Part 2

9.2K 214 1
                                    


Nag tricycle at jeep sila ng kanyang tiya papunta sa bar na tinutukoy nito na papasukan niya. Kabado si Pamela ng makarating sila. Hindi siya sanay sa ganung lugar, masyadong maingay at kung ano ano pa ang nakikita niyang kalaswaan.

Nakita niya ang kanyang tiya na lumapit sa isang lalaking may matipunong katawan, malamang ito ang sinasabi ng kanyang tiya. Marami itong kaibigan dahil sa pagsusugal niya, wala itong asawa at isang dalaga sa edad na 36. Mas matanda pa ito sa kanyang edad dahil siguro sa mga bisyo niya.

Nakayuko lang si Pamela at kabadong kabado. Nilapitan na siya ng kaniyang tiya at mukhang masaya ito. Nakagat ni Pamela ang kanyang ibabang labi.

"Magandang balita, sabi ni Tulpo itsura mo palang daw ay tanggap na tanggap ka na." masayang balita nito na ikinalungkot niya. Kumunot ang noo ni Linda.

"Hoy Pamela ha, ayus ayusin mo sarili mo, pag asa mo na to. Ngayon lang kita pinagtrabaho sa labas ng bahay, kaya ayusin mo. Ngumiti ka at alisin mo yang pagkakasimangot mo." galit na utos nito.

Tumango si Pamela dahil wala na siyang magagawa pa.

Nang pumasok siya sa isang kwarto ay hindi na niya kasama ang kanyang tiya.

Isang babaeng maraming tatoo ang humarap sakanya at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Inulit ulit pa nito ang kanyang pagtingin at bahagyang ngumiti.

"Anong pangalan mo? ilang taon kana? nag aaral ka pa ba?" sunod sunod na tanong nito.

"Pamela Santiago po ang pangalan ko, 19 years old na- napo a-ako, hindi napo ako nag aaral." nauutal pa niyang sagot. Tumango tango ang babae.

"Tanggap ka na. Except sa damit mo kailangan mo ng uniporme. O eto. Magsimula ka na mamayang gabi." abot nito sa isang plastic na may lamang damit. Nakayukong kinuha iyon ni Pamela.

"Salamat po." sabi niya sa babae.

"Isukat mo yan diyan sa banyo para makita ko kung sakto sayo." utos nito sakanya. Agad naman siyang sumunod. Ipinihit niya ang pinto at nagsimulang magpalit, napasinghap siya ng makita niya sa salamin ang reflection niya.

Halos lumuwa na ang mga dibdib niya sa damit, dress ito na hapit na kulay dark red, maikli ito, off shoulder ang uniporme at mas mababa pa ang cut nito sa bandang dibdib. Sabrina cut ito.

Namula siya ng makita niya ang itsura niya. Hindi pa sana siya makakagalaw ng may kumatok na sa pinto ng banyo. Huminga siya ng malalim at saka lumabas ng banyo.

"Hmmm..now I know kung bakit tinanggap kita agad, alam kong maganda ka at alam kong maganda rin ang katawan mo kahit naka T-shirt kang maluwag kanina." pinasadahan siya ng titig nito at tumango tango na parang satisfied sa nakita.

May iniabot uli ito sakanya. Isa itong sandals na kulay itim na may 3 inches heels.

"Tama na yang sukat ng damit mo, yan na ang suotin mo mamaya, wag ka na maglagay ng make up, maglagay ka lang ng red lipstick at ipusod mo ang buhok mo para mas makita ang leeg mong mahaba. Mamayang gabi bibigyan pa uli kita ng isa pang uniporme." sabi nito sakanya. Walang lumabas na salita sakanya at tumango tango lang siya.

Ipinaalam ng boss niya ang oras ng trabaho niya at ang mga bagay na susundin nila bilang waitress.

Natuwa ang kanyang tiya at napasok siya agad sa trabaho. Naging maganda ang mood nito at naging mabait sakanya.

Nag aalala si Pamela sa trabaho niya. Malamang maraming bastos sa bar.

Gaya ng utos ng kanyang boss ay ipinusod niya ang mahabang itim na buhok niya at saka naglagay ng red lipstick. Nasa banyo na siya ngayon ng kwarto nilang mga waitresses. Kwarto itong nakalaan para sakanila para pahingaan at para pagpalitan ng damit.
6pm-4am ang trabaho niya sa bar na iyon.

Waitress (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon