Chapter 49 - She's gone.....? (Part 1)

15.9K 166 10
                                    

Chapter 49 - She's gone.....? (Part 1)

Janna's POV

I was still in shock sa nangyari, of all people bakit si Sophia pa? I mean what did she do to recieve this kind of suffering? I can't help but to feel pity for her, maganda yung intentions ng pagsasacrifice nya para sa dalawang lalaking mahal nya at ganun din sya pero bakit ganito pa yung kapalit? Nasaktan na nga sya pero bakit sobrang sakit pa yung pinaparanas sa kanya ngayon?

I sighed. Napatingin ako sa langit. "Please give her more time with us. Please."

 

 

 

The next morning maaga akong dumaan sa university para ipaalam sa mga professors ni Sophia ang nangyari. Lahat sila nagulat, nakakagulat naman kasi talaga. Sinabi din nila na ipagdadasal nila na magising na si Sophia at makarecover. 

Hindi na ko pumasok sa mga classes ko kasi wala na din namang ituturo yung mga profs dahil one week na lang Christmas vacation na. Tsaka nagsabi naman ako at pinayagan nila ako. Ganun din yung ginawa ni Ira. Pero si James, Sheryl, Chris at Patrick hindi pinayagan ng mga professors nila dahil may mga exams pa sila.

"Susunod na lang kami agad after class." Malungkot na sabi ni Sheryl.

Gustong gusto nya kasing magpunta. Kagabi nga gusto nya sana mag stay kaso sabi ni tita magpahinga na lang daw kami at bumalik na lang.

"Babe. Wag ka masyado mag-alala, gigising din si Sophia." James

"Update mo kami about her condition, text mo kami agad ha." Sabi naman ni Chris

"Kapag may kailangan, tawag agad kayo para mabili at madala namin sa hospital mamaya."

 

 

 

Nag smile ako sa kanila. "Oo sige."

Tapos tinignan ko si Sheryl, malungkot pa din sya kaya naman Lumapit ako at niyakap ko sya.

 

"She'll live. She will."

My Valentine PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon