Kabanata 15

5.9K 121 49
                                    


AN: hello dearest... If you wanted to see my fafa Artlou, just click the image above. 😉

************************************

ABALA siya noon sa pag-iisip habang naglalakad-lakad sa may tabi ng dagat. Iniisip niya kung paano nangyari ang lahat.. Nagising na lamang kasi siya kanina na siya na ang nakahiga sa kama at si Andrei ang nasa sahig...

Sumimsim siya ng inumin mula sa hawak na baso ng orange juice. Lumipat ba siya sa kama? O, binuhat kaya siya nito?

Mukhang imposible naman na binuhat siya nito...

Imposible talaga na binuhat siya nito dahil ito nga ang nagtulak sa kaniya na matulog sa sahig. Hmmm.. Marahil ay lumipat nga siya mag-isa kagabi...

"Well, well, well look who's here, the ambitious girl." mula sa gilid ng mga mata ay nakita niya na papalapit sa direksiyon niya ang may kaliitan na babae na halos pumutok na ang mukha sa kapal ng make-up.

"Or I must say leech? Noong nakaraan kasi ay akala mo kung sino siya na nakikisama sa mga club members." segunda naman ng katabi nito na halos pumutok narin ang mukha sa kapal ng make-up. Halos umabot na rin yata sa anit ang kilay nito sa sobrang taas.

Natatandaan na niya ang dalawa. Nakita na niya minsan sa restaurant ang mga ito at masama ang tingin sa kaniya. Well, hindi niya alam kung bakit.

Napatigil siya sa paglalakad at napilitang lingunin ang dalawang babae na nagsalita. May palagay kasi siya, na siya ang pinaparinggan ng mga ito dahil sa kaniya ang mga ito nakatingin. Well, who else could it be? Siya lang naman ang tao doon.

"So, siya pala ang babae na nababalita na naging dahilan kung bakit magkaaway sina Janna at Andrei ngayon." nakataas ang isang kilay na hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik.

Mabuti na lamang pala at nakapagpa-pedicure siya bago umalis ng Manila. At least, may maganda itong nakita sa mga kuko niya sa paa.

Anyway, sino daw? Janna who? Who cares?

Hindi niya pinansin ang mga ito at dumiretso na siya sa paglalakad. Wala siyang panahon sa mga ito. Abala siya ngayon sa pag-iisip kung paano magagantihan ang Mister niya dahil sa ginawa nito sa kaniya kagabi.. Hanggang ngayon ay may kirot parin siyang nararamdaman sa kaniyang puwitan. Agh, that stupid..

Napilitan rin siyang tumigil sa paglalakad ng tuluyan nang humarang ang mga ito sa kaniyang daraanan. Napabuntong hininga siya at hinarap na ang mga ito. "What do you want?"

"Ikaw ba ang nababalitang girlfriend ni Andrei?"

"Girlfriend? Andrei?"

"Yes, si King Andrei."

Nag-isip siya. "King Andrei?" Biglang may kung anong pumasok na kapilyahan sa isip niya. "Ohh, si Andrei ba?" lumapad ang kaniyang ngiti. "Naku 'di ko boyfriend yun, pareho kasi kami ng gusto nun eh."

Nangunot ang noo ng mga kaharap niya. "What do you mean?"

"Hindi kami talo, like me, lalaki rin ang gusto niya. Meaning, bading, baklush, babae ang puso, churvanesh ba."

"W-what?!!" halos magkasabay na sigaw ng dalawa.

"Are you serious?!" sabi ng isa na nasa kanan niya.

Pinigilan niya ang sarili na huwag matawa dahil sa nakikitang reaksion ng mga kausap.

She bit her lower lip at tumikhim siya. "Yeah, of course I'm damn serious. Hindi ginagawang biro ang mga ganitong bagay. Hmm...actually, sa tuwing magkasama kaming dalawa eh, we talk more about boys. Who's hot and who's not? Tapos mga trending fashion clothes, bags, shoes, perfume basta about girl's staffs."

Marrying the Stranger (Stranger Series 2)Where stories live. Discover now