One Step At A Time

147 7 3
                                    

—————————————————————

Chapter 8: Still missing who they are.

—————————————————————

Drake's POV

Weeks passed, No Information. 

"Sir, we are doing everything we can."—tsk, another call from the old man. 

Sino pa ba, the one and only "My grandfather", Alfredo Doroteo Cleveland.

"Everything?! Kahit katiting wala kayong maibigay na impormasyon!"—rinig na rinig sa boses nya naiinip na sya.

Kung hindi niya lang hawak sa leeg ang mga magulang namin, matagal na talaga–

"Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?!"—inilayo ko agad sa tenga yung phone, ang lakas kasi kung makasigaw.

"Yes, I'm listening. Just give us some more time."—ma-autoridad kong sabi. "Kung maayos sana yung picture na binigay mo, baka tapos na ang adyenda namin, psh."—mahina kong sabi, hindi naman niya siguro narinig.

"What? Did you say something?!"—almost got me.

"Nothing, just one step at a time. Sir."—anong akala nya madali ang pinapagawa niya? 

"I'll give you 3 months. Pag hindi niyo nagawa ang pinapagawa ko, you know very well what I am capable of, Drake Jensen."

"I know Sir."

*Toot toot toot*

Arggh!! Mutik ko nang itapon yung phone ko, nang may nagbukas ng pintuan ng PE storage. Nandito kasi ako sa loob kung saan nilalagay lahat ng gamit para sa Physical Education. Anong ginagawa ko dito? Ito lang ang naisip kong lugar na walang makakarinig.

Familiar yung mukha niya...

Yumuko siya at yung mga mata niya para bang may hinahanap. 

"Do you need something?"—tanong ko sa kanya.

Hindi niya ako sinagot at pumasok siya. Tinitignan ko lang siya, pipi ba'to? O baka naman hindi siya nakakarinig?  

Napatingin ako sa hawak niya, volleyball? Nasa sport group siya, pero sobra yata ang makeup...? Hindi naman siya makapal, pero–

Teka nga muna, ano bang pake alam ko? May kailangan pa akong gawin, tsk. I'm wasting my time here. 

Lumabas na ako at iniwan doon yung babae. Kailangan kong sabihin kela Blake na dalian ang paghahanap namin sa kanila.

———

Demi's POV

"Anong ginagawa mo dito Demi?"—Mindy.

"I can't bear it, pagod na ako makisama sa party group. Isa pa, mukhang madaming students na nakakakilala sa akin. And that's not good."—kung bakit kasi nangialam pa kami ni Rain, kung hindi sana ako nagsalita nun...

"Ahh yung ikinuwento sa amin ni Rain, yung tungkol sa nangyari sa canteen tama?"—Mindy.

Napabuntong-hininga ako at tumango. "Fortunately, I'm sure na wala ni isa sa party group."—kailangan namin ingatan ang mga salita na sasabihin namin kung pag-uusapan namin ang tungkol sa misyon. Delikado, baka may makarinig na hindi dapat.

Kings Gangsters VS Mysterious PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon