Chapter 54 - final goodbye for ALEXHIA

15.4K 190 22
                                    

A/N: Sasagadin ko na hanggang chapter 55 tapos epilogue. Sorry kung ang gulo ko. ^^v Tapos bukas ko ipopost yung last chapter then abangan nyo na lang yung epilogue this week. Basta matatapos na 'tong MVP this week, ito na ang huling linggo. LOL





Chapter 54 – final goodbye for ALEXHIA





Sophia's POV



Paglabas ko sa airport nakita ko kaagad si Kuya Ethan, kinawayan ko sya tapos linapitan nya ako.



"Bunsooo! Namiss kita!" Sabay yakap ni kuya.



"Namiss din kita kuya!"

"Ano bang pumasok sa isip mo at bigla ka na lang umuwi with that short notice? Hindi tuloy kami nakapaghanda."



"Sinabi mo ba sa kanila?"

"Hindi wala pa akong pinagsasabihan."

"Good!"

"Bakit ba ayaw mong ipasabi? Tinataguan mo ba sila?"

"Hindi! I just want to surprise them."

"Ang daming alam. Pero seryoso, bakit ka nga umuwi? Di ba next year pa matatapos yung contract mo?"

"Kasi kailangan kong malaman yung sagot. Kailangan kong malaman kung may chance pa ba. Kung ako pa din ba o may iba na sya. "



"Si Gabriel ba yung tinutukoy mo?" Nag nod lang ako sa tanong nya. "Bakit pinagsisihan mo bang umalis ka at iniwan mo sya?"



"Hindi ko naman sya iniwan dahil in the first place bago ako umalis, wala na kami."

"O sige, ibahin natin. Pinagsisihan mo bang nawala sya sa buhay mo? Nagsisisi ka ba na hinayaan mong mawala sayo yung taong mahal mo?"

"Oo pinagsisisihan ko. Akala ko makakaya kong wala sya buhay ko, akala ko makakalimutan ko sya pero hindi e. I failed. Hindi ko pala kaya."





"So you're here to fix everything?"





I just nod.



"Haaaaaay. Sana hindi ka na lang umuwi bunso."





Sana hindi na lang ako umuwi?





Bigla akong kinabahan sa sinabi ni kuya. Gusto ko pang magtanong pero natatakot ako sa maririnig ko ulit. Nahuli na ba ako? Ano bang nangyari nung wala ako?

My Valentine PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon