I hate stranger
Lexneah
Nagising ako dahil sa ingay ng alarm ko. Ayoko pang bumangon dahil inaantok pa talaga ako. Tinamad ako patayin yung alarm kaya nagtakip na lang ako ng unan sa mukha ko para di ko narinig yung alarm ko. Di ko talaga matiis yung ingay tatayo na sana ako ng biglang nabasa yung mukha ko.
"KUYA! ANO BA NAMAN YAN!" Sigaw ko kay kuya
"Ayaw mo pang tumayo eh kaya binuhusan kita ng tubig" what the? Patayo na nga eh tapos bubuhusan pa ako ng tubig.
"Patayo na nga ako eh tch." Singhal ko Kay kuya. Tumayo ako tapos pumunta agad
"bilisan mo dyan 7:30 pasok mo. Exclusive na school yon kaya wag lang pa chill chill dyan" bulyaw sa akin ni kuya
"how stupid" bulong ko PSH! Kahit kelan talaga Hindi kame nagkakasundo Neto ni kuya pero wag ka over protective yan pero nakakainis talaga siya eh hays.
7:00 na pala at eto parin ako nagaayos. Ayoko naman na first impression ng mga kapwa estudyante ko sabihan akong manang duh. Aaminin ko di ako kagandahan pero sexy naman
"yuck kilabutan ka nga sa sarili mo! Maganda ka di ka sexy" Singhal ng konsensya ko.
"wag lang maniwala dyan di ka maganda di ka den sexy patapon ka na kase!"Sabi naman ng isa. Pakshet muntikan ko ng mabugbog yung sarili ko dahil don aish.
Naisipan kong Hindi muna mag make up. Ayoko kase nang maraming kolorete sa mukha nagmumukha agad akong matanda.
Palabas na ako ng kwarto ng biglang.....
Biglang bumukas yung Library Room.
"aba first time pumunta ni kuya sa library room ah" sarcastic kong sigaw. Himala after 123456789 years pumunta din si kuya sa library room HAHAHA di ko na lang pinansin bumaba na agad ayoko kaseng pinaghihintay si manong daig pa non yung may regla eh.
"Goodmorning manong" masiglang sabi ko Kay manong. Napansin kong parang namutla si manong at nakatingin sa second floor.
Teka.....
Second floor?
Tumingin din ako sa second floor at....
Ohmaygulay! Yung babaeng nakita ko sa kwarto ko kahapon. Tiningnan ko ulit si manong at di paren naalis yung tingin nya dun.
"Manong may problema po ba? Bakit po kayo nakatingin sa taas may nakita po ba kayong multo?" Tanong ko Kay manong.
YOU ARE READING
Unknown Abilities [Editing]
Mystery / ThrillerPalaisipan parin hanggang ngayon kung bakit nagkaroon ng anak sila Mrs. Vicente at Mr. Vicente dahil sa pagkakaalam ng mga taong malalapit sa kanila ay Hindi na muling magkakaanak Si Mrs. Vicente. Si Lexneah Vicente ay may kakayahang makakita ng--mu...
![Unknown Abilities [Editing]](https://img.wattpad.com/cover/143966189-64-k932417.jpg)