Mardeb

1.1K 29 2
                                    

DEBBIE P.O.V

Guys itong update na to, nakafocus lang sa Mardeb Couple natin. Unti untiin ko nang klaruhin yung mga nabuong loveteam dito, kasi mga nasa 4 to 6 updates nalang at tapos na to.

So basa na ;)

===================

DEBBIE Point of view

“No buts Debbie. Believe me, He likes you”  He likes me? maru likes me? parang hindi naman ata kapani paniwala yun, lagi nya akong sinusungitan, sinasabing lukaret, akala ko dati magandang salita yun at nung tinanong ko si Tita about dun, meaning pala nun ay parang babaeng baliw. >,<

i sighed at tumayo, sobrang gabi na rin, andito kaya si maru ngayon sa restaurant nya?kanina kasi mukhang galit  sya sakin and i dont know why. Bago kasi ako umalis sa Pad nya eh ni di man lang ako pinagbuksan ng pinto. Grabe diba?  Tapos sasabihin nyong HE LIKES ME, eh pagbukas nga ng pinto hindi nya magawa what more ang pagbukas ng puso sakin >,>

“Excuse me?”  tinawag ko yung isang waiter na babae, agad naman tong lumapit sakin ng nakangiti, sheez buti pa mga trabahante nya eh masasayahin samantalang yung amo..

“Yes mam?”

“Andyan ba si Maru?”

“Po?”

“Uhmm. I mean si Chef Esteban, is he here?”

“Yes Mam, actually kaninang umaga pa sya nagkukulong dyan sa office nya.”

“Okay thank you ha?”  nginitian ko sya, andito pala sya simula kanina?

“Mam girlfriend po ba kayo ni Chef?”  suddenly the blood runs to my face, GIRLFRIEND?AKO?

“HA.HA hindi ”

“Sayang naman po, bagay kayo “

“Ahehe ganun ba? “  I smiled awkwardly to her, sarap pala sa feeling na napagkakamalan kaming KAMI. Sya kaya ano kayang mararamdaman nya .

“Yes Mam, ang ganda ganda nyo po, tapos si Sir naman naku sobrang gwapo kaya lang masungit minsan eh, lalo na kanina”  sabi nya na parang binubulong lang sakin.

“Bakit naman daw masungit?”

“di ko po alam eh basta kanina pagdating nya dito eh binalya nya ng malakas yung pinto.”  Tumango tango nalang ako, umalis na rin naman sya kasi maraming costumer ngayon.Di maipagkakailang masyadong sikat nga tong restaurant ni Maru lalo na sa mga estudyante.

Umupo nalang ako at inubos yung juice na inorder namin ni Ate Kesha. 

Paano nga kaya kung sabihin ko kay maru na gusto ko sya. Kaso baka sigawan lang ako nun, gaya ng ginagawa nya sakin lagi.

Kasalukuyan kong pinaglalaruan yung straw sa lemon juice ko ng biglang bumukas yung pinto, nakasuot sya ng pang chef, pagkasara nya ng pinto agad na nagtama ang mata namin. I smiled. Kaso parang di nya ako nakita dahil agad syang lumiko at pumasok sa loob ng cooking area.

[Under Revision] Pretend we never loved ft. Yuri KwonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon