CHAPTER 17: The Twins

17.6K 331 1
                                    

YVON'S POV:

"What did she say? Babalik pa ba daw siya sa school bukas?" tanong ko agad kay Yvan nung makita ko siyang pababa ng hagdan since alam ko na galing siya sa kwarto ni Ate Ysabel

"Oo daw!" di makapaniwalang sagot niya tsaka siya umupo dito sa tabi ko

"Seryoso?" tanong ko ulit sa kanya dahil sa hindi rin ako makapaniwala sa narinig ko tapos tumango lang siya tsaka niya inagaw yung hawak kong chips

Ano kayang nakain ni Ate Ysabel at pumayag siyang bumalik sa school kahit na may nangyaring hindi maganda sa kanya kanina.

Kasalanan kasi talaga ito nung mga stalker ni Yvan.

"Did you apologize to her?" tanong ko kaya naman inirapan niya ako

"And why would I do that?" seryosong tanong niya sakin kaya naman binatukan ko siya

"What was that for?" naiinis na tanong niya

"Baka nakakalimutan mo kung sino yung mga nanakit sa kanya kanina!" seryosong sabi ko sa kanya kaya naman siya napaisip

"Bakit mga ba di ko narealize yun? Ang akala ko kasi si Kyle lang may kasalanan" sagot niya kaya inirapan ko nalang siya tsaka ako kumuha dun sa hawak nyang chips

"May kasalanan kayo pareho! Kaso ang pinagkaiba niyo lang ay yung sayo hindi intentional pero yung sa kanya intentional. I mean, hindi naman lalapit yung mga linta girls kay Ate Ysa kung di nila pinagkamalan na girlfriend mo siya dahil magkaholding hands ba man kayo sa buong campus at hindi naman masasaktan ng ganun si Ate kung di ginawa ni Kyle yun" sabi ko ulit sa kanya tapos sasagot na sana siya pero biglang nag ring yung telephone dito sa living area

"Sagutin mo!" utos ko sa kanya pero inirapan niya lang ako

"Ikaw yung malapit!" naiinis na sagot niya sakin kaya naman sinipa ko siya

"G*go! Sagutin mo!" seryosong sabi ko sa kanya pero bigla niyang ipinikit yung mata niya para mag kunwaring natutulog

"Kahit kailan talaga!" naiinis na sabi ko sa kanya tsaka ko pinulot yung telephone

Nakakabwisit itong lalaking nasa tabi ko! Kahit kailan talaga walang maasahan sa kanya! Sobrang sarap tapakan nung ulo.

"Hello!" bubgad ko agad pagkasagot ko nung call tapos iminulat na nitong lalaki nasa tabi ko yung mata niya sabay thumbs up sakin kaya binato ko lang siya ng unan

"Is this Yvon?" sabi nung lalaking nasa kabilang linya kaya tumango lang ako

"Yes! Who's this?" tanong ko ulit doon sa nasa kabilang linya at narinig kong tumawa ito

"Why are you laughing?" naiinis na tanong ko dun sa nasa kabilang linya

Ansarap nya babaan ng telepono!

Kung di lang ako bastos binabaan na sana kita, kung sino ka mang hinayupak ka!

"Hi, Yvon! This is me, your Kuya Joshua" sabi nung nasa kabilang linya na siyang ikinagulat ko

"WHO?" sigaw na tanong ko

"Why are you shouting?" gulat na tanong nitong nasa tabi ko pero hindi ko siya sinagot

Secretly Married To The Campus PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon