Depression(One shot)

8.3K 186 22
                                    

Gulong-gulo na ako. Sa una, akala ko nabibilang lang sa pag-iinarte ang lahat. Pero bakit? Bakit ako, bakit ako pa sa dinami-dami ng tao sa mundo.

Tumatawa. Nakangiti. Masasayang emosyong palaging pinapakita sa maraming tao at ang maskarang pinipilit isuot para itago ang hinanakit na kay tagal ko nang kinikimkim. Hindi ko alam kung kanino ako kakapit. Hindi ko alam kung sino ang kakampi ko.

Pagod na ako sa buhay na katulad nito. Gusto ko nang magpahinga. Gusto ko ng makasama sina Mama at Papa sa kung saan man sila ngayon. Gusto ko na silang makita muli. Gusto ko ulit maranasan ang masasayang alaala noon na hinding-hindi ko na nararanasan ngayon. Ngunit, imposible. Sobrang imposible.

Depresyon? Ito ba dapat ang kailangan kong maramdaman. Akala ko'y isang simpleng karamdamam lamang pero talagang nakakapagpagulo ng utak ng isang tao. Nababaliw na ako sa mata ng karamihan. Sirang-sira ako sa paningin ng mga taong nakapaligid sa akin. Dahil akala nila, simple lang ang makaramdam nito. Akala nila madali lang ang dapuan ng ganitong klaseng sakit. Hindi lang nila alam kung ilang balde na ng luha ang nasayang ko tuwing gabi. Nakakapagod na. Nakakapagod na dahil pakiramdam mo, tinalikuran ka na ng lahat. Binabalewala ka na ng karamihan. Ikaw nalang mag-isa sa mundong ibabaw.

Ilang subok ko na ring tapusin ang buhay ko. Sinabit ko ang leeg ko sa tali na nilagay ko sa gitna ng ceiling. Pero walang nangyari. Imbes na masakal ako, sakit sa pwet ang nakuha ko. Sinubukan ko na ring uminom ng 20 tablets na gamot sa isang araw, pero pagkagising ko, nasa hospital na ako. Naranasan ko na ring magpabangga sa isang kotse, pero pinagalitan at sinigawan lang ako ng driver. Talagang madaming sagabal. Madaming sagabal dahilan upang maramdaman ko ang sobrang kapaguran. Bakit kasi maraming sagabal sa kagustuhan ko. Ayoko na talaga eh. Pagod na ako.

Minsan pumunta ako sa isang building. Walang dudang umakyat ako sa rooftop at doon sinubukan tumalon. Nangingilid ang luha ko habang nakatingin sa ibaba. Mga sasakyan na pabalik-balik sa daan. Mga taong masayang naglalakad na animo'y walang kinikimkim na problema. Naiinggit narin ako sakanila minsan eh. Bakit sobrang unfair? Bakit kailangan meron talagang taong sasalungat sa kaligayahan ng iba. Kailangan merong taong masasaktan habang yung iba, binabalutan ng saya. Hindi talaga timbang eh. Sobrang daya.

Unti-unti kong inangat ang kabila kong paa na animo'y hangin nalang ang pinapatungan ko. Sana ngayon, wala nang hahadlang sa akin. Sana wala ng pipigil sa kagustuhan ko. Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaan na ang sarili na unti-unting bumagsak sa hangin. Ramdam na ramdam ko ito. Dito na titigil ang paghihirap ko. Makakasama ko na ulit ang mga magulang ko. Mararamdaman ko narin ang kapayapaan. Paalam.

"Miss! Nahihibang kana ba? Ano ang pumasok diyan sa utak mo at dito mo pa piniling magpakamatay. Hawakan mo ng maigi itong kamay ko! Bilis!" naimulat ko ang mga mata ko at napatingin sa kamay ko na hawak-hawak ng lalaking galit na galit ang mukha ngayon.

"Bitawan mo ako! Hayaan mo na ako!" pagmamakaawa ko sakanya. Pero mukhang hindi siya nakinig dahil mas lalo niya pa akong hinila hanggang sa nakuha niya ang isa ko pang kamay. Alam kong ginamit niya ang buo niyang lakas para mapabalik ako sa itaas. Dahil sa pwersa niya ay sabay kaming napatumba sa pinanggalingan ko kanina.

"Ano ba ang problema mo at naisipan mong magpakamatay?" inis nitong tanong. Imbes na sagutin ay napaiyak nalang ako. Matinding panghihinayang ang nararamdaman ko ngayon. For the nth times, na failed ulit ako. Wala na, marami talagang balakid. Mukhang pinagkait talaga sa akin ang ganitong bagay.

"Anong nangyari sayo? Why are you crying, sinagip lang naman kita---" napakagat nalang ako sa labi ko bago putulin ang sasabihin niya.

"You don't know what's my pain! Wala kang alam sa dinadamdam ko ngayon. Hindi ikaw ang nasasaktan. Hindi ikaw ang nawalan ng kakampi. Sana hinayaan mo nalang akong magpakamatay. Sana hindi mo ako pinigilan. Sana malaya na ako ngayon!" sigaw ko at napaluhod nalang dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman ko.

Depression (One Shot)Where stories live. Discover now