Chapter 34

5.5K 101 9
                                    


AN: the long wait is over. 😀 Maraming salamat sa matiyaga ninyong paghihintay. Here it is at last.. Enjoy reading 😘....

********

PARA iyong bomba na sumabog sa kaniyang pandinig. Sa isang iglap ay para siyang naubusan ng lakas at biglang nanlambot ang kaniyang mga tuhod. Mabuti na lamang at naging maagap si Andrei at nasalo siya nito.

Walang lumalabas na salita mula sa kaniyang bibig. Pakiramdam niya ay wala rin siyang naririnig. At hindi narin niya namalayan na umiiyak na pala ang sarili.

Sa pangalawang pagkakataon ay parang nakaramdam siya ng panlulumo. Hindi niya alam kung anong sasabihin. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin. O, kung ano ang tawag sa kaniyang nararamdaman.

"Sweetheart."

Bahagya siyang nahimasmasan ng marinig ang boses ni Andrei.

"Uminom ka nitong tubig."

Walang imik na inabot niya ang baso na inaalok nito. Kamuntikan pa niyang mabitawan ang baso dahil nanginginig ang kamay niya. Kaya naman ito na lamang ang nagpainom sa kaniya.

"I think, kailangan mo ng magbihis ng damit para makapagpahinga ka."

Tumango lamang siya bilang tugon sa sinabi nito. Para bang wala na siyang naiintidihan sa nangyayari sa paligid niya dahil nagmistulan na siyang manhid. Nagmistulan siyang bingi. Hindi niya gustong maapektuhan sa narinig tungkol sa kalagayan ni Gaspar ngunit, ayaw naman sumunod ng isip at puso niya. Hindi niya maiwasan na hindi maapektuhan.. Hanggang sa parang tukso na pumasok sa isip niya ang mga ala-ala ng kaniyang nakaraan...ng kanilang nakaraan..

Masaya naman siya noon. Masaya sila noon...

Bigla na lamang pumasok sa isip niya ang nakangiting mukha ni Gaspar. Naghatid iyon ng kakaibang kilabot sa kaniyang sistema..

Gaspar...

Naramdaman niya ang pamamasa ng sulok ng kaniyang mga mata.

Bakit nga ba siya galit dito? No, kinamumuhian niya ito noon paman. Simula pa noon na maghiwalay ang kanilang mga landas at sumama ito kay Criselda.

Doon nag-umpisa na bumangon ang galit sa puso niya para dito. At para narin kay Criselda. Sa dalawang tao na naging dahilan kung bakit nawala ang pinakamamahal niya. Ang kaniyang ina.

Paano nito nagawang sumama sa iba at iwanan siya?

Biglang pumasok sa isip niya ang journal na naiwan sa kaniya ng Mommy niya. Kahit kailan ay hindi niya iyon pinagtangkaan na basahin o buklatin man lang dahil alam niyang  pribado ang mga nakasulat doon. But now, her instinct is telling her to do so.

But how? Kasama ang journal sa mga iniwanan niyang gamit sa dating mansion para kalimutan ang mapapait na ala-ala ng kaniyang nakaraan. Naipagbili na ito ng kaniyang Auntie sa matagal ng panahon kaya sigurado siya na wala narin doon ang journal ng Mommy niya.

Bakit ba ngayon lamang niya ito naisip? Ngayon lamang niya napagtuunan ng pansin ang journal ng Mommy niya. Marahil ay nandoon ang sagot sa lahat ng kaniyang mga katanungan.

Naramdaman niya ang mainit na palad ni Andrei na humawak sa isa niyang kamay. "Are you okay?" malambing nitong tanong sa kaniya.

"Yeah, but I need to find something." nakagat niya ang ibabang labi dahil sigurado siya na hindi siya nito papayagan na umalis.

"Ano?"

"I need to find a journal, it's my Mom's. I need to go to my old mansion. I know it's there. It's still there. Itinago ko iyon sa sikreto kong taguan.... Oh, jeez.. Sana ay nandoon pa iyon..." hindi na siya mapakali sa kinauupuan niya.

Marrying the Stranger (Stranger Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon