“Wala naman na. Pftttttt! ang hinihingi ko kasi sayo apple pero ang nakakapagtaka lang ang binigay mo ay orange. May problema ba sa trabaho?” nakangiti nitong saad habang binabalatan ang prutas na kanyang iniabot.

Tanga! Tanga! Ayan nahahalata ka na. Ano na lang sasabihin mo. Kita mong hindi pa masiyadong gumagaling ang mga sugat ng papa mo dadagdag ka pa sa problema.

“Wala naman po pa. Nag-iisip lang ako ng magandang plano para sa bago kong mission .” agad itong umiwas tingin dahil alam niya sa sarili na kontng pilit lang ng kanyang ama ay bibigay siya at magkukwento.

“Ganun ba. Kapag kailangan mo ng tulong nandito lang lagi ang ako.” ngumiti naman siya na nakapagpagaan sa loob ng dalaga.

“Naku! Tumayo ka na kasi diyan dad punta tayong shooting range. Tatalunin na kita. ”

“Bakit hindi mo yayain ang lolo mo? Minsan na lang kayong magbonding.”

“Mas busy pa yun sa busy,” napasimangot na lang ang dalaga.

Miss ko na din si lolo. Nung bata palang ako madalas kaming lumabas ni lolo. Halos mapagkamalan pa kaming magtatay dahil sa dalas namin magkasama. Lagi kasing busy si papa bilang pulis, si mama naman busy bilang isang fashion designer.

Maghapon lang siyang nagbantay at nakipagkwentuhan sa kanyang ama. Nang dumating ang kanyang ina ay pinauwi na siya nito upang makapagduty na siya sa presinto.

Dumaan din sa presinto ang dalaga at tumambad sa kanya ang mga kasamahan niyang busy sa pag-aasikaso sa tambak na trabaho.

“Good evening. Ma'am Inspector”pambungad na bati sa kanya ni PO1 Awa at ng iba pa.

Tinanguhan niya lang lahat ng bumabati sa kanya. Halos inulan siya ng mga katanungan at pangangamusta sa kalagayan ng kanyang ama.

Sa pananatili ng dalaga sa kanilang headquarters naisipan niyang lapitan ang binatang Inspector na busy sa kanyang computer.  Sa departmentong kanilang kinabibilangan itinuring ang binatang Inspector bilang utak ng kanilang team. Samantalang, binansagan ang dalaga bilang Lara Croft.

“Inspector kamusta?”

“Ito masiyadong busy.” hindi man lang niya inalis ang paningin sa kanyang computer.

“Sige mauna na ako, punta pa ko kay Chief sungit.”pabulong niyang saad at tinapik na lang niya ito sa balikat.

“Pasensiya ka na hindi man lang ako nakadalaw sa hospital. Busy talaga dito ngayon.”

“Okay lang lalabas na din si papa ngayon, sige una na ko,”naglakad na ito papunta sa opisina ng Ninong.

Balak niya lang sana na ibalita sa Hepe na makakabalik na siya sa serbisyo bukas na bukas. Gusto niya na rin sanang ipaalam na dito ang tungkol sa sulat na kanyang natanggap. Ilang beses na kasi siyang nakakatanggap ng magkaparehas na sulat at hindi niya na ito ikinatutuwa. Una niyang natanggap ang sulat ay noong sa hospital,pangalawa ay sa apartment kung saan siya tumutuloy. Pareho lang ang laman nito puro babala at hindi siya natuwa sa pagbasag sa kanyang bintana. Hindi niya inaasahan na babasagin din ang bintana ng kanyang tinutuluyan. Pinababayad tuloy sa kanya ng landlady ang basag na bintana.

Bago siya pumunta sa opisina ng Hepe ay nakaramdam siya ng tawag kalikasan kung kaya't siya ay nagtungo muna sa washroom. Habang nasa loob siya ng banyo may narinig siya babae at lalaking nag-uusap. Hindi niya napigilan ang pakikinig sa dalawa.

“Dapat na siyang matakot. Ilang beses ko na ipinarating ang mensahe natin .Subukan niya pang makialam mapapahamak ang pinakamamahal niyang kapatid o isa sa kapamilya niya .”

Ms. Officer on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon