16

2.1K 23 10
                                    

Andito na kami ngayon sa CS Company dito kasi gaganapin yung photoshoot para sa isang mens magazine na gagawin, eto kasi yung unang first project na gagawin ko dito sa Pilipinas, alam kong talagang hindi maiiwasang magkita kami dito. Simula nang nangyari yung kagabi hindi ko parin talaga matanggap kung bakit nagkaganun si Cy, bakit biglaang nagbago sya. Hindi ako naniniwala sa mga sinabi nya, isa lang ang narealize ko kagabi, nang tinanong ko sya kung mahal pa nya ako, I'm sorry lang ang sinabi nya. He didn't said it directly na hindi na nya ako mahal.

"Kesha, Andun na daw yung susuutin mo" napalingon ako sa tabi ko, andito na pala si Greco and he look so hot sa suot nya ngayon, naka coat sya pero walang panloob kaya nag hehello tuloy yung Abs nya sakin.

"Okay magbibihis muna ako Grec" tumango naman sya , nilagpasan ko na sya para magbihis , tapos narin kasi akong makeupan , halos lahat nang staff ngayon ay busy sa pagaayos nang mga gamit namin, sinubukan kong hanapin sya pero nagsisi lang ako nang makita kong kasama nya ngayon sa desk nya si Amanda, pinipilit syang subuan ni amanda nang fries na hawak nya pero umiiwas si Cyrus, hindi ko alam kung naiirita na ba sya kay Amanda dahil nakakunot na yung noo nya, halos parang gusto kong matunaw nang magtama yung mata namin. No Kesha. Wag mo nalang silang pansinin masasaktan kalang. Naglakad na lang ako ulet papunta sa dressing room. napahawak ako sa Lamesa sa loob dahil parang nanghihina ako. I need to accept it. may iba na sya..

"Kesha wear this" tumingin ako sa nagsalita, si Tita lang pala. Ngumiti ako sa kanya at inabot yung dress na inabot sakin, ewan ko nga kung dress paba to oh nighties sa sobrang nipis at ikli. Sanay naman na akong suutin ang ganito kasi mas matindi pa nga yung sinusuot ko nun sa ibang bansang napupuntahan ko, ano pabang aasahan mo sa mens magazine diba, alangan namang magpajama ako baka wala nang kitain yung magazine.

pagkalabas ko ng Cr at suot ko na yung damit na kulay black ,tinignan ko ang sarili ko sa whole body mirror, hindi mapagkakailang maganda nga talaga ako kaysa kay Amanda. natatawa nalang ako sa naiisip ko, bakit ko nga ba ikukumpara ang sarili ko sa babaeng yun.

"hija you look gorgeous in that dress!" nginitian ko naman si tita na nakatingin ngayon sa damit ko, kanina lang sya dumating dito sa company. napansin nya sigurong pilit lang yung mga ngiti ko.

"kesha may problema ba?"

"po ? wala naman Tita ."

"Tell me."

"Wala nga po, ang kulit mo naman" humarap ulet ako sa salamin nang nagsalita ulet sya.

"If i were you, hindi ako magpapatalo sa Amanda na yun." paano nya nalaman, masyado nabang obvious yung kinikilos ko :/

"Tita, paano. Kung una palang sya na ang nagsabi na hindi nya ako mahal."

"Sinabi nya ba talaga?" kunot noong tumingin ako kay Tita, anong ibig nyang sabihin.

"I mean, sinabi ba nya nang diretso? nagkalinawan ba kayo?" inisip ko naman yung nangyari kagabi , the last thing na sinabi nya sakin ay "I'm sorry"

"Hindi ko po alam Tita.." tumingala ako dahil nagbabadyang tumulo na naman yung luha ko, hindi pwede dahil baka masira pa yung makeup na nakalagay sakin.

"Miss Kesha Ready na po ba kayo? next na kayo kay Ms. Amanda." tumango naman ako tska humalik sa pisngi ni Tita.

"Keep calm kesh, kung iisipin mo yun baka hindi ka makapagfocus okay?" tumango tango ako tska lumabas na nang dressing room, naabutan kong si Amanda na ang kinukuhaan ni cyrus. Katulad nang sakin lang din ang suot nya, medyo iba lang yung design pero kulay black din tska masyado ding revealing yung katawan. nagsuot muna ako nang coat para matakpan yung katawan ko.

Pinapanood ko lang kung paano kuhaan ni Cyrus si Amanda, He's so serious pala talaga habang nagtatrabaho , yun din kasi ang kwento nang ibang staff, si Cy daw ang pinakamasungit na Photographer na nakilala nila.

[Under Revision] Pretend we never loved ft. Yuri KwonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon