Chapter 69: Bestfriends

152 3 0
                                    

"Anong sinasabi mo diyan Aine?" Tanong ni Jake kay Aine dahil sinabi niyang nakakapansin siya ng mga bagay bagay sa pagitan nila ni Charmaine.

"You two are not JUST friends, I think its something else" She said emphasizing the "JUST" because she knows what she is talking about. It is for sure that there is really something going on between those two. 

"Nababaliw ka na ata. Kagagaling lang niya sa breakup. And hindi ako ganung klaseng tao. Di ko pagsasamantalahan yung pagkakataon" 

"Who are you kidding Jakey?" With matching taas kilay "I know there's something. Dali na umamin ka na" Pagpupumilit ni jeraldine

"Fine, I admit gusto ko siya."

"Matagal ko ng alam yan Jakey. What I need to know is meron na din ba si Bessy?" Ang masayang ngiti ay napalitan agad ng isang mapaklang ngiti. " Hindi ko na kasi kilala ngayon si Cha e. I don't know kung ano nang meron."

"Maayos din to Aine. Antay lang. Tignan mo kanina nakikipagusap na siya't nakikipagbiruan."

 Biglang ngumiti si Aine. Dahil tama si Jake, kahit papaano'y nakikiaan na niya ng emotion ang kanyang bestfriend

"Tara balik na tayo. Ako na magdadala niyan."  Alok ni Jake habang hawak ang tray na may lamang juice and mga snacks.

 Nangmakabalik sila ay naabutan nilang nagkwekwentuhan si Matt at Cha. Nagiba na talaga ang ambiance. Naiba nadin ang aura ni Cha. Kanina ay parang napakaingat niya sa pinapakitang emotion, to the point na iba ang mga galaw niya. Pero ngayon, unting unting nagiging ok. Kumbaga binababa na niya ang shield niya, na dati'y kay Jake lamang niya ginagawa. Napanatag naman ang loob ni Aine sa nakikita niya. Sa isip niya unti unti ng bumabalik si Bestfriend.

" I told you magiging ok din."  Ngumiti si Aine sa sinabi ni Jake.

"Salamat" Sabi nito sabay punta sa pwesto nila Jake.

Umupo si Aine sa tabi ni Jeraldine at saka bumulong kay Cha. "Uhm. Pwede ba tayong magusap?" Tumango naman si Cha at sabay tumayo. Sumunod naman si Aine na agad na ipinagtaka ng dalawang lalaki. Ngunit nagkibit balikat nalang sila.

Nangmakalayo na ang dalawa ay bigla nalang niyakap ni Cha si Aine,na ikinabigla nito. Niyakap niya din ang kaibigan.

"I miss you Bhessy!" sabi ni Aine kay cha. Walang isinagot si Cha. Nakaramdam si Aine ng basa sa kanyang balikat. Doon nalang niya nalaman na ito na ang dati niyang bestfriend.

"I'm sorry Aine. I'm really sorry" sabi ni Cha ng bumitaw ito sa pagkayakap. Doon nalang naconfirm ni Jeraldine na umiiyak nga ang kaibigan nito.

"You dont have to bestfriend. I know na nasaktan ka lang. It's your first.Naiintindihan ko."

"I missed you" sa siabing iyon ni Cha ay di na napigilan niJeraldine ang mapaiyak. "I missed you too" sagot nito a kaibigan

Nang matapos ang konting dramahan ng dalawa ay agad na itong bumalik.

Nagulat nalang si Jake ng makita ang namumugtong mga mata ni Cha. Agad niya itong nilapitan at tinanong.

"Ayos ka lang ba?Anong nangari?" Kitang kita sa mga mata nito ang pagaalala. Napansin ito ni Jeraldine at napangiti siya dahildito.

"Ayos lang ako." sagot ni Cha.

"Sigurado ka ba?" at tumango nalang ang dalaga. Napabaling ito ng tingin kay Jeraldine at binigyan ng tingin na para bang nagtatanong kung anong nangyari.

"Over ka na Jake a.Wala kong ginawa diyan. Diba bestfriend?" depensa ni Jeraldine

"Ayos lang talaga ako. Ikaw talaga"

"Tumigil na nga kayong dalawa. Medyo nilalanggam na." Pabirong sabi ni Jeraldine na agad nabigyan ng nakakatakot na tingin mula sa dalawa.

"Biro lang po. Okay?" sabi jito sabay taas ng dlawang kamay na para bang sumusuko sa pulis.

Friendship Or Love ( SLOW UPDATE )Where stories live. Discover now