chapter 25: Batangas

Start from the beginning
                                    

Sure?" paninigurado ko. Umiling lang ulit sya bilang sagot. Napipi na siguro to

Okay, tara na." nauna na akong lumabas ng kwarto nya at bumaba

Pagkatapos naming kumain pumunta na kami sa van. Hindi na kami nagpadrive kay manong dahil dun kami matutulog sa batangas

Maganda ba sa batangas master?" tanong ko habang nakatingin sa bintana

Yeah." maiksing sagot nya

Nakapunta ka na ba dun?" tanong ko ulit pero sa bintana padin ako nakatingin

Yeah." puro yeah nalang ba ang kaya nyang sabihin? Magsasalita pa sana ako ng biglang may tumawag sa akin

Hello princess?" tanong ko sa kabilang linya

Betty nasaan na kayo?" tanong ni princess

On the way na kami, kayo ba?" tanong ko

On the way narin." narinig kong sagot ni lisa sa kabilang linya. Buti pa sila magkakasama

Buti pa kayo magkakasama. Ako nandito kasama ang master kong walang ibang alam sabihin kundi yeah." yamot na sabi ko. Narinig ko ang tawanan ng mga kaibigan ko sa kanilang linya

Sign na daw kasi yun sis. Kailangan ng matahimik ang bibig mo kahit minsan lang." tumawa pa si jennie kaya napasimangot ako. Sobrang supportive nila sakin grabe!

Hmp, ewan ko sainyo. Bye na." hindi ko na sila hinintay mag salita, binaba ko na agad ang tawag

Sino yung kausap mo?" tanong ng kasama ko. Hindi na lang pala yeah ang kaya nyang sabihin

Tao." maikling sagot ko at binuksan ang chips na nasa bag ko

Pilosopo."

Tao ako hindi pilosopo." binara ko pa sya para mainis sya

Isa." may pagbabanta na sa boses nya. Akala naman nya matatakot ako, tsk.

Dalawa." pang asar pa akong ngumisi para mas mainis sya at dahil nga pikon sya ay naiinis na sya sakin

Erikha rose santiago." naiinis na tawag nya sakin

Sabi ko nga titigil na eh." sabi ko sabay nagmwestra na parang zinizipped ko ang bibig ko. Baka kasi palabasin ako kapag hindi pa ako nanahimik

Ang tino mo talagang kausap kahit kailan."

Syempre matino naman talaga a---- sabi ko nga eh hehehe peace." naputol din ang sasabihin ko dahil sa sama ng tingin nya sakin. Kasalanan ko bang pikon sya

Pababain kaya kita."

Wag naman ganun tatahimik na nga oh." sabi ko at zinipped ulit ang maingay kong bibig na hindi matigil tigil. Minsan talaga pahamak itong bibig na ito eh

Good." sabi nya kaya tinuon ko nalang ang aking atensyon sa pagtingin sa labas at sa pagkain

Tahimik lang kami ng bigla syang magsalita

Pahingi nga." sabi nya kaya napatingin ako sa kanya

Nagdra-drive ka eh."

Subuan mo ako." aangal na sana ako ng magsalita na naman sya

Wag ka ng maarte, bilisan mo nalang dahil nagugutom na ako." sabi nya kaya kahit labag na labag sa aking kalooban itong gagawin ko ay ginawa ko padin ng pikit mata

Kahit naman P.A o maid nya ako eh ayoko syang subuan no. Para kasi kaming mag jowa at ayoko nun. Ang sungit sungit nya kaya

Ang arte mo."

Sus kala mo sya hindi." sabi ko sabay subo ng pagkain sa bibig nya

Bakit hindi naman talaga ah." napaikot nalang ang mata ko dahil sa sinabi nya

Gusto mo ba isa- isahin ko pa?" tanong ko at kita ko naman ang bahagya nyang pag iling

Takot din naman pala eh. Naantok na ako master, tulog muna ako ah." sabi ko at hindi ko na nga hinintay ang sagot nya. Tuluyan na akong pumikit at nagpahatak sa antok

.

.

.

Parang may tumatawag sa pangalan ko. Sino naman yun bakit kilala nya ako?

Erikha."

Ang ganda naman ng boses nya, anghel ba yun?

Wake up." tuluyan na akong napagising ng may pumisil sa pisngi ko. Ansakit T_T

Hindi pala anghel ang tumatawag sakin." bulong ko habang hawak hawak ang pisngi ko

May sinasabi ka?"

Wala." yamot na sabi ko at napatingin sa paligid

Nandito na tayo?" tanong ko. Tumango lang naman sya sabay labas ng sasakyan kaya lumabas narin ako

Omgiee, ang ganda naman!" namamangha kong sabi. Lumayo ako sa kanya ng bahagya tapos nag selfie

Tara master picture tayo." aya ko sa kanya

Ayoko." yamot na sabi nya. Walang kwentang kasama talaga

O picturan mo nalang ako." binigay ko sa kanya ang cellphone ko tsaka pumose

Tamad na tamad naman nya akong pinicturan. Ano kaya yun!

Ano ba naman yan master. Galingan mo naman sa pagpicture." inis na sabi ko

Tsk." inayos na nya ang pag picture kaya nag pose na ulit ako

Tara tayo naman." lumapit ako sa kanya tsaka hinatak ang cellphone ko. Itinaas ko ang kamay ko pero hindi sya hagip sa camera dahil sa tangkad nya

Ako na nga." kinuha nya ulit sa akin ang cellphone ko tsaka nya itinaas

Nag pose ako habang sya naman naka poker face lang

Ngiti ka naman." sabi ko sabay sundot sa pisngi nya. Narinig kong tumunog ang cellphone ko saktong hindi ako nakatingin at nakaharap sa kanya

Hindi pa nga ako nakatingin eh." nakasimangot na sabi ko

Nagulat ako ng akbayan nya ako tsaka sya ngumiti.

Ang pangit ko dun!" inis na sabi ko sabay kuha sa kamay nya ng cellphone ko. Ang pangit ko sa huling kuha, para akong nakakita ng multo! Kainis

Hahahahaha okay na yan." inirapan ko lang sya

Kainis talaga!




☆☆☆

Im His Personal MaidWhere stories live. Discover now