12

2.2K 19 0
                                    

Sorry kung mabagal masyado magupdate sa totoo lang may sakit ako ngayon pero ginawa ko parin to.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~'''

Kesha POV.

Napakapasaway talaga nun ni Cy bago umalis hinalikan pa ako, pasalamat sya mahal ko sya kung hindi naku..... xD

nilibot ko muna yung paningin ko sa labas kasi parang may napansin akong parang may nakatingin samin pero mukhang wala naman, siguro namalikmata lang ako nun. napailing na pumasok nalang ulet ako sa loob, kailangan ko na rin kasing magpahinga, bukas na bukas kasi babyahe na kami papunta sa company ng CS dito sa pilipinas, doon na kami magsisimulang magphotoshoot para daw muna sa isang Mens Magazine. syempre ang mga suot namin doon medyo daring, sanay naman na ako kasi karamihan sa mga nakukuhang project ko ay mga ganun, tska mas comfortable ako ngayon kasi tiwala ako sa photographer ko :D

Humiga na ako nang biglang may kumatok sa pinto , baka si cy na naman to? pasaway talaga. tumakbo muna ako sa salamin dito sa room at nag foundation nang konti, konting ayos nang buhok tska tumakbo na ako , binilisan kong buksan yung pinto pero hindi naman si Cy yung nakita ko ..

"Oh greco !" nag wave pa sya sakin, nakasuot lang sya ng pants then black tshirt na fit sa kanya tska fitted jacket. ang hilig lang nito sa masisikip na damit palibhasa ang ganda ng katawan nya eh. chos ! :D nakikita ko syempre yun kasi sya yung buddy ko sa mga pictorial. ahaha

"Bakit parang ayaw mo kong makita?" nagpout pa to, napansin nya siguro kasing parang nadissapoint ako, bakit kasi si cy yung aasahan ko eh kagagaling lang nun dito kanina. Pero sa totoo lang miss ko agad sya eh

"Pasaway ka, ofcourse gusto! ang tahimik mo kaya kanina, baka nga ikaw ang ayaw kumausap sakin eh :3" kanina kasi hindi nya ako gaanong kinakausap, kahit sa eroplano buong oras syang tulog tapos kanina pagkahatid nya sakin dito sa room umalis agad, yung para bang iniiwasan nya ako.

ginulo nya bigla yung buhok ko kaya napapout ako.

"aish ginugulo mo naman yung buhok ko eh!"

"bakit may pinapagandahan kaba ? haha" hinampas ko nga sya sa braso, tumatawa lang sya habang hinihimas yung part na sinampal ko.

"Teka nga, bakit ka nandito ? namiss mo ako no :b"

"Oo." seryosong sabi nya, napatingin naman ako sa kanya, nagulat ako ng bigla nyang tinakpan yung bibig ko nang isang daliri nya.

"mapasukan yan ng langaw bahala ka haha. namiss kaya kita. hindi kita kinakausap simula kanina sa byahe eh hahaha"

"buti alam mo no? kaasar ka."

"sorry na, tara labas tayo?"

"ha? saan naman tayo pupunta??"

"may club malapit dito, punta tayo? " CLUB? teka namiss ko ring pumunta sa mga ganun. sa Korea kasi natural nalang yung club dun pero wala akong ganang magpupupunta kasi wala akong friends xD laging si greco kasama ko eh. karamihan kasi sa mga co models ko mga plastic that's why si Greco nalang ang mas gusto kong kasama, atleast sya totoo tska napoprotektahan pa ako.

"pero Greco, alas diyes na kaya..." tumingin pa ako sa suot kong relo.

"kaya nga, alangan namang umaga magbubukas yung mga club dito." Oo nga naman ~.~

"sige teka magbibihis lang ako" tatalikod na dapat ako pero hinawakan na nya agad ako sa braso.

"Oi oi Teka. magbibihis lang ako!"

"ok na kaya yan." napatingin naman ako damit ko, nakasleeveless ako na black tska short o.O

"ayoko nito, baka kasi...." baka makita ako ni cy na ganito suot ko..

"baka ano?"

"basta!"

"psh. don't worry dito lang naman ako sa tabi mo, wear this" bigla syang huminto tska sinuot sakin yung jacket , sakto lang naman sakin kasi si Greco mahilig sya sa mga fit sa kanyang jacket.

"napaka mo talaga Mr. eusebio!" tinawanan lang ako ng loko habang patuloy na naglalakad at kinakalad kad ako! kaloka. parang excited na excited syang pumunta sa bar. Eh halos lagi naman tong pumupunta nung andun kami sa korea, ako lang talaga ang ayaw sumama kasi ayoko talaga. Tska yung mga models dun halos lahat may gusto kay Greco kaya once na nalaman nilang kasama nya ako baka ako na naman yung pagmalditahan nang mga yun, Kaya ko namang lumaban kaso mas maganda nang manahimik nalang MUNA.

"Oh Hi Greco and................ Kesha" parang tinarayan nito yung pagkakabanggit nang pangalan ko, sino paba? eh di si AMANDA ~.~ napahinto tuloy kami sa paglalakad pero hawak hawak parin ni greco yung kamay ko, magsasalita pa sana ako pero napakunot ako ng noo nang makita ko kung sino ang katabi nya, kahit nakatalikod to samin at nakaharap kay Amanda, i know kung sino to. sa itsura nang pagkakatayo nya, sa tindig nya at sa pananamit nya.

bakit sila magkasama? dahan dahan syang lumingon samin, nagtama pa yung paningin namin, tumtitig ako sa kanya at parang nangungusap yung mga mata namin. Pero ako wala akong mabasa kung anong iniisip nya. Akala ko ba wala syang interes kay Amanda. bakit sila magkasama at yung tingin nya sakin ngayon parang ang cold cold nya. Ahh siguro parte to nang pagpapanggap naming dalawa. :)

"Hi Amanda!" masayang bati pa dito ni Greco " teka, bakit kayo magkasama ni Cyrus?" sabay turo nito kay Cy, napatingin naman sakin si Cy at nakita ko kung paano nya tapunan nang tingin yung kamay kong hawak hawak ni greco. aalisin ko sana pero ang higpit nang hawak ni greco eh, pansin ko din yung tensyon sa tinginan nilang dalawa.

"actually lalabas kami :) kayo?" O.o gagala silang dalawa lang..?

"lalabas din kami eh, if you want, sama nalang kayo samin, may alam akong malapit lapit na club dito, lalakarin nalang din naman."parang gusto kong pigilan si greco sa balak nya, ayaw kong makasama yang si Cyrus kung kasama lang nya yang babae na yan!

"Wow. Okay sakin yun! so babe, okay ba sayo?" sabay pulupot nito sa braso ni Cy. what the Heck! Anong babe pinagsasabi nito. napatingin ako kay Cy na nakatingin lang sa ibang direksyon at walang ka emo emosyong.

"Bahala ka." pucha naman! anong kalokohan mo to Cy! kanina lang ang sweet sweet nya pero eto may BABE sya.

"Okay na ang BABE ko. so let's have a double date. :)" maarte este malanding sabi pa ni amanda habang nananatiling nakakapit sa braso ni Cy.

"Ano Kesha okay ba sayo?" tanong naman sakin ni greco, gusto kong umayaw, ayaw kong sumama pero baka isipin naman nila na ang KJ ko. pero sa totoo lang ayoko talaga, dahil ngayon palang gusto ko nang umiyak :C

tumitingin ako kay cy pag nararamdaman kong nakakatitig sya sakin pero once na mahuli ko syang nakatingin sakin bigla nalang sya titingin sa ibang direksyon na parang di nya ako kakilala!

"ahh si...sige." pumalakpak na naman yung amanda.

"so let's go na!" nauna nang naglakad si Amanda , tangay tangay si Cy. dinaanan nya lang ako na walang tingin tingin.

"kesha okay ka lang ba? para ka kasing nanlalamig ka dyan?" napukaw naman ako ng biglang nagsalita si Greco sa harapan ko.

"ha? Tara na. ano bang pinagsasabi mo dyan HAHA" tumawa ako kahit na sa totoo i want to cry right now. i want to burst out kung anong nararamdaman ko, gusto kong sumigaw dahil gulong gulo ako. cy ano ba to? :'C

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~'

tatry kong mag UD pa mamaya ha? :)

~XOXOChinita.

[Under Revision] Pretend we never loved ft. Yuri KwonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon