Chapter 2

91 0 0
                                    

Chapter 2

Louise

"Liam Liam... ang ganda nung sunrise oh picturan nga natin please?"

Grabe ang ganda na amaze ako kaya Ganun nalang yung reaction ko. Agad naman hininto ni Liam yung sasakyan at kinuha niya yung DSLR. Yes magaling siya kumuha ng picture hobby niya ang photography kaya easy nalang sakanya.

Una akong nag papicture then pinicturan na niya yung sunrise. Pinicturan ko din siya tapos kami naman na dalawa ang nag picture. Syempre selfie yun. Requirement din yun eh.

Makalipas ang ilang oras na byahe nakarating na din kami sa Tagaytay and nag check-in na kami agad sa hotel nila. Jackpot ako sa kasama ko hahaha! May sariling hotel kaso nga lang wala akong maaasahan dito itsura palang wala ng gagawin eh.

Pagpasok namin sa room kinuha niya yung ipad niya at nag laro siya.

Liam Sean utang na loob makisama ka... Lord patience ko po pakihabaan. Salamat Lord.

"Liam?" agaw atensyon ko sakanya.

"ano?"

"pwede ba maki cooperate ka naman pwede naman na tayo mag hanap ng magagandang lugar eh. Para mas madaling matapos at makalipat tayo ng place."

Hay... ang hirap ng ganito batugan tong kasama ko eh.

"mamaya na, kadadating lang natin eh. Matulog ka muna. Ako ng bahala."

Liam!!! Walang hiya ka pag ako bumagsak dito. Pero syempre hindi ko hahayaan na mangyari yun kaya ako nalang lalabas kung ayaw mo ako samahan.

No choice na ako. Lumabas na ako mag isa at nag ikot ikot.

Ilang oras din akong palaboy laboy sa lugar, marami naman na akong nakuhanan mejo napagod ako kaya naisip ko na mag pahinga muna sa isang tahimik na lugar na walang asungot. Pinikit ko muna yung mata ko dahil mahapdi na.

Liam

Ilang oras ng wala si Loiuse kanina ko pa siya tinatawagan pero walang sumasagot kahit text, walang reply. Saan naman kaya nag punta 'yon? Wala namang magandang view pag tanghali. Matutulog pa sana ako pero hindi talaga ako mapakali. Mapapatay ako ni tita at tito pag may nangyaring masama sakanya.

Ano ka ba naman Loiuse hindi na dapat kita iniintindi dahil malaki ka na. Ngayon para akong tanga na naghahanap dito ng nawawalang bata..

Ilang oras na akong paikot ikot dito. Nakakapagod kaya mag ikot dito.

Umupo muna ako malapit sa garden. Palingon lingon baka sakaling nasa paligid lang siya.

Nung mejo okay na ako tumayo na ako at pumunta sa hut na nandito sa garden. Only to find out that the girl I'm looking for is right here in front of me sleeping in a peaceful place.

Hindi siya panget. Maganda siya. Lalo na pag tulog....

TULOG?! Kaya naman pala hindi sumasagot eh. Sabi ko naman kasi mapahinga nalang. Hay naku. Napakasakit mo sa ulo.

Pero in fairness maganda tong place na kung saan siya napadpad. Pinicturan ko ang paligid. At kasali na siya dun. Ang ganda niya talaga. Since bata kami eh nagagandahan na talaga ako sakanya. Nagagandahan lang. YUN LANG. napaka imposible namang ligawan ko to. Magpapakahirap lang ako sa wala.. Ang rami nang nanligaw dito pero halos lahat busted. Wala nga akong nakilalang boyfriend niya eh. Napakaswerte ng boyfriend nito. Isipin mo. Meron siyang girlfriend na maganda, matalino, mayaman, mabait pa, hindi siya katulad ng iba na mata pobre. Kahit minsan eh sumosobra na siya sa pambabara saakin. She's sleeping in peace, kahit sinong matinong lalaki maguguilty na saktan siya..

Hindi na nga pala kami magpapakahirap na maghanap ng places kasi may inutusan na ako na kumuha ng mga pictures. Haha! Ang tamad ko no? samantalang etong babaeng katabi ko eh nagpapakahirap. Hindi niya ata naintindihan yung instruction na basta may picture na kayong dalawa sa isang place okay na, na puro place nalang ang picturan.

At dahil bored ako, aantayin ko nalang siya magising, kinuha ko yung phone niya. Tss ang dali niyang manakawan. Pasalamat siya ako ang nandito. Sayang iphone pag nagkataon.

Nangalkal ako ng messages... oo na ako ng masama. Curious lang naman ako kung sinong kausap niya eh. Ang daming unknown number pero hindi niya nirereplyan. May nakita akong message galing sa unknown number "good night ♥" Taray neto ah haha! Suplada. Hindi nireplyn.

Wala naman akong mapapala sa messages niya kaya lumipat nalang ako sa images.

Recent na kuha puro magaganda. May talent naman siya eh nahawa siguro sa galing ko.

Sumunod na nakita ko mga pictures niya. Napangiti nalang ako ang ganda niya sa picture kala mo artistahin. akala lang pala

Louise

kinapa kapa ko yung paligid ng kamay ko."phone ko?!" bigla akong napa upo ng maayos yung phone ko? Hawak ko lang kanina yun eh.

"nasa akin" lumingon ako sa nag salita. Nakay Liam lang pala.

Hinawakan ko ulo ko. Ang sakit sa ulo nun yung kakagising mo lang sabay bigla upo. Upo ng maayos. ish.

"Liam?!"

"bakit?" tanong ni Liam

Bakit bakit mo mukha mo. At paano naman nito nalaman na nandito ako? Kanina ayaw ako samahan susunod din pala.

"masakit ulo mo?" tanong pa ulit niya.

"ay hindi Liam" sarcastic kong sabi

"akin na nga yang phone ko." Minsan kailangan mo mag taray. Sana naman umepekto.

"yan na yung phone mo, kawawa ka naman wala kang katext, poor " tss nakuha pa niyang mang inis and so kung wala akong katext pakielam ba niya?

"paki mo?." Tumayo na siya at tumalikod saakin...Hindi na muna ako tumayo masakit pa ulo ko nakakatamad pa at isa pa ang ganda ng view dito may panira nga lang.

"wala kang balak tumayo?" bakit ba ang sungit netong taong to? Kung sabagay masungit din naman ako pero kahit na ba. Yung ganda kong to? Sinusungitan lang niya.

"makaalis na nga, ang ganda ng view eh kaso may panira. Tsk tsk" pag tapos ko sabihin yun nag lakad na ako

"oo nga eh ang ganda ng view kaso may panira.. ikaw."

 Ha-ha! Ako pa yung panira ah. Kapal ng mukha netong lalaking to.

Nilingon ko siya at tinignan ng masama,

"pwede ba?! Liam! Kung walang lalabas dyan sa bibig mo na maganda itikum mo nalang yang bibig mo!" inis kong sabi. Saka siya tinalikuran

Liam utang na loob nag sasawa na ako sa puro ayaw away pwede bang wag nalang tayo mag usap? Para matahimik na ang mundo ko?! -.-

Grabe! Hindi ko man lang namalayan yung oras hindi ko na nakita yung sunset. Nalungkot naman ako.

Tinahak ko nalang ang hotel para makapahinga ako. Nakakapagod pala kapag ikaw lang ang gumagawa. Minsan talaga kahit alam mong nakakapagod kailangan mo mag sakripisyo alang-ala sa gusto mo.


Love Centrism (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang