Chapter 43: Childhood Friend

1K 11 11
                                    

Chapter 43: Childhood Friend

Charmaine’s P.O.V.:

Andito kami sa bahay. Ako, si mama, si babe, bhessy and matt. Andito din sila Keith and Sharly. Sila Allaine nalang ang kulang.

Well, nagdecide kasi si mama ng magkaroon ng konting handaan sa bahay, she loves parties. Kahit mini-party daw kuno ayos lang. kaya eto, nagpahanda siya. Para sa mga friends ko.

Nga pala, kilala ni mama ni Keith and she knows ang story nila ni bhessy. Except the latest news. Nako. Kaya ngayon, iniinterview ni mama si Bhessy sa may kitchen.

Andito kami ngayon sa sala, kasama ko sila Sharly and Keith pati nadin of course si babe.

“Keith, pasensya ka na kay mama. Kulit eh.”

Pagpapaumanhin ko. Si mama kasi kinuyog ako kagabi para lang papuntahin tong taong to. Matagal na daw niya kasing di nakita e.

“Okay lang nuh. Namiss lang siguro ako ni Tita. Hahaha.”

Mukha namang natutuwa siya at okay lang ata sakanya. BUTI NAMAN.

 ( > . < )

“Close pala kayo ni Mama, Keith?”

Tanung ni Babe?

WAIT! WAIT! WAIT! Anong tawag niya?

“MAMA?”

Sabay naming tanung ni Keith. Pwedeng mabaliw? Aba! Kelan ka pa inampon?

(_ _”)

“Haha. Sabi kasi niya mama nalang daw itawag ko.”

“Ahh!?”

Sabay naming pagsang-ayon ni Keith. Tumawa lang si Sharly samin.

“Teka, di mo pa nasasagot tanung ko.”

Sabi ni Babe kay Keith.

“Kasi babe, si mama ang tumulong sakanya para maging sila ni Bhessy.”

Pageexplain ko. At mukhang nagets naman niya.

Maya maya may kumatok sa pintuan.

“AKO NA SASAGOT NAK!”

Sabi ni mama, kaya hinyaan ko naman siya. Sabi niya siya analng eh. EDI PAYN!

3rd Person’s P.O.V:

Naguusap ngayon si Jeraldine pati ang mama ni Charmaine. Close kasi silang dalawa. Para nadin kasi silang magina. At gusto lang malaman ng mama ni Charmaine ang kwento ng lovestory nila ni Keith kung bakit sila nagkahiwalay. Ang alam kasi nang mama ni chamaine ay mukhang magkakabalikan sila.

Inexplain naman lahat ni Jeraldine. At mukahng naintindihan naman ito ng mama ni Charmaine. Maya maya’y narinig na nilang may nagdor-bell.

“AKO NA SASAGOT NAK!”

Sabi ng ina ni Charmaine. Dahil sa tingin niya’y busing-busy sila sa paguusap sa sala.

“Good Afternoon po.”

Bati ni Allaine. Agad naman siyang niyakap ng ina ni Charmaine.

“Iha, ang laki mo na a!”

“Ang tagal nadin po kasi nating di nakita tita.”

Sagot naman ni Allaine.

“Sino naman yang kasama mo iha?”

Tanung ni Allaine. Dahil may kasamang binata si Allaine.

“Tita, si Jake ho yan.”

“Jake?”

Tanung ng mama ni Charmaine.

“Teka, parang naalala kita. Ikaw yung kababata din nila Cha noh?”

“Opo tita. Haha. Kamusta naman po kayo?”

Sagot ni Jake at mukhang nagagalak siyang makita ang ina ni Charmaine.

“Nako ayos lang ako. Pumasok muna kayo sa loob.”

Pumasok naman sila sa loob at dire-diretso sa sala. Inalok sila na umopo ni Charmaine at umupo naman sila.

“Tita, maganda parin po pala kayo. Mukhang dip o kayo tumanda a.”

Sabi ni Allaine na ikinatuwa naman ng ina ni Charmaine.

“Talaga? Nako. Salamat iha. Hahaha.”

“Nako, lalaki ulo ni mama e.”

Pagbibiro ni Charmaine.

“ANO?”

“Joke lang ma!”

Nagtawanan ang lahat. Dahil parang bata lang kung umasta ang ina ni Charmaine.

Maya maya’y may nagring na cellphone. At kay Keith ito. Nagexcuse muna ito sandal at sinagot ang tawag. Yun pala ang tumawag sakanya ang galing sa opisina nito at kailangan na daw siya doon. Kaya naman inecuse na ni Keith ang sarili dahil nga kailangan na daw siya sa office.

“Pasensya na tita a.”

Paghihingi ng despensa ni Keith dahil nahihiya ito sapagkat bigla nalang siyang pinatawag sa opisina

“Okay lang. Naiitindihan ko naman.”

Sagot ng ina ni Charmaine.

At tuluyan ng nagpaalam sina Sharly at Keith sa iba at umalis na.

6 na ng gabi kaya naman inaya na ng ina ni Charmaine ang mga bata na kumain. Habang nasa habang kainan….

“Tita kamusta na po si tito?”

Biglang naitanong ni Jake na siyang ikinagulat ng lahat. Siniko siya ni Allaine upang bigyan na senyas na mali ang sinabi nito.

“Ayos lang naman siya Anak. Busy sa trabaho.”

Sagot ng ina ni Charmaine.

“Te-teka! Pa-pano mo nakilala si papa?”

Naguguluhang tanung ni Charmaine.

“Ha? Anong ibig mong sabihin anak?”

Naguluhan din ang ina nito dahil sa biglang naitanung ng anak niya.

“Wa-wala.”

Nauutal na sagot ni Jake.

“Pano naman niya di makikilala ang papa mo eh kababata mo kaya yang si Jake.”

Sagot nang ina ni Charmaine na mas lalong ikinagualt ng lahat. Napakamot nalang ng ulo si jake sa sinabi ng ina ni Charmaine. Lahat di makapaniwala sa sinabi ng ina ni Charmaine.

Friendship Or Love ( SLOW UPDATE )Where stories live. Discover now