo ng biglang tumayo si Kurt sa pagkakaupo kahit hindi pa nito tapos ang kaniyang kinakain.

Waitress (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon