Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

CHAPTER FIVE

73K 2.3K 92
                                    

Pagkatapos ng pag-uusap nilang iyon, hindi na niya nakita pa ang binata nang mga sumunod na araw. Mukhang umiiwas na ito sa kanya pero alam niyang doon pa rin ito umuuwi. It may have something to do with their last conversation. Niri-ready na niya ang sarili nab aka siya nga ang mapaalis sa bahay. Nagawa nga nitong mag-produce ng authentic property title.

Pinuntahan niya ang lahat ng nag-respond sa email job applications niya pero lahat iyon ay hindi siya tinanggap.

Hindi pa man nag-uumpisa ang interview, sinasabihan na siyang walang nagfi-fit in sa qualifications niya. Noong nanggaling siya sa huling interview, saka lang niya naisip na naisama niya pala ang past work experience niya sa resume. Kaya inedit na lamang niya iyon at inilagay na wala siyang work experience.

Three days after their heated conversation, sinabihan siya ng abogado na nai-serve na ang subpoena kay Kenji para sa kaso. Inasahan niyang kakausapin siya ng binata nang araw na iyon pero hindi niya ito nadatnan sa bahay. Baka inadvise ng abogado nito na huwag siyang kausapin. She just shrug that thing off.

Tipid na tipid siya sa natitirang pera nang mga sumunod pang araw hangga't hindi nakakahanap ng trabaho pero naka-lima pa ulit siyang job applications wala pa ring suwerte. She had a hunch na lahat ng connected sa BPO company sa dati niyang pinagta-trabahuan ay naaabisuhan na tungkol sa ginawa niya. It was so unfair why a single mistake could ruin a life.

"Kumusta na?"

She was taken aback when she heard Kenji's voice. Kapapasok pa lang niya sa loob ng bahay. She wasn't expecting him to show up. Pababa ito ng hagdan.

"Hindi ba hinahangin 'yang tiyan mo?" tanong niya sa halip na sagutin ito. Pinapanindigan yata nito ang pagiging Mr. Boxers na title nito.

"Did you mean my abs?" he asked chuckling. Bumalik na naman ang mapanudyo nitong tono hindi kagaya noong huli silang nag-usap.

"Kaya pala hindi ka hinahangin kasi mahangin ka na," sambit niya. Tumawa ulit ito. He walked in her direction.

"Yeah," he said smiling widely. He was almost grinning.

"Chimera, I'm Wind." He extended his hand for a handshake. What is he up to?

"It's pronounced as Cai-me-ruh, not Tsai-me-ra," she corrected.

"Mas gusto ko ang Chimera," nakangiti nitong tugon.

"Jade na lang kung 'di mo ma-pronounce ng tama," sambit niya. She stared at his hand. Aaabutin na sana niya ito pero bigla nitong binawi ang kamay.

"So, tell me, how are you Ms. Jade Chimera Blythe Ellor?" he asked. Napakunot ang noo niya sa tanong nito. He mispronounced Chimera again.

"Why are you asking?" balik-tanong niya. Was he giving her a hint that he knew something about her flunked job applications? Or he was referring to the ownership case?

"Wala ka pang trabaho and you only have 5, 191.56 pesos in the bank. How do you plan to survive?" he asked raising an eyebrow. Her forehead creased. How did he know? Bakit alam nito ang eksaktong laman ng account niya?

Was he investigating about her? Kahit na nagpaimbestiga ito, hindi ibibigay ng bangko ang ganoong impormasyon sa binata. Unless he hacked her account.

Napalunok siya sa naisip. That gave her an idea of why there are two authentic titles.

Tiningnan niya ng mataman ang binata, nakangisi naman nitong hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. She felt awkward when his gaze stopped at her bust. Iniangat pa niya ang shoulder bag para takpan ang dibdib.

Ngumisi ito. Nagrigodon pa ang tibok ng puso niya. He doesn't look like a maniac, but she felt like his grin meant something.

