Book2 ~ Salinlahi ~ 24

254 21 6
                                    

Masarap ang dampi ng hangin sa mukha ko na dahilan upang magising ako. Mabango ang hangin na tila ba galing sa iba't ibang klaseng bulaklak ang sumasamyo sa hangin.

Maliwanag na kalangitan ang una kong nakita at sa paglingon ko nama'y berdeng-berde ang malulusog at malalaking damong nakapaligid sa kinahihigaan ko.

Nasaan ba ako?

Dahan-dahan akong tumayo. Mainggat na baka lumala ang mga sugat na natamo ko. Ngunit wala kahit na katiting na gasgas sa balat ko. Wala rin akong maramdaman na kahit na anong klaseng sakit sa loob man o sa labas ng katawan ko.

Magaling na ba ako?
Pero pa paano?

Magandang tanawin ang nakita ko nang ilakad ko ang mga mata ko sa paligid. Walang kahit na anong panget sa lugar kung saan man ako naroroon.

"Masaya sa lugar na ito," napabalikwas ako nang bigla na lamang may boses na nagsalita. Sinubukan kong hanapin ang may-ari nito pero wala akong makitang tao sa paligid ko. "Walang gulo. Walang kahirapan. Walang kasakitan."

"Sino ka? Nasaan ka?" Nagpabaling-baling ako ng tingin sa paligid. Umaasa na makita ko ang babaeng nagmamay-ari ng boses na kumakausap sa akin.

"Ako si Gabriella," lumitaw ang isang napakagandang babae sa harapan ko. "Mas kilala mo ako bilang, Cosmos."

"Imposible." napaurong ako dala ng takot. Imposible ang sinasabi niya. Nakita ko na noon ang Cosmos at hindi siya ang babaeng nasa harapan ko.

"Hayaan mong ipakita ko sa 'yo ang nakaraan."

Sa isang kurap ng mata ay napunta na ang babae sa harapan ko at nahawakan na niya ang kamay ko.

Tila ba naglalaro ang mga mata ko nang makita ko ang isang makalumang bayan. Isang babae ang pumukaw ng atensyon ko. Kamukha kasi siya ng lola ko.

Wala man sa loob ko ay kusa akong sumunod sa kanya. Mukhang hindi niya ako nakikita dahil kahit na palingon-lingon siya sa kinaroroonan ko ay hindi niya ako tinitignan.

Sinundan ko siya sa malayo-layo niyang paglalakad bitbit ang basket na hindi ko alam kung ano ang laman. Tumigil lamang siya nang makarating kami sa isang talon sa tuktok ng isang bundok.

Nang mag-alay ng pinitas na bulaklak ang kamukha ni lola ay bumukas ang talon at lumabas ang isang magandang babae. Si Gabriella.

Galak na ngumiti ang dalawa sa isa't isa. Tila ba matagal na silang magkakilala at naging magkaibigan na. Normal na tao lamang ang kamukha ni lola at isang engkantada naman ang kanyang kaibigan.

Masayang pinagsasaluhan ng dalawa ang pagkaing nasa basket. Hanggang sa nagulat ang engkantada. May kung anong panganib siyang naramdaman.

"Lapastangan ka! Pinagkatiwalaan kita! Ngayon pala'y ituturo mo lamang ako sa mga sakim na taong lupa!" Lumipad ang engkantada papalayo.

Nagtataka ang kamukha ni lola. "A-ano bang sinasabi mo? Nagkakamali ka. Hindi ko iyan magagawa, kaibigan."

"Nasa malapit na ang mga tao, hanggad nila ang kapangyarihan ko. May kanya-kanya silang hangarin pero silang lahat masama ang budhi. Ito ba ang nais mo, ang gamitin ng tao ang lakas ko para sa pansarili nilang kapakanan?"

Umiling ang kausap niya. "W-wala akong alam sa nangyayari. Hindi ko alam kung paano nila ako nasundan at kung paano nila nalaman na ikaw ang pakay ko rito. Maniwala ka."

"Pumitas sila ng sagradong bulaklak. Sino mang mag-alay niyon sa akin ay kailangan kong pagpakitaan." Naging malungkot ang mukha ng engkantanda.

"Kailangan mo ng umalis dito! Bago ka pa nila makita!" Ngunit tila alam ng engkantada na hindi na sapat ang oras niya para makatakas. Isang ideya na lamang ang naisip ng taong lupa.

She's the LegendWhere stories live. Discover now