Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte

CHAPTER ONE

164K 3.1K 170
                                    

"Sorry, Jade. Kailangan mo na talagang umalis ng apartment next week kung hindi ka pa makakabayad," saad ni Aling Rosie, ang caretaker ng apartment na tinitirhan niya.

Huminga siya ng malalim. Naintindihan naman niya ang matanda. Ito kasi ang mapapagalitan ng may-ari kung patuloy siyang patitirahin nang hindi nakakabayad.

Buwisit kasing travel goals 'yan. Nabuyo siya ng mga kasamahan sa trabaho na mag-one time travel sa Santorini, Greece. Doon napunta lahat ng ipon niya.

Dalawang taon na siyang IT sa BPO company. She's been living alone after her mother's death two years ago. Kaya din siya lumipat ng trabaho noon dahil sa kalungkutan niya sa pagkawala ng ina ng maaga.

Pumayag lang naman siyang mag-travel dahil for approval na ang loan niya sa bangko at inaasahan niyang pagbalik niya ay makukuha na niya ang proceeds sa loan. Kaya lang naganap ang hindi inaasahan. She was fired from her job. Muntik na siyang idemanda pero nakiusap siyang aalis na lang ng maayos.

Her case? She hacked the company's data systems. Matagal na kasi siyang naiinis sa pangpa-power trip ng immediate boss niya sa mga empleyado. Kaya nang-hacked siya ng sistema ng kumpanya at pinalabas na nagnanakaw ito sa mga accounts ng kumpanya. She wired money to her boss' bank accounts months ago. Ilang buwang na ring sisante ang boss niya na 'yon kaya hindi niya inakalang malalaman ng kumpanya na may nangyaring pangha-hacked.

Ang buong akala niya wala siyang iniwang trace kaya hindi niya alam kung paano nalaman ng kumpanya ang tungkol sa ginawa niya. Iyon ang una at huling beses niyang pangha-hack sa kumpanya, nahuli pa siya.

Wala siyang makapang pagsisisi noon, nakita niya kasi ang kasiyahan ng mga kasamahan niya nang matanggal ang boss nila. But now, she can't help but regret. Bakit ba kasi niya ginawa iyon? She wasn't a criminal for Christ's sake.

She looked at her wallet when the caretaker went off. She's literally broke. Ilang libo na lang ba ang natitira niyang pera sa atm? Iniisip pa niya kung ibabayad 'yon sa utang niya sa renta ng apartment. She needs to move out of Bacolod. Blacklisted siya sa lahat ng BPO company sa siyudad.

"Next week, Jade," paalala ni Aling Rosie bago lumabas ng apartment niya. She closed the door with a heavy heart. Napasandal pa siya sa likod ng pintuan. Parang gusto niyang umiyak at mag-walling kaso pintuan pala ang nasa likod niya hindi wall.

Tiningnan niya ang monoblock chair sa gilid at ang rolyo ng straw string. Tumingala siya sa kisame. Sunod-sunod ang pinakawalan niyang buntong-hininga. Mas lalo siyang nalungkot. Kawawa naman 'yong kisame, mabibigatan kapag nagpakamatay siya. Baka hindi rin siya kayanin ng straw.

She stood up.

Humarap siya sa salamin. Sayang din pala ang ganda niya kung magpapakamatay siya. Saka baka hindi rin sila magkita ng ina dahil siguradong impiyerno ang bagsak niya.

On second thought, mas impiyerno pa nga yata ang buhay niya ngayon.

Natigil ang pagmumuni-muni niya nang may kumatok sa pintuan. She walked heavily towards the door.

Kinabahan siya ng mapagbuksan na naman ang caretaker. May kasama kasi itong lalaki na naka-polo shirt. Baka ito na ang may-ari at palalayasin siya.

"Ikaw ba si Ms. Jade Chimera Blythe Ellor?" tanong ng lalaki.

Unti-unti siyang napatango.

"You have to vacate this place right now," the man stated.