"Kung wala ka nang pera, kumatok ka lang sa kuwarto ko," kindat nito bago siya tinalikuran.

Umusok ang ilong niya sa narinig. What does he mean by that?

"Hoy! Hindi ka lang mahangin. Bastos ka pa!" sigaw niya rito. He stopped at and stared at her.

"Bastos?" He asked with a puzzled look.

"Nagmamagandang loob lang akong tumulong, naging bastos pa ako?" sambit nito. His forehead creased. Pati siya ay natigilan.

"Wait. What were you thinking?" he asked a second later. His serious aura turned into a smirk... Then, it turned into a wide grin.

"Judgmental ka masyado. Pero kung gusto mo, puwede kitang pagbigyan kahit ngayon na," he said with a naughty smile. He held the waistband of his boxers and looked inside it.

"Ready na siya," dugtong nito. Holy hell!

Her cheeks flushed.

***

"Tatapatin na kita, Ms. Ellor. Medyo mahirap nating mapatunayan na sa tiyuhin mo nga ang bahay at lupa. Unang-una dahil wala na siya para patunayan iyon sa korte."

Huminga nang malalim si Jade habang pinapakinggan ang litanya ng abogado.

"Madali lang sana ito kung naunang nairehistro ang titulo ng tiyuhin mo kaso pareho ang date of registration na nakalagay sa titulo ni Mr. Simmons," dagdag ng abogado.

She felt helpless but she remained calm.

"Malakas po ang kutob ko na na-hack o pina-hack ni Kenji ang registry of deeds kaya nagawan niya ng titulo ang bahay at lupa," wika niya. Napailing naman ang abogado.

"Maaari pero mahirap 'yang paratang na 'yan lalo na kung wala tayong ebidensya," tugon ng kausap.

She sighed as she thought of other remedies to the problem.

"Kung ipina-hack niya ang registry of deeds, bakit ipinareho pa niya ang date of registration? Dapat iniatras na niya para siguradong walang habol ang ibang tao," saad ng abogado. Napaisip naman siya sa pahayag nito. He had a point. What is Kenji up to?

"Ang puwede mong gawin sa ngayon, maghanap ka sa mga gamit ng tiyuhin mo kung may mga naitatago siyang resibo, kailangan mo ring kumuha ng tax declaration nito sa City Hall, puwede natin iyong gawing ebidensya para magpatunay na tiyuhin mo nga ang may-ari ng lupa at bahay."

Napatango siya. Hindi naman problema ang paghahanap sa loob ng bahay dahil hawak niya ang lahat ng susi ng kuwarto. Iyon nga lang, paano kung ipinatapon na lahat ng binata ang gamit ng tiyuhin? Huwag naman sana.

"Puntahan mo rin ang construction company na nagpatayo ng bahay. Siguradong uncle mo ang nakapangalan sa mga transactions nila. Kung may kontrata, mas mainam." dagdag ng abogado.

Napatango na lamang siya. For that, she needed money to secure those documents. Hindi naman siya puwedeng lumakad nang walang dala-dala.

"Gagawan kita ng letter of request para makuha ang mga iyon. Ipapadaan natin sa husgado para magamit sa exhibits," saad ng abogado.

She had no other choice but to agree.

She went home with a heavy heart. Kailangan na niya talagang makapasa sa job interview bukas para kahit papaano ay may pagkakakitaan siya.

Naalala na naman niya ang laman ng bank account niya na sinambit ng binata kagabi. Ayaw na niyang galawin iyon. Kung may access ang binata sa account na 'yon, gusto niyang ipakita na hindi niya iyon ginagalaw para hindi nito isiping wala na talaga siyang pera.

She held her necklace. She bought that using her first month's salary, perhaps she could pawn it to suffice her needs in the next two weeks. Ang problema lang naman talaga niya ay ang panglakad sa mga papeles na kailangan niyang i-produce.

ChimedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon