I just stared at her. Hindi ko alam kung bakit pero talagang tinitigan ko lang siya. Makita ko lang siya sa tabi ko, pakiramdam ko, ok lang kaming dalawa. Sana nga.

"Sige. Wag ka sasabat ha? Gusto ko matapos agad ang kwento ko about him."

"Ok". Then umupo kami sa sofa nya. Yes, she has a sofa in her room. Sosyal nya diba? Ako din. Haha.

"Ok. Best friends kami... Dati. We were really good friends. Lumaki kaming dalawa sa iisang environment. Nag-elementary kami, classmates kami. Laging kami lang magkasama. Kapag may nangaway, ipagtatanggol ang isa't isa."

Nakikinig lang si Fionna. Nakatingin lang siya sa 'kin.

"Pero nagbago lahat nang mag-high school kami. Naalala ko, nung first year kami, lagi ulit kaming dalawa ang magkasama. Kaso ang mga babae sa school, daig pa ang mga fan girls na nakakita ng artista."

She giggled. Hmmm :)

"Lagi lagi, gano'n ang nangyayari. And it also happened sa 'kin. I'm trying to be snob pero grabe ang kulit nila! Nainis ako. Hinintay kong matapos ang 1st year ko, at nagsabi ako sa parents ko na sa 2nd year, ilipat ako ng school."

"Then one time. Nalaman ni Allen na lilipat ako ng school after ng 1st year. Pinuntahan nya 'ko sa 'min at nagwala siya."

• FLASHBACK •

"WALANG HIYA KA ALEX! AKALA KO BA WALANG IWANAN?! TAS NGAYON LILIPAT KA?!?", sigaw ni Allen sa 'kin.

"Allen.. Kailangan mong matuto na mamuhay nang wala ako. Malalaki na tayo. Tsaka school lang naman ang ipagkakaiba natin eh. Pwede pa rin tayo mag-hang out."

"SIRA ULO! *boog*."

~ Nag-snap na 'ko bigla dahil sa suntok niya.

"Ikaw Allen! Hindi ba't ikaw ang sira ulo dito?! Basta ka nanununtok?! Allen! Wake up! High schoolers na tayo pareho! Hindi na pwedeng umikot ang mundo sa ating dalawa. We have our own lives!"

"Ha! Hindi kita iniiwan until now! Tas ikaw bigla kang mangiiwan?! Gago lang!"

"Teka! Ako pa nangiiwan?! Sino sa 'tin ang nangiiwan?! Ha?! Sino ang laging pinapalibutan ng mga babae?! Sino ang napapabarkada na sa iba?! Hindi ba't ikaw?! Ikaw ang nangiwan! Hindi ako!"

~ He remained silent. Oo. Grabe. Sobrang lungkot ko nung hindi na kami madalas magsama. Dahil nga best friend ko siya, siya lang ang nakakasama ko, pero simula ng mapabarkada sya, wala. Ako nalang lagi ang magisa. Hindi ako yung tipo na mahilig maki-mingle sa iba. Specially around girls. Masyado silang maaarte at papansin. Nainis ako sa kanila.

"Allen. Tama na. Sa kanila ka nalang lagi sumama. Masarap naman magkaroon ng new friends diba? Hindi ko kinocontrol buhay mo. Pero hindi kita hahayaan na kontrolin ang buhay ko. Makiki-mingle na din ako sa iba. Bahala ka na sa buhay mo Allen."

~ With that, I left him in the living room at pumasok nalang ulit ako sa kwarto ko. Nagkulong ako doon. Sarili kong best friend, mawawala na sa 'kin. Hindi naman 'to dahil sa pagka-gay. We're straight. Kaso shempre, best friends kami. Dapat hindi nagkakalimutan.

~ Nagkabati din kami. He balanced everything. He balanced his time for me and for his friends. So did I. Nagkaroon din ako ng new friends. Minsan kami ng friends ko, nakiki-mingle kami sa mga friends ni Allen. Ayos naman ang aming samahan.

• PAUSE OF FLASHBACK •

Nakatingin lang si Fionna sa 'kin. Masyadong iniisip eh.

"Baby. Ok ka pa ba?"

"Yep. Tuloy mo hanggang ending. Curious ako eh."

"Sige. So as I was saying.."

• CONTINUATION OF FLASHBACK •

I'll Never Stop Falling For YouWhere stories live. Discover now