"A-akala ko ba next week pa?" tumingin siya kay Aling Rosie pero nagkibit-balikat lang ito at malungkot sa tumitig sa kanya.

Her eyes began to water as the man stared at her intently.

"Please! Huwag n'yo muna akong paalisin." Lumuhod siya sa harap ng lalaki at nagmakaawa.

"Please po sir!" napalahaw siya ng iyak.

Ramdam niya ang pagbukas ng ilang pintuan ng karatig na apartment. Mas lalo siyang napalahaw sa pag-iyak. Awang-awa siya sa sarili.

"Hoy, Jade. Ayaw mo bang papasukin si Attorney?"

Napakislot siya at nagising ang diwa nang tapikin siya ni Aling Rosie sa braso. Ang layo na pala ng narating ng imahinasyon niya.

"I am Atty. Juan Mendez," pakilala nito. She nervously shook his hand.

Attorney? Mas lalo siyang kinabahan. Ididemanda na ba siya ng tuluyan ng kumpanya?

Napalunok siya. Kinakabahan siya habang pinapapasok ang bisita. Iniwan na sila ng Aling Rosie.

She was quivering as she sat on the sofa.

"U-upo po kayo, attorney," ninenerbiyos niyang wika.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Ms. Ellor," umpisa nito. Nasapo niya ang dibdib. Nakakatakot kasi ang tono nito.

"Wala na ang uncle Jaime mo."

"Po?" kunot-noo niyang sambit. Ang uncle Jaime niya ang kaisa-isang kapatid ng mama niya. Nakapag-asawa ito ng mayamang babae na taga-Maynila kaya doon na ito nakabase. May anak na ang babae nang mapangasawa ng Tito niya. Last year nang huli siya nitong dinalaw sa Bacolod. He was alive and kicking, then.

"Paanong namatay?" wala sa sarili niyang tanong.

"Namatay siya sa car accident three weeks ago. He and his wife were cremated a week after."

"Bakit wala man lang nagsabi sa akin?" her heart raced in sorrow and regret. Parang bumalik ang naramdaman niya noong namatay ang ina.

"Hindi raw alam ng anak ng asawa niya na may kamag-anak pa siyang natitira."

Napailing siya. She never met the guy. Sabi ng tito niya sa abroad ito nag-aral.

Napakawalang pakialam naman ng lalaki para hindi hanapin ang kamag-anak ng tito niya. Tama nga ang hinala nila noon ng mama niya na hindi tanggap ng pamilya ng babae ang tiyuhin niya.

"Nandito ako kasi nakalagay sa last will and testament ng mag-asawa na sa iyo iiwan ang bahay nila sa San Antonio Village," pahayag ng abogado. She was dumbfounded.

"Gusto ng uncle mo na sa 'yo mapunta ang tanging ari-arian na naipundar niya sa pagta-trabaho ng matagal."

The two-storey house was huge. Kung hindi siya nagkakamali ay may pitong kuwarto iyon maliban sa library at music room sa baba. Ilang beses na silang nakapunta roon ng ina noong nabubuhay pa ito. Hindi niya akalaing pundar pala iyon ng tiyuhin.

"Iiwan ko sa 'yo ang mga kasulatan at titulo. Kailan ka ba puwedeng lumuwas ng Maynila kasi aalis na sana ako papuntang Amerika? Ito lang talaga ang inaasikaso ko bago ako umalis," muling pahayag ng abogado.

She stared at nothingness trying to digest everything. Hindi agad tumimo ang sinabi ng abogado. Her mind was wandering at the thought of his uncle's passing. Gusto niyang umiyak pero walang luhang lumalabas sa mga mata niya.

"Kahit po bukas na," sambit niya nang mapagtanto ang sinabi ng abogado. Napatango naman ito.

"Good. I will book your flight later."

She only nodded, unable to say a word.

"Puwede mo nang ipaasikaso para ilipat sa pangalan mo ang bahay at lupa kapag naibigay ko ang lahat ng papeles," sambit nito.

ChimedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon