Yung buong white board na puno ng sticky notes ang galing naman sobrang effort naman nung lalaking yon at ang swerte ng babae :D

 

“uyy Heart anong meron?”

 

Nerd siya at tahimik pero dahil mabait naman ako saknya ay sasagutin ako nito

 

Nakatingin siya aakin so tinignan ko na din siya

 

“…………………..”

 

Ay okay oo sabi ko nga… makakakuha ako ng sagot eh

 

 

Haler!!! Hindi ako mind reader!!!

 

Nakipag siksikan nalang ako papunta sa upuan ko

 

 

At yun habang nakikipag siksikan ako eh gumilid yung mga tao at gumawa ng daan ko?? Papunta sa harapan..

 

 

Seriously ako? lumingon lingon ako  wala naman akong kasunod

 

“uy ikaw daw punta ka na sa harapan ayan na yung daan oh”

 

Sabi ko sa katabi ko

 

“shunga! Hindi ako. ikaw yung pumunta sa harapan”

 

“ako??”

 

“oo!! Ikaw!! Sino pa bang LOUISE ANGELIE LOPEZ DITO??”

 

Sabay sabay nilang sabi… aba scripted

 

“siya malay nyo”

 

“shunga ka girl!! Ayan sa harap mo oh pangalan at picture mo”

 

??????????????

 

Pangalan?????

 

 

Picture????????????

 

 

Wait………..

 

Loading………..

 

 BUFFERING....

Processing……

 

Processing………

 

Installing…….

 

Okay ang OA ko… oo nga ako yung nasa harapan..

 

 

“ayieeeeeeee”

“ang swerte niya….”

“ikaw na !!!!!”

“lucky!!!!!”

 

Yan yung mga narinig ko sa mga tao sa classroom

 

“ako ba talaga yan?”

 

“aray!!!”

 

Binatukan ako eh

 

“siraulo! Ayan na nga eh oh picture at pangalan duda ka pa”

 

Eh sa hindi ako makapaniwala eh

 

Lumapit ako sa board at binasa ang mga nakasulat hindi naman mahirap eh kasi may mga arrows naman

 

 

Lovely nights passed me by > I thought I never had anything > but you came my way >  and you gave me everything > Time has passed us by >  but we didn’t realize anything > we talked all night > and that night I found out everything > I saw something in you > that would last for a lifetime >  and that night we talked > I wanted to make you mine > there is something about you > so I just followed my heart > so as I was thinking of me and you > nothing can tear us apart > (teka parang poem na tong binabasa ko ah) I fell in love with you > and you don’t know my feelings for you > all the promises and things I’ll say > will be forever and true > (para namang kasal na to)  Every night  I look at the stars > and I wish on every one >I promise that I will always love you > until the day you’re gone.

 

An sweet kahit mejo parang mamamatay na ako or siya hahaha kanino kaya galling o? ang cute talagang puno yung board eh :D

Alam kong habang nag babasa ako napapangiti ako,,,naiinggit ako kanina malay ko ba. Di ko naman alam na para saakin pala to..

 

 

 

LIAM

Sht sht sht sht sorry!!! Di ko na alam ang gagawin ko eh. Andito ako ngayon sa may pinto…. Naka nganga. Kinakabahan. Di ko alam kung ano irereact ko.

 

Naunahan na ba ako?andito palang yung surprise ko oh…

 

Sheeeeeetnesssssss!!!!!di ko alam  kung anong mararamdaman ko… lungkot ,selos, galit, sakit, saya o dismaya… ewan!!!!

Ang engot ko naman kung saya yun..

 

Ang tagal kong pinag handaan to tapos talo ang pala ako ng mga sticky notes na yan tsss.

 

Eto ako parang tanga na tinitignan lang siya binabasa yun nung patapos na siya

 

Tumalikod na ako

 

Pero di pa ako nakakalabas eh hinawakan na ako sa braso nila derik at Tristan.  At nilapit kay Louise.

 

There I just saw an angel smiling widely infront of me.

 

Pero bakit ako?

 

 

Love Centrism (Completed)Where stories live. Discover now