Mission #1

1K 35 4
                                        

Thea's POV

I’m on my way sa isang coffee shop dahil may meeting kami ng president ng aming Club — si Ivan.

Our club is known as the “Mystery Club”. We consist of 10 members but kahit kakaunti, madami na kaming nalutas na kaso. Tonight, mukhang mas mabigat ang haharapin namin.


Pagdating ko sa aming meeting place, agad kong napansin ang isang pamilyar na lalaki.


“Oh, andito na pala si Thea. Let’s start. May pupuntahan pa kasi ako kaya bilisan natin,” sabi ni Ivan.


Umupo ako sa harap niya. Katabi ko naman—ugh—ang pinaka iinisan kong tao: si Kiel.
Tss. Seriously? Bakit nandito siya?


“So… alam niyo naman siguro ang tungkol sa BWH, right?” panimula ni Ivan.


Tumango lang kami ni Kiel.


“May nag-chat sa’kin gamit dummy account. Sinabi niya na napuntahan niya ang Black Wood High. At totoo ngang nag-eexist ito.”


Pinakita niya sa amin ang litrato na sinend ng misteryosong tao na ‘yon: Mataas na gate na halos 7ft siguro, mga pader na nilulumot. Nakakasulasok. At sa itaas ng gate, nakasulat ng malalaki—BLACK WOOD HIGH—gamit ang dugo.


“Hundred years na daw nawawala ang paaralan na ‘to dahil sa isang misteryosong sumpa. And guess what, the person who sent me these photos also sends a map papunta roon. I printed it for you two.” Ipinasa ni Ivan ang print kay Kiel.


“Kayong dalawa ang pupunta para sa misyon na ‘to.” seryosong dagdag ni Ivan.


What the f—Kami ni Kiel?! Seriously?!


“So… it means, me and Kiel will work together?” tanong ko, halos hindi makapaniwala.


“Exactly.”


“What? No way!!!” halos mapasigaw ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ‘yon.


Nakita kong nag-smirk si Kiel. Tss! “Ikaw pa ang choosy? Dapat nga ako ang tumatanggi eh.”


Inirapan ko nalang siya. Tss. Nakakainis. Gusto ko siyang batuhin ng baso ng iced latte.


“Pinagpartner ko kayo kasi alam kong hindi kayo magkasundo. Malay mo, dito kayo magkakasundo,” dagdag pa ni Ivan.
“Bagay naman kayong dalawa.”


“NO WAY!!!” sabay kaming napasigaw ni Kiel


Nagkatinginan pa kami ni Kiel bago ko ibinaling ang tingin kay Ivan.


“So, when do we start?” tanong ko kay Ivan.


“Tommorow. Sharp.” seryosong sabi nito.


At tumayo na siya, at nagpaalam na aalis na.


Kami na lang ni Kiel ang naiwan at lumipat siya sa upuan ni Ivan kanina.

“Bigay mo number mo,” casual niyang sabi habang hawak ang phone.


“H-ha?!” halos mabitawan ko yung baso ko. Tss. Ano na namang trip nito?

“FYI, ayaw kitang katextmate,” irap ko pa.

Bigla siyang tumawa ng malakas.

“Hoy! Anong nakakatawa d’yan? Para kang baliw!”

“Bakit, may sinabi ba akong gusto kitang katextmate? LOL. Number lang, para may contact tayo tungkol sa mission.” sabi nito na parang nang aasar pa.

Natahimik ako. Oo nga no. Very wrong ka Thea!

“Fine. Eto number ko.” sabi ko habang inaabot sakan’ya ang cellphone ko.

“Thanks.” Kinuha niya agad. “Alis na ako, baka hinahanap na ako ng girlfriend ko.”

Napakagat labi ako sa inis. Girlfriend daw oh. Pinapamukha ba niyang NBSB ako?!

“Che! Mag-sama kayo ng girlfriend mo!!!” sigaw ko bago siya lumabas.

---

I’m at our house and as usual it’s very quiet. Ako na naman mag-isa. My dad, passed away. While my
mom, is always busy sa charity work niya. Kung minsan, iniisip ko...mahal pa kaya niya ako? O baka mas mahal pa niya ang ibang tao kaysa sa sarili niyang anak.

Habang nagluluto ng bacon for my ulam, pinipilit kong huwag isipin ‘yon.

Then my phone suddenly rang.

Ting, Ting, Ting.

Unknown number.

“Hello? Who’s this?” kinakabahang tanong ko.

Ito na kaya ‘yung lalaking nakausap ko sa dating app kagabi? What the hell!

“This is Kiel.” cold na sagot niya.

Napairap ako ng marinig ko ‘yon. “Ano nanaman? May problema ba? Pwede ka namang mag-text?!?”

“Ang dami mong satsat. Gusto ko lang itanong kung saan tayo magkikita bukas?”

“Same coffee shop. 1 AM sharp.” casual na sabi ko. Hays, bakit ko ba kasi naging partner ‘tong mokong na ‘to.

“Ok, bye. Hart hart.” what the hell?!

“Hoy! Anong har—” tooot

Pinatayan ako!

“Bwiset ka talaga Kiel!!!” Napasigaw ako sa inis,
Kakagigil. Kahit sa phone, inaasar pa rin ako.

Bukassss, lagot talaga siya sa’kin.

---

Author’s Note / Disclaimer

This story is a work of fiction. Names, characters, places, and events are products of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, or real events is purely coincidental. This story is created for entertainment purposes only—no harm, disrespect, or offense is intended.

Hello dear readers,

I am currently re-writting this story po. I hope you guys like it!

Our Mission In Black Wood HighOpowiadania do pokochania. Odkryj je teraz