“Leandro…” aniya nang humiwalay ang labi nito sa kanya, maingat siya nitong ibinaba sa ibabaw ng papag. Pilit niyang hinabol ang mga labi nito. Ayaw niyang mag-isip at baka magbago pa ang desisyon niyang magpaubaya.

Ngunit saglit lang humiwalay sa balat niya ang labi ng lalaki. Muli iyong lumapat sa puno ng kanyang tainga, “Mahal kita, Maty,” bulong nito bago pinaulanan ng maliliit na halik ang ilalim ng tainga niya, papunta sa panga, hanggang humatong sa kanyang leeg.

Napasinghap si Maty nang dumiin ang halik ni Leandro, nalulunod siya sa sensasyong nananalaytay sa buong katawan niya. Pakiwari niya ay may enerhiyang biglang gumuhit mula sa leeg niya papunta sa sentro ng kanyang katawan.

Naipon ang hangin sa baga ni Matilda nang maramdaman ang kamay nito sa loob ng damit niya, dahan-dahang gumagapang papunta sa kanyang dibdib. Napaigtad si Matilda nang tuluyang makulong sa mainit na palad nito ang isa sa mga iyon. May maliliit na ungol na umalpas sa kanyang mga labi nang laruin ng lalaki ang tuktok ng dibdib niya, at lalong lumakas ang kanyang singhap nang maramdaman niya ang pagsakop ng labi nito sa kabila. Kung paanong naangat ni Leandro ang kanyang damit ay hindi na niya matandaan.

At kung kanina ay sa sentro lang ng katawan niya nanulay ang kuryente, ngayon ay bawat himaymay ng katawan niya ay tuluyan nang naalipin ng sensasyong ngayon lang niya naramdaman.

“Leandro…,” maging ang sariling tianga ni Maty ay hindi halos makilala ang boses na iyon.

Imbes na sumagot ay mas dumiin ang paghalik sa kanya ng binata, pinagsalit-salit nito ang pagsamba sa magkabilang dibdib niya. Iniangat niya ang likod para lalong ialay ang sarili sa lalaki. Ang mga kamay na hindi niya alam kung saan ikakapit ay ihinawak niya sa buhok nito. 

Muling may umalpas na malakas na ungol sa kanyang mga labi nang maramdaman niya ang pagsakop ng mainit na palad nito sa kanyang kaangkinan.

Masyadong buhos ang atensyon niya sa ginagawa nito sa itaas na parte ng katawan kaya hindi niya namalayang naibaba na nito ang kanyang kasuotan. Automatic na sumara ang kanyang mga hita.

“Relax, Maty,” bulong ni Leandro, bago muling naglakbay ang mga labi pababa. Nang lumampas sa pusod niya ang halik ng binata ay biglang napamulat si Matilda at natilihan.

“Leandro!” hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito para pigilan.

Nang magtama ang mga mata nila ay muling nakulong sa baga ni Maty ang kanyang hininga. Ang singkit na mga mata nito ay naglalabas ng mumunting mga baga. Hinawakan nito ang isang kamay niya, idinikit ang palad niya sa mga labi bago tumayo.

Hindi nito inihihiwalay ang mga mata sa kanya habang isa-isang hinuhubad ang kasuotan. May init na gumapang sa pagkabilang pisngi ni Maty nang mabistahan ang katawan ng kasintahan, pero hindi niya magawang pumikit. Bahagyang nanlaki ang mga mata at napalunok si Maty nang masulyapan ang sentro ng katawan ni Leandro. Inangat niya ng mata at tumingin sa mukha ng lalaki. Muling may takot na dumaan sa kanyang puso.

“It will fit, Maty,” anito nang lumapit sa kanya. Muling sinakop ang kanyang labi, habang ang mga daliri nito ay dumadama sa magkabilang dibdib ni Matilda.

Ang takot na saglit na naramdaman kanina ay tuluyan nang nalimot ni Maty. Napalitan iyon nang matinding pangangailangan, na madoble pa nang lumapat ang katawan ni Leandro sa kanya.

Gamit ang tuhod ay pinaghiwalay nito ang kanyang mga hita habang ang mga labi nito ay muling naglakbay pababa. Saglit nitong pinagpala ang kanyang mga dibdib bago muling unti-unting dumausdos ang maiinit na labi nito pababa. At kung kanina ay pinigilan niya ito, ngayon ay masyado na siyang lango sa sensasyon para makapag-isip pa ng iba, maliban sa maabot ang kung anong kulang at hinahanap niya.

“Leandro….” Napaanas si Matilda nang muling lumapat ang kamay ni Leandro sa pagitan ng kanyang mga hita. Ngunit hindi katulad ng inaasahan niya ang ginawa ng binata, lumampas ang mga halik nito sa lugar kung saan dumadama ang mga daliri ng binata.

Maging ang kanyang mga hita at paa ay dinaanan nang maiinit na labi nito, bago muling naglakbay pataas.

Nagmulat ng mga mata si Maty nang haplusin ni Leandro ang kanyang pisngi, “Lagi mong tatandaan na mahal kita, Maty.”
 
Kung ano pa man ang isasagot sana niya ay hindi na nito inantay. Sinakop kaagad nito ang kanyang mga labi, habang ang mga kamay nito ay patuloy na dumadama, dinadarang siya, ihinahanda ang katawan niya sa napipinto nilang pag-iisa. 

Makalipas ang ilang saglit ay muling nilubayan ng binata ang kanyang mga labi. Ngunit bago pa makalabas ang pagtutol niya ay lumapat na sa sentro ng katawan ni Matilda ang mga labi ng binata.

Kabasay ng singhap niya ng pagdulay ng bolta-boltaheng kuryente sa bawat parte ng katawan ni Matilda. Hindi niya mapaniwalaan na may kakayahan ang katawan niya na makaramdam ng gano’ng uri ng nakalalangong kaligayahan. Umawang lang ang kanyang mga labi pero wala namang tunog na lumalapas sa pagitan noon.

Naitukod niya ang ulo at iniangat ang likod. Pumikit siya nang mariin at kinagat ang labi. Hindi niya magawang mag-isip nang iba pa. Lahat ng sensasyon ay napunta sa sentro ng katawan ni Matilda, sa mga labi at dilang sumasamba sa kanya. Kusang kumilos ang kanyang mga kamay at dinama ang buhok ng binata.

 Tuluyang kumawala ang ugol ni Maty nang may isang laksang liwanag ang sumabog sa ilalim ng talukap ng kanyang mga mata.

“Leandro…. Leandro…” paulit-ulit na bulong niya habang nakakapit nang mahigpit sa buhok ng binata. Pakiwari niya ay naubos ang lahat ng lakas niya, pero kakatwang naroon ang kakontentuhan. Hindi niya kayang ipaliwanag ang kung anong sensasyon ang umalipin sa buong katawan.

Umangat ito at kinitalagan niya nang mabilis na halik sa mga labi, bago bumulong sa kanya, “Kahit ang lupang lalakaran mo ay handa kong sambahin. Gano’n kita kamahal, Maty,” anito bago tuluyang pinag-isa ang mga katawan nila.   

My Trending Affair (R-18 / PUBLISHED @ Ebookware)Where stories live. Discover now