Chapter 15 - Sophriel and friends

22.3K 210 9
                                    

 Chapter 15 – Sophriel and friends

Sheryl’s Pov

“Guys, ano na? Tek yan oh.. Usapan 6 am sharp eh. Nasan na ba sila?” Chris

“Malapit na daw, sinundo lang nila si Ira.” Sabi ko

Medyo matagal na kasi kaming naghihintay dito malapit sa university. Ngayon kasi yung outing naming magkakaklase. Pero kami kami lang nina Patrick, James, Chris at Sophia ang nag-usap usap kasi kami lang naman yung friendship sa room. Tapos yinaya na rin namin si Ira at Janna. And Syempre hindi pwedeng mawala si papa Gab ni Sophia. ^_^

Sa isang resort kami pupunta. Three days and two night’s ang stay namin para naman masulit namin ang summer vacation namin. Maya-maya lang din may pumarada ng isang black na sasakyan sa tapat namin. At pagbaba ng mga sakay nito ay…

*O* - Itsura naming apat.

Bakit?

Pano mga artsita at model ata yung mga bumaba sa sasakyan. Ang gwapo at ang gaganda. Parang may shooting lang.

“I’m in love..” Patrick

“She’s the one..” Chris

“Astig nung kotse..” James

(_ _)” Bigla akong natauhan sa narinig ko. Napatingin ako kay James. Srsly? Yung kotse talaga ang mas napansin niya? Hindi ba siya nagandahan kay Janna at Ira? Ano ba naman ‘tong lalakeng ‘to! Teka, lalake kaya talaga ‘to? Di kaya..

“Bakit?” James

“H-huh?” ako

“Bakit ka nakatitig sakin? Problema mo?” pagsusungit nito

Kainis! Siya pa?! Siya pa ang may ganang magsungit?! Dapat ako ang nagsusungit di ba?! Ako! Ako..ang nasaktan eh.. Buseet!

“Ewan! Dyan ka na nga!” tapos linayasan ko yung tatlo at sinalubong ko sina Janna.

“Good Morning Sheryl!” Janna

“Morning din..” =__=

“Oh? Pati ikaw wala sa mood?” Ira

“Anong pati ako? Bakit sinong wala din sa mood?” tanong ko

“Yun ohh.” Sabay turo ng patago kay Sophia

Tinignan ko si Sophia.

Oh? Nakangiti nga eh habang magkausap sila ni Gabriel. Pano magiging wala sa mood yun?

My Valentine PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon