Kabanata 32

5.3K 111 24
                                    


SHE is wearing the pride of Mojares botique and her very own design of maroon evening gown. Ang soot niyang gown ay mahaba ang mga manggas na binagayan naman ng may kahabaang slit sa kaliwang bahagi ng hita niya. Enough to show her long and sexy leg. It also has a V-neckline that gives a slight sight of her beautiful bossom. Of course, kailangang ipakita ang mga assets.

Nandoon siya ngayon sa lobby ng hotel na tinutuluyan nilang dalawa ni Andrei, simula pa kagabi. Dadalo kasi silang dalawa ni Andrei sa munting pagtitipon ng mga Clemente. Ngayon kasi ang kaarawan ng Mommy ng kaibigan niyang si Maggy na siya naring nagsilbi niyang ina simula ng maulila siya.

Sigurado siya na makakatikim ng sermon mula dito lalo na sa kaibigan dahil sa tagal niya na hindi nagbabalita sa mga ito sa kung ano na nga ba ang kalagayan niya. Simula kasi nang magpunta siya sa isla at hanggang ngayon nga ay hindi parin sila nagkakausap ng kaibigan niyang si Maggy.

Aminado siya na masyadong okupado ang isip niya nitong mga nakaraang araw o buwan pa nga at hindi na niya namalayan ang paglipas ng oras at panahon. Ilang buwan na rin ang lumipas simula ng umalis ang kaibigan niya sa isla at mangyari dito ang insidente na kagagawan na naman ni Rico. Salamat kay Matt dahil nailigtas nitong muli ang kaibigan niya sa pangalawang pagkakataon.

Napangiti siya ng maalala niya si Andrei. Maraming beses narin kasi siya nitong iniligtas. Una na nga doon ang pagbili nito sa isla. Kung hindi dahil dito ay hindi niya matatapos ang kurso niya at hindi siya makakapagpatayo ng mga negosyo gamit ang pera nito. Everything happens for a reason. Indeed.

Matagal niyang pinag-isipan kagabi ang balak niyang gawin ngayon. Sa tingin niya ay panahon na siguro para ipakilala niya si Andrei sa mga Clemente bilang kaniyang asawa. Well, they have the right to know. They're her family after all. Inihanda na niya ang sarili sa kung ano mang magiging reaksiyon ng mga ito.

Naputol ang paglalakbay ng diwa niya ng may isang babae ang humarang sa kaniyang paningin at naupo sa bakanteng pwesto sa kaniyang harapan.

"Hi, long time no see Gab."

Bahagya siyang nagulat ng mapagsino ang kaharap. Hindi niya kasi inaasahan na makikita niya ito dito. "Hi, Aliah."

Pilit itong ngumiti sa kaniya. "Wala ka paring ipinagbago Gab while me, I still look fabulous." sinundan nito iyon ng tawa.

She just stared at her. Yes, it's been five years but her cousin is still the same witch she knew. Well, hindi ito ang inaasahan niyang magiging reunion nilang mag-pinsan. Kahit papaano kasi ay umaasa parin siya na magbabago ito.

People don't really change, do they?

Sa lumipas na ilang taon ay sinigurado niya na kahit papaano ay may alam siya sa mga kilos at galaw ng mga nakagisnan niyang kamag-anak. Ayon nga sa impormante niya ay nakapag-asawang muli ang tiyahin niya ng ibang lahi at ang pinsan niya naman ay ganoon din. Nang malaman niya na maayos naman pala ang kalagayan ng mga ito ay saka lamang siya napanatag at itinigil na ang pagsubaybay sa mga ito.

Lihim niyang pinagmasdan ang kaharap. Pusturang-pustura ang ayos ni Aliah at halos punuin na nito ang mga pulso ng suot nitong nagkikintaban na mga alahas. Ang suot nitong hikaw ay halos sumayad na sa balikat nito dahil sa haba at marahil sa bigat narin.

Ngumiti ito sa kaniya kasabay ng pagtaas ng kilay. "You look fine, Gab. Mukhang hindi ka naman namulubi noong iniwanan ka namin dito ni Mommy."

"Yes, perfectly fine without you."

Nang maibenta ng mga ito ang Mansion ay parang bula na bigla na lamang naglaho ang mga ito. Iniwan siya ng mag-ina na wala man lamang pasabi. Dala-dala ng mga ito ang pera na napagbentahan ng Mansion at iniwanan sa kaniya ang sandamakmak nilang mga utang.

Marrying the Stranger (Stranger Series 2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora