ERNEST'S POV:

Pag pasok ko ng bahay rinig ko agad yung malakas na tawa ni Spencer at Joseph mula sa may living room.

"Hi brother" bati agad sakin ni Spencer pagka dating ko sa living room
"How is your day?" tanong nya sakin with that smile
"It's fine" sagot ko nalang sa kanya tsaka ako naglakad palapit kay Joseph tsaka kami nag fist bump na dalawa tsaka ako umupo sa tabi nya.
"How is your business going?" tanong naman sakin ni Joseph
"Well maayos naman! Sana mag tuloy tuloy" sagot ko nalang sa kanya kaya ngumiti lang sya tsaka ako tumingin kay Spencer na mukhang good mood ngayon
"So what are you doing earlier?" tanong ko sa kanila dahil parang ansaya nila
"Were just talking about our childhood and it was fun talking about our past memories kung saan mukha pa tayong mga tanga nun dahil sa mga kagaguhan natin" sagot naman ni Joseph kaya ngumiti nalang rin ako tapos biglang tumingin si Joseph sa phone nya
"Wait a minute! Akala ko ba kasama mo si Kyle ngayon" sabi ko sa kanya
"He is not feeling well" sagot nalang nya sakin habang busy naka titig sa phone nya
"Is he sick? Let's visit him" worried na sabi naman ni Spencer kaya napa tingin lang sa kanya si Joseph
"We can't do that" seryosong sagot naman ni Joseph sa kanya
"Why?" disappointed na tanong ni Spencer
"Maybe because he wants to be alone right now! Just let him rest for now. Palagi mo na nga syang kinukulit hayaan mo muna syang magpahinga kahit ngayon lang" sagot ko kay Spencer kaya malungkot nalang syang yumuko

Baka kasi mamaya biglang pumunta si Spencer sa bahay nila Kyle at magulat nalang sya dahil wala syang maabutan dun dahil sa hindi na rin naman nakatira si Kyle dun.

"How about Yvan? Where is he?" tanong ko ulit kay Joseph
"He is busy!" walang ganang sagot nya sakin
"Busy?" tanong ko naman sa kanya tapos tumango lang sya bilang sagot
"Busy with his girlfriend" sagot naman ni Spencer kaya di nalang ako nag salita pa

Sa aming apat ako nalang ata walang babae sa buhay. As in ako lang yung single. Maybe dahil sa mataas rin kasi standard ko sa babae, as in minsan ka lang makakakita nung ganung kalseng babae.

May nakita na nga ako nun kaso naunahan kasi ako ng bestfriend ko and that is what made me feel sad but now everything is fine because I've finally move on.

Back to what were talking about, parang napansin ko na madalas nalang rin sumama samin si Yvan dahil sa palagi syang kasama ni Andrey. Masyado ng naging busy si bunso sa lovelife nya.

"I'm sleepy" inaantok na sabi ni Spencer samin tsaka sya tumayo at nag lakad papunta sa kwarto nya

Pagkaalis ni Spencer agad namang humiga si Joseph sa may sofa.

"Why are you really here?" seryosong tanong ko kay Joseph. Parang kaninag umaga lang kausap ko si Kyle at parang wala naman syang sakit. Alam kung may nangyari!
"I already told you that Kyle is not feeling well" sagot naman nya sakin
"I know Kyle is not sick! Kausap ko lang sya kanina sa phone bago ka dumating sa bahay nila" seryosong sagot ko sa kanya kaya bigla syang ngumiti
"You got me" natatawang sabi nya sakin
"What did you do again?" seryosong tanong ko sa kanya kaya bumangon lang sya mula sa pagkakahiga nya

Alam ko naman kasing may ginawa na naman silang dalawa kaya andito sya ngayon. Wala kasi syang matambayan dahil sa nasa bahay nila grandparents nya and ayaw na ayaw pa man din kasi nyang napapagalitan.

"Don't tell me nag away na naman kayong dalawa?" shock na tanong ko sa kanya kaya tumawa lang sya
"Baka mag away! Tsaka grabe naman yung pagkakasabi mo ng na naman! Di naman kami ganun palagi mag away ni pinuno" asar na sagot nya sakin kaya nag smirk lang ako
"So bakit ka nga andito? Di ba dapat kina Kyle ka tatambay ngayon" sabi ko ulit sa kanya kaya ngumiti lang sya
"I need answers not smile!" asar na sagot ko sa kanya kaya inirapan nya lang ako
"Tinulungan ko lang si pinuno" sagot nya
"And what kind of help is that?" tanong ko naman sa kanya kaya biglang lumabas yung evil smile nitong lalaking to

Kilala ko si Joseph. Pag sya ang tumutulong tiyak na may halong kagaguhan yun. Malakas trip nitong lalaking to at di namin kayang makipag sabayan sa kanya.

"Tinulungan ko lang naman si pinuno mapa uwi si Ysabel mula sa date nila nung Joshua" natatawang sagot nya sakin
"And sa paanong paraan mo naman sya natulungan?" seryosong tanong ko sa kanya
"Ginalingan lang naman ni pinuno yung pag arte nya!" natatawang sagot nya sakin
"Ha? What do you mean?" naguguluhang tanong ko sa kanya
"Kunwari may sakit si pinuno para naman umuwi agad si Ysabel! Well, tinulungan ko lang naman sya sa pag peke nung lagnat nya" natatawang sagot nya sakin
"How did you fake it?" curious na tanong ko sa kanya kaya ngumiti lang sya
"Well, thanks to google may nakita akong easy way on faking it and it is kind of effective rin naman" sagot nya
"How?" tanong ko ulit sa kanya
"Putting crushed ginger under his armpit" natatawang sagot nya na syang kinagulat ko
"It's kind of funny because I didn't expect that Ysabel will fall for it" tawang tawang sabi nya ulit kaya ngumiti lang ako
"Sinabi ko kasi kay Ysabel na kailangan ko umuwi agad dahil gusto ako makita ng grandparents ko. At pag umalis ako walang magbabantay kay pinuno kaya ayun walang nagawa si Ysabel kundi ang umuwi agad" natatawang sabi nya ulit
"Para kayong g*go" natatawang sabi ko sa kanya kaya ngumiti lang sya
"Pag nakita mo itsura ni pinuno tiyak matatawa ka rin" tawang tawang sabi nya ulit kaya natawa nalang rin ako dahil na imagine ko yung itsura ni Kyle.

Naiisip ko tuloy ngayon yung itsura ni Kyle! Buti pumayag sya sa kagagugan ni Joseph kasi pagkakaalam ko hindi sumasakay si Kyle sa mga trip ni Joseph.

Kaya siguro tawang tawa rin ngayon si Joseph dahil sa kasalukuyang itsura ni Kyle ngayon.

KYLE'S POV:

Pag mulat ko ng mata ko bumungad agad yung mukha ni Yanna na kasalukuyang natutulog dito sa may tabi ko. Yung naka patong yung ulo nya dun sa isang braso nya habang naka upo sya sa may sahig.

Di ko man lang namalayan na naka tulog pala ako! At kaya siguro sya ngayon natutulog dito sa tabi ko ay dahil sa binantayan nya talaga ako

"What are you doing?" mahinang tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan yung mukha nya habang natutulog
"How can you sleep in that position?" tanong ko ulit sa kanya tsaka ko tinaggal yung buhok nyang nakatakip sa mukha nya
"Your so pretty" sabi ko sa kanya habang hinahawakan ko yung kilay nya papunta sa ilong nya gamit nitong index finger ko

She's so pretty!

I can't blame her for her perfect figure since her brother and sister has great figure too.

"Girl, how could you do this to me? How did you make me totally fall for you?" seryosong tanong ko sa kanya habang hawak hawak ko yung pisngi nya
"You make me fell so weak and you are the only one who has the capabilities on doing that! You gave me strength to stand with my own feet. Your so nice to me even I'm not that nice to you" seryosong sabi ko sa kanya habang naka titig ako sa mukha nyang tulog

Habang busy syang natutulog bumangon na ako mula sa pagkakahiga ko tsaka ko naman sya binuhat para maka higa dun sa may sofa.

Nung naiayos ko na yung pwesto nya agad akong umupo sa may tabi nya para titigan ulit yung mukha nyang natutulog.

"Girl, I think there is something on you" sabi ko ulit tsaka ko hinalikan yung pisngi nya

Habang pinapanuod ko sya matulog bigla ko na namang naamoy yung sarili ko.

"I think I need to take a bath dahil sa di ko na kayang tiisin yung amoy ng katawan ko" asar na sabi ko tsaka na ako tumayo papunta sa may kwarto ko

To be honest hindi ko talaga inaasahan na mahuhulog si Yanna sa kagaguhan ni Joseph.

Madali rin palang mauto minsan yung mga taong matataas ang IQ.

Secretly Married To The Campus Prince (ON GOING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!