Help me,Axel! help me!
Lexneah
Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Puro puti,nakakasilaw. Inilibot ko yung paningin ko hanggang sa napagtanto kong nasa hospital ako. Unti unting bumabalik yung nangyari kanina. Totoo ba yung nakita ko? Ako ba talaga yun? Ako ba talaga yung puntirya nila? Dahil sa kakaisip di ko namalayang meron palang nakaupo sa tabi ko nakayuko siya sa kama halatang natutulog.
Hinanap ko yung cellphone ko napansin kong wala yung bag ko dito. Hala Baka na snatch--chos.
"Oh,gising ka na pala" bulalas ng nurse
"Ay hindi tulog pa ako. Nagpapractice lang ako kung magigising pa ako tulog ulit ako ha?" Sarkastikong tugon ko sa nurse. Nakita na nga nyang gising ako tatanungin pa nya ako? Tanga lang te?
Inirapan ko siya " ahm ano po bang nangyari Sa akin?" Tanong ko sa nurse inirapan niya din ako bago sumagot "nahimatay ka daw bigla dun sa hallway. Bago ka mahimatay naghe hysterical ka daw. May saltik ka ba?" Sagot ng nurse Sa akin. Abat ako? May saltik? Aba panira to ah pasalamat sya nanghihina ako ngayon.
" salamat na lang pwede ka ng lumayas" pekeng ngiti ang pinakita ko tapos tinignan ko sya sa mata.Buwahahah yung killer look.Aym so owsummm. "at wag na wag mong ipapakita yung mukha mo sa akin kung ayaw mong ibitin kita ng patiwarik with feelings" sigaw ko sa kanya
Agad namang lumabas yung nurse at naiwan ako kasama yung lalaking kanina pa natutulog dito. Di ko kilala kung sino to pero pinabayaan ko muna mukhang kawawa eh.
Napabuntong hininga ako ng maalala yung nangyari kanina. Pano ako maghe hysterical eh ang alam ko hinawakan ko lang yung batong kulay puti kanina tapos nakuryente ako pero yung kuryente biglang dumaloy sa katawan ko hanggang sa di ko na alam yung ginagawa ko nahimatay ako bigla. Ano bang meron sa Florea? Anong nangyari bago ako makapasok dito? Bakit ako yung puntirya nila? Anong kasalanan ko? Dati ba akong magnanakaw ng bra sa past life ko? O Baka naman magnanakaw ng puting buhok ng matatanda? Ano ba? Aish nakakapagod magisip.
" h-hey gising ka na pala" napapitlag ako sa gulat pano ba namang bigla biglang nagsasalita eh nagiisip pa ako dito.
Tinignan ko siya ng masama "gusto mo ibitin kita ng patiwarik?!" Sigaw ko sa kanya.
" chill lang stupid ugly girl na--" hindi ko na sya pinatapos sinapak ko ulit sya
" o-ouch nakakailan ka na ha?" Sigaw nya habang hinihimas yung pisnge nya.
Di ko siya pinansin tumayo na agad ako para makaalis kailangan ko ng umuwi.
" hep hep" hinawakan niya yung braso ko saka pumunta sa harapan ko " San mo balak pumunta? Hating gabi na Baka maggala ka pa" nanlaki yung mata ko. Hatinggabi na? Shit lagot ako Kay kuya.
YOU ARE READING
Unknown Abilities [Editing]
Mystery / ThrillerPalaisipan parin hanggang ngayon kung bakit nagkaroon ng anak sila Mrs. Vicente at Mr. Vicente dahil sa pagkakaalam ng mga taong malalapit sa kanila ay Hindi na muling magkakaanak Si Mrs. Vicente. Si Lexneah Vicente ay may kakayahang makakita ng--mu...
![Unknown Abilities [Editing]](https://img.wattpad.com/cover/143966189-64-k932417.jpg)