CHAPTER 1

192 4 0
                                    

Sembreak na....

We were given three weeks to capture the beautiful places. Sa bawat place na pupuntahan dapat may picture din kayong dalawa na magkasama para may proof na talagang nag punta kayo.

I listed all the places na pwedeng puntahan. Nandyan ang Tagaytay, Vigan, yung iba. Si Liam nalang ang bahala. Siya lang naman ang mahilig pumunta sa iba't ibang lugar eh.

Nung uwian na namin, sumunod ako kay Liam wala naman na kaming pasok bukas at may one month break kami. Tapos nun January na puro nanaman aral.

Kasama ko ngayon si Lexi.Ang dakilang girlfriend ni Liam. Paano naging sila? Of course dahil lang din saakin. Papunta kami sa court dahil mag babasketball ang boyfriend niya.

Ilang minuto palang kaming nakatunganga ng sinundo na si Lexi. Kaya ako nalang ang naiwan.

Wala bang pakiramdam tong taong to? Eh parang ako nalang yata ang gagawa ng project eh. Ano ba naman kasing nasa isip niya syempre puro basketball.

Ako nga pala si Louise Angelie. Ang babaeng palihim na umiibig. ahaha ang korni.

Habang pauwi kami bigla nalang siyang nag tanong. "kailan ba mag sisimula ang pag gawa ng project?"

"bukas na .kaya mag impake ka na ng gamit mo mamaya". Sinagot ko sakanya na itsurang naiinis ako, kasi talaga nakakairita tong taong to.

"punta ka sa bahay." Aya niya saakin. Ang kapal talaga ng mukha nito, magiimbita ng walang paalam sa parents.

"ano namang gagawin ko dun?"

" edi tutulungan mo ako mag ayos ng gamit" sabay ngiti niya. Ulol talaga to. Wala ng ibang magandang gawin kundi pahirapan ang tao.

"ano ka bata? Para tulungan mag ayos ng gamit? Ang tanda mo na eh hihingi ka pa ng tulong ng iba."

"eto naman mag papatulong lang naman" jusme tulong?

"tulong your face."

Matapos ko sabihin yun tumahimik na kami.Mas okay tong tahimik para hindi kami nag aaway. Nakakaasar kasi ang