Maya maya natauhan si manong "a-ah e-eh he he wala nak sige na sakay ka na" nakakakita ba to si manong ng multo? Mukhang may kakabog na sa aken ah . abah di pwede yun.

123456789 Year later....

"Manong wala na po ba talagang ibang way para makaalis na tayo dito?" Pano ba naman kase trapik kung pwede lang pagalawin ko yung mga sasakyan tapos ihagis ko sa mars ginawa ko na eh.

"Sorry nak wala na talagang ibang magagawa" wala na? Aish bakit ngayon pa?

First day na first day tapos male late ako? Ahhhhh di pwede yon! Ano ba? Pano? Di ko alam kung pano tsk.

"Ah manong lalakarin ko na lang papuntang school malapit naman na yon eh male late na talaga ako"

Tumango si manong "sige iha magiingat ka" tumango din ako Kay manong bago naglakad palayo sa kalsada

Halos 10 minutes na ako ng naglalakad dito at Parang....

Nakng! Naliligaw ako! Aish bakit ngayon pa. Kinapalan ko na yung mukha ko nagtanong ako sa aleng nakatalikod sa akin. Kinalabit ko siya ngunit Parang.... Parang biglang lumakas yung ihip ng hangin? Bakit biglang tumaas yung balahibo ko? Bakit parang kinakabahan ako?

Wag mong sabihing....

Multo to?! Oo aaminin ko sanay na ako makakita at nakipagusap sa multo pero kinakabahan parin ako. Kase parang iba eh basta iba.

Bago pa ako mahalata ni aleng multo nagtanong na lang ako sa tindera ng halo-halo.

"A-ah manang pwede ho ba magtanong?" Kunot-noong tumingin sya sa akin parang kinikilatis nya bawat parte ng mukha ko.

"W-what's wrong manang? May dumi ho ba yung mukha ko?" Tanong ko ngunit patuloy parin sya sa pagkilatis sa mukha ko.

Ngumiti sya bago sumagot "iha..." Panimula nya habang nakatingin parin sa mukha ko "Wag kang mag alala napalaking tulong ng iyong kapangyarihan" sagot Nya na dahilan para magulat ako.

"A-ah e-eh hehehe wala po akong kapangyarihan" pagsinungaling ko. Ayoko ng may makaalam na iba dahil yokong magka issue at ako ang pinaguusapan. Nakakailang,nakakatakot na Baka isang araw kamuhian ako ng mga tanong nakapalibot sa akin.

"Wag kang magalala iha safe ang sikreto mo sa akin. Kailangan mo lang mag ingat. Wag agad magtitiwala sa mga tanong nakapalibot sayo. Huwag mo silang yayakapin,dahil Baka saksakin ka nila patalikod. Magmasid,maging alerto at wag magpadalos dalos sa iyong desisyon. Lumaban ka iha. Tandaan mo maraming nagmamahal at nagaalala sayo wag mong gawing komplikado ang lahat ng bagay." Napangnga ako sa sinabi ni manang magtatanong lang naman ako kung San yung daan papuntang school eh hays

Unknown Abilities [Editing] Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang