Napaisip naman ang dalaga dahil sa pagiging seryoso at pananahimik ng mga kasama. Maaaring may malaking problema kung kaya't napakatahimik ang dalawa. Minsan naman sinasakyan ng mga ito ang mga pangungulit ng dalaga. Nakaramdam naman siya ng excitement at the same time kinakabahan.

"Are you ready to listen up, Valdemor?"

"Yes, Chief!"seryoso na rin ang tono ng kaniyang pananalita.

Labis ang excitement na nararamdaman ng dalaga sa anumang sasabihin ng Hepe. Nais niya sanang maisama siya sa isa sa mga pagraid sa mga sindikato. Hindi yung puro raid na lang sa mga illegal na bar na ang karamihan mga customer ay mga menor de-edad pa lang at may mga babaeng nagtatanghal na ang mga suot ay kinulang sa tela. Simula kasi nung nabaril ang dalaga sa isang engkwentro nila sa isang grupo ng sindikato ay pinagbawalan na nila itong sumama sa mga raid o big projects.

Nirequest kasi ng kaniyang ina na sa loob na lang muna ito ng opisina. Sobrang bored talaga ang nararamdaman ng dalaga,feeling niya tuloy hindi siya magaling na pulis kaya kinukulong siya sa loob ng presinto. Nagsasawa na siyang magkasagupa ang mga tambak na papeles ng presinto.

Bumalik lang siya sa realidad dahil sa malakas na pagsigaw ng Hepe at marahang pagtapik sakin ng Inspector.

"Ano ba Valdemor! Nakikinig ka ba!"

"Ha? Sorry Chief"

"Lutang ka nanaman Valdemor. May bago tayong project at kasama ka sa team Valdemor----"pinutol niya agad ang sasabihin ng Hepe dahil sa sobrang excitement niya sa bagong mission na kakaharapin.

"Sabi ko na nga ba! Ano ba yan, isa nanaman pang raid sa drug dealers o sindikato?"hinampas pa nito ang lamesa sa sobrang saya kaniyang nararamdaman na ikinasama nanaman ng mukha ni Hepe.

"Manahimik ka."seryoso nanaman ang tono ng pananalita nito kaya pinili niya na lang ulit ang magseryoso.

Sandaling katahimikan ang nangibabaw sa loob ng silid. Gusto na sana ng dalaga na ibuka ang kaniyang bibig ay mas pinili na lang ang hindi magsalita dahil sa tensyon at seryoso ng situation.

"As I said earlier, Ms. Valdemor you are the one to assigned to look after the son of Mr. Aldron Legaspi,The great playboy Tyronne Legaspi. Ibinaba ng mga nasa taas na dapat nating banatayan ang mga Legaspi dahil pinaghihinalaan silang sangkot sa black market at illegal transactions."

"Yun lang ba talaga Chi-----"napatigil ito sa pagsasalita at nanlaki ang mga mata.

"Ano?Bakit ako?Ayoko niyang project na yan Chief!" napatayo pa ito dahil sa gulat.

Paano ko pagsasabaying bantayan ang dalawang lalaki iyon.

"Parang kanina lang excited ka sa bagong project. Anong nangyari Valdemor ,nawala na ba ang nagbabaga mong kapusukan?Hindi ka pwedeng tumanggi Valdemor, mula sa mga nakakataas ang request na yan."

"Ano? Hindi niyo ba alam Chief? May isa na akong mission at halos puro pagbabantay lang ang gagawin ko. Mas gugustuhin ko pang makipag-barilan sa mga kriminal at makipaghabulan sa mga magnanakaw."dirediretcho niya namang saad

"Huminahon ka Valdemor at ika'y maupo. Ayon sa ating reliable source ang binatang iyon ang pinapadala ng kaniyang ama sa mga illegal transactions ng kanilang pamilya,"puno ng awtoridad ang pananalita ni Chief kaya napilitan nang maupo ang dalaga.

"Chief hindi ba kayo naawa sa inaanak niyo. Paano ko naman mababantayan ng sabay yung dalawang 'yon?"nagpout pa ito para magpaawa na ginagamit niyang way para hindi siya matanggihan ng mga tao sa paligid niya.

This can't be!

"Hindi ka namin hahayaan sa mission na ito kung hindi mo ito kaya at kung hindi naman talaga ito mahalaga. Valdemor, wala na tayong magagawa pumayag na ang iyong lolo at iyong daddy sa mission na ito. Base sa aming nakalap na impormasyon ay nag-aaral lang sila sa parehas na Unibersidad, hindi ka mahihirapan bantayan ang dalawang binata," nagpantig naman ang tenga nito sa sinabi ng kaharap. "Si mama pumayag ba?"naghahanap pa ito ng butas sa assignment na'to para makaiwas lamang. Napailing naman si Chief.

Ms. Officer on DutyOnde histórias criam vida. Descubra agora