Stalking 1

16 4 0
                                    

"Mommy i'll go na. Malelate na po ako."sabi ko sa mommy ko na busy sa kitchen. Late na talaga ako!

"Sus kelan ka ba hindi naging late hah."sabi ni mommy.

"Mom you know naman nasira ung alarm clock sa kwarto ko. Bye mommy love you!."sagot ko at mabilis syang hinalikan sa pisnge.

Tumakbo na ako palabas ng bahay namin.

"Jadey di ka pa nag aalmusal!"pahabol na sigaw ni mom. Di pa talaga nasanay to sakin si mommy.

I waved my hand holding two egg sandwiches. Kinuha ko na ung korean bike ko sa garage at tuluyan ng lumabas ng bahay.

We lived in an exclusive subdivision. Actually pag aari talaga namin tong subdivision. Nagtataka ba kayo kung bakit nagbabike lang ako? Ofcourse ayoko lang ng makakuha ng sobrang attention pag nakakotse pa akong magara noh. Hehe. I prefer to be plain and simple. Pero di namn ako nerdy type ung casual lang. Akala nga nila commoner ako ei. Pero si ko hinahayaang may mang bully sakin. Lagot sila sa mga kuya ko! Prinsesa kaya ako sa bahay kaya di ako papayag na mabully.

So enough sa description ko. Magpapakilala na ako. My name is Pia Wurtzback The one and only Miss Universe! Charrot! Hahaha. Ito na totoo na to Im Jade Arcane Perez Staffens. A princess at home but plain and ordinary outside. Seventeen years of age and a freshmen in MHU. Only daughter and a secret heiress. At dakilang stalker ng mga sikat sa campus namin.

Oo dakila talaga. Kasi kahit magbabad man ako sa init kaka stalk ok lang. Di naman ako nangingitim eh. Hehe. Mestisa ata to. Hahaha. Joke. Paki bato nga ako hangin ko na eh. Pero seriously maganda talaga ang kutis ko. Makinis at maputi dagdagan pa ng height kong five ft. And six inches diba pang beauty queen ang dating? Di joke haha. Pero totoo. Aishh! Ganto talaga ako pag walang almusal. Hahaha. So bear with me.

Maganda nga kasi ako sabi nila kulang lang daw sa porma. So what?kung hindi maporma? Paki ba nila? Katawan ba nila to? Magreklamo sila kung katawan nila to! Eh akin to eh!

"Easy Jade ang puso ano ba pinaglalaban mo.!"sabi ko sa sarili ko. Nababaliw na ata ako. Haha. Ano nga ba pinaglalaban ko? Nevermind!

At dahil andito na ako sa school pinark ko muna si Hubby. Yung bike ko yun. Syempre may pangalan yan. Sya ang nag iisang Hubby ko!

"MISSS TAABBBIIII!"sigaw ng isang lalaking mabilis na nagbabike.

Omygod. Sasagasaan nya ako! Omy! Sa halip na sundin ung sinabi ng lalaki pumikit lang ako ng mariin at pinagcross ang arms ko. Omy holly cow! WhaaHhh! Ouchhhhhhh!

"Arrrayyy! Omy ang paa ko. Nasagasaan mo!"hinayupak nato. Di siguro to marunobg magpreno. Biglang uminit ang ulo ko sa hampaslupang sinaktan ang paa ko!

Arrggghh. Ouch!

"Hoy peste ka di ka ba marunong mag preno hah!!?" singhal ko sa lalaking di naman marunong magbike! Dapat di to pinapahawak ng bike eh.

"Miss diba nagsabi naman akong tumabi ka? Tanga ka ba?"

Aba grabe tong lalaking ito! Ako pa ang tanga ngayon? Nakakabwesit na ah!

"Did you just say stupid? Me? Stupid?"hayp nato sinabihan pa akong tanga. Sya kaya yun!

"Hindi. Yung paa mo ang tanga nagpasagasa ei."nangiinis talaga tong hinayupak nato eh! Sampolan nga natin to!

"Hoy baklang nilalang na nagpanggap na lalaki! Para sabihin ko sayo ikaw!"sabay turo ko sa kanya. "Ikaw ang tanga! Kung di ka marunong magpreno magkanang magbike!!"sigaw ko sa harap ng pagmumuka nya.

"Mahina kagat ng preno ng bike ko eh. Kaya nga sumigaw ako ng tabi. At ikaw itong si tanga nag pacute kapa sa pagcross arms mo! Feeling mo naman may sasagip sayo!"

My Return FavorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon