Chapter 16 - Mahal ko na siya

21.7K 214 15
                                    

Chapter 16 - Mahal ko na siya

A/N: Late na naman ang ud. Sorrrrrrrry.^_^V Been busy this past few weeks, nag-aayos kasi ako for incoming fall semester and other school stuffs.. Sama niyo na rin ang pag gagala ko with my family. Hehehe. Oo nga pala, BELATED HAPPY BIRTHDAY ATE JOY!! Alam ko late na as in super duper LATE pero dito kita talaga balak batiin kaya hindi kita binabati sa fb. ^__^V

Sophia's POV

Ang bilis ng araw, one month na lang magpapasukan na ulit. Pero ayos lang kasi enjoy naman ang summer ko this time.

Pag wala akong ginagawa, I go to Carly's house. Minsan kasama ko si Gabriel. Pag hindi naman, hatid sundo niya ako sa bahay ng mga Lorenzo. Everytime na binbisita ko si Carly eh halos buong araw ako nasa kanila. Sobrang dami naming pinagkakaabalahan. Mukha na nga talaga akong nanay ni Carly eh. Ako ang nagpapaligo, nagbibihis, nagpapakain, etc. Ayos lang naman sakin yun kasi masaya naman ako sa ginagawa ko tsaka tinutulungan naman ako nung personal yaya niya..

"Sorry talaga Sophia, I can't join you and carly today.." Gabriel

"Ano ka ba. Okay lang.. Eh ikaw, okay ka lang ba? Gusto mo samahan muna kita ngayon?"

"No.. Hindi na.. May pupuntahan kayo ni Carly, right?"

"Yeah. Pero pwede naman i-move yun. I'll just tell her na--"

"Wag na. Magrereport lang naman ako sa police station. Then I'll try to search for him. Sobra na kasing nagaalala si tita."

"O sige, basta ingat ka."

"I will.. Bye."

Pagkaalis ni Gabriel nagpahatid na ako kay Kuya sa bahay ng mga Lorenzo. Nagpromise kasi ako kay Carly na pupunta kami sa isang theme park. Pagkadating namin agad kaming bumili ng ticket. Una naming sinakyan yung pambantang ride na mga hayop na tumataas tapos bumaba. Ahh! Hirap i-explain. Basta yung parang mga rides na pambata din sa malls. Pumasok din kami sa giant inflatable slide na may marming bola at sumakay ng bump car.

Nung lunch time, bumili lang kami dun sa mga stalls sa loob ng theme park. Hassle pa kasi pag lumabas pa kami, sayang oras.. Tapos nagpahinga sandali. Nung medyo nagkaenergy na ulit si Carly sumakay pa kami ng iba pang rides. Bumili rin kami nung head band na minnie mouse, tig isa kami. Tapos nagpapicture kami sa mga mascot na lumilibot sa buong theme park.

Habang naglalakad kami nadaanan namin yung magbabasketball ka tapos may price na equivalent kung ilan yung na shoot mong ball. Maraming tao within that circle. Halos puro couples yung nandun. Malamang yung mga boyfriends nila ang naglalaro tapos nagaabangan lang yung mga girls kung may makukuhang price ba yung mga partners nila. Maglalakad na sana kami paalis dun kaso..

"Mommy.. I want that.."

Napatingin ako kung saan nakaturo si carly.

Gusto niyang kunin ko yung malaking stuff toy??

Maglalaro ako ng basketball?

GAME!! ^__^

Gusto ko yan!

"Okay baby.. Stay here.. I'll get it for you.." *wink*

Iniwan ko muna siya kay Mr. John tapos lumapit ako dun para makapaglaro na.

"Excuse me.. Ahm. How can I get that biggest stuff toy?" sabay turo ko dun sa bear

~RIIIIIIIINNNNNNGGGG

Biglang tumunog yung bell..

"WOOOOOOOOOOAAAAH!!" hiyaw ng mga tao

Okay? Anong meron?

My Valentine PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon