Kabanata 25 (Unang Bahagi)

4.7K 100 8
                                    


"WHAT's the occasion?"

Nilingon niya ang nagsalita. Sinalubong siya ng matamis na ngiti ni Danny. Nandoon siya ngayon sa nag-iisang botique na nakatayo sa isla at kasalukuyang naghahanap ng bestida na maaari niyang isoot mamaya sa date nilang dalawa ni Andrei.

"Wala namang occation, it's just a dinner." totoo namang dinner lamang iyon.

"Dinner? Hmmm... Really? Magdi-dinner lang sa bahay kailangan pa na naka-dress ka?" nakataas ang isa nitong kilay.

Napatawa siya dito. "I mean, it's not just.. a simple dinner at home... I guess?" Well, hindi rin naman kasi siya sigurado.

Wala sa isip na napangiti siya. Kanina pagkaalis ni Andrei at ng mga kaibigan nito ay inasikaso na niya ang ireregalo niya para dito. Nagbake siya ng chiffon para sa gagawin niyang chocolate coffee cake para dito. Napansin kasi niya na paborito nito ang chocolate at kapeng barako kaya naman naisip niya na pagsamahin ang dalawa. Iyon ang perpektong flavor ng cake na siguradong magugustuhan nito.

Madali lang para sa kaniya na gawin ang cake dahil iyon na halos ang ginagawa niya sa araw-araw. But, this time it's different. It's a special cake for a special someone. Oh, wait. What did I just say?

Napangiti nalang siya sa naisip. Mamaya pagbalik niya sa bahay ay malamig na ang chiffon at pwede na niyang lagyan ng icing at dressing.

Hindi na siya nahirapan pa na maghanap at bumili ng mga recipe dahil kumpleto si Andrei sa bahay. Nagtataka nga siya dahil marami itong stock doon ng mga recipe para sa paggawa ng cake at cupcake. Nagbe-bake rin kaya si Andrei? That's for her to find out.

"So, is it a date?"

"Hmmm... Nah. It's his birthday, kaya manlilibre siya ng dinner." kinindatan niya ito.

Pabiro siya nitong inirapan. "I was not born yesterday. Anyway, just pick anything you like and I'll charge it to Andrei."

"Okay. Sure."

Nang makatapos siyang mag-bake kanina ay naalala niya na hindi nga pala siya nag-abala na magsama ng bestida sa mga gamit niya. Mabuti na lamang at naalala niya ang botique na nakita niya dito sa isla kaya naman kaagad siyang nagtungo dito para maghanap ng isusuot mamaya.

"So, dinner date nga ito?" pangungulit parin sa kaniya ng kinikilig na si Danny. Seriously? Wala ata itong balak na tigilan siya.

She just shrugged her shoulder. "Well, you could say so."

"Nah, what a lucky girl. Tama lang na dito ka pumunta. Well, wala ka namang choice dahil nag-iisa lang ang botique na ito dito sa isla."

"Yeah if I had a choice, I'll contact our branch manager to come over here and bring me some. Kaya lamang ay masyado namang obvious na paghahandaan ko." kinindatan niya ito. Nahawa na siya sa mga baliw na members.

Katulad ng botique nila ay gawa rin sa ibang bansa ang mga damit doon kaya naman hindi iyon basta-basta. She also likes the style and fashion sense ng kung sino mang designer ng mga damit. Piratahin kaya niya ito para sa Mojares na botique nila?

Natuon ang kaniyang atensiyon sa isang bestida na kakulay ng kuko niya. It's a long sleeve cut out bodycon dress, nude. Masyado nga lamang mababa ang neckline noon, but it's a beautiful dress.

"That one suits you. C'mmon try it!" halos ipagtulakan na siya nito papunta sa malawak nitong fitting room kaya naman wala na siyang nagawa kung hindi ang isukat ang hawak niyang bestida.

Ilang sandali ang lumipas bago siya nagpasyang lumabas mula sa fitting room at ipakita dito ang soot niyang bestida.

"Wow, perfect. You look so gorgeous my dear."

Marrying the Stranger (Stranger Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon