Part 14

7.1K 216 1
                                    


"Problema nun? Hindi niya ugaling hindi ubusin ang kanyang pagkain, himala ata." komento ni Kylie at kumibit balikat.

"Dolfo kausapin ko lang si Kurt." bulong ni Minda ng matapos silang kumain.

"No, ako na kakausap." sabi naman ni Dolfo.

"Bakit ka umiinom?" tanong ni Dolfo sakanyang binatang anak.

Nagkibit balikat lang si Kurt at nilaro laro ang kopita na kanyang hawak.

"Tapatin mo ako hijo. Ano ang tunay na pagtingin mo kay Pamela?" dahil sa gulat ay napatingin si Kurt sa kanyang ama.

"What do you mean?" kunot noong tanong nito.

"Gusto namin siyang ampunin." balewalang sabi nito. Tumiim ang bagang ng binata.

"Yeah? I don't give a damn dad. Gawin niyo ang gusto niyo." naiinis na sabi nito.

"Son, she's sixteen."

"I know dad!" hindi na nito napigilan ang inis. Bumuntong hininga ito. "Sorry, mali kayo ng iniisip. I have something to do dad, excuse me." umalis na ito. Naiwang naiiling si Dolfo.

"Asan si kuya Kurt tito?" tanong ni Pamela kinaumagahan.

"Oo nga dad, hindi man lang ba kami ihahatid sa airport? bat siya umalis alam naman niyang aalis na kami ngayon papuntang US?" takang tanong rin ni Kylie.

"May ginawa lang ako saglit." seryosong sagot ni Kurt na kararating lang. "Nagkaroon ng problema dahil nagresign ang dalawang cook. Pero okay na. Hindi ko na kayo maihahatid sa airport kaya ako umuwi saglit, maliligo lang ako at magpapalit." hindi ito bumabaling kay Pamela.

"Ahm..tito tita pwede ko ba siyang sundan sa kwarto niya? hindi ko pa po siya nakakausap simula kahapon eh, lagi po siyang busy." pakiusap ni Pamela, pumayag naman ang mag asawa.

Nang makarating si Pamela sa kwarto ay nagtatanggal ng polo ang binata.

"Hi. Pwede ba kitang makausap?" sinulyapan siya ng mabilisan ng binata at tumuon din ang atensyon sa pagtatanggal ng butones ng kanyang polo.

Lumapit si Pamela sa binata at niyakap ito ng mahigpit. Nagulat ang binata sa ginawa ng dalaga.

"Mamimiss kita, thank you talaga at nakilala kita Kurt. Biyaya ka ng taas sakin. Napakswerte ko." sabi nito sa pagkakasubsob sa kanyang matipunong dibdib ng lalaki.

Huminga ng malalim si Kurt at gumanti ng yakap. Niyakap niya ito ng mahigpit at saka hinalikan sa ulo ang dalaga.

"Mamimiss din kita..Ella." seryosong sabi ni Kurt.

"Mommy paano niyo nga pala nakuha ang mga papeles ni Pamela ng ganun kadali? pati passport?" tanong ni Kylie.

"We are rich, we can do anything." pagmamalaki ni Minda.

Naalala nito ang pagpapahanap niya sa tiyahin ni Pamela. Nakipag usap siya rito para ibigay sakanya lahat ng papel na pagkakakilanlan sa dalaga. Marunong makipag usap ang tiyahin nito.

Naglabas ng kalahating milyon ang mag asawa at ibinigay ito sa tiyahin ni Pamela para hindi na manggulo pa.

Waitress (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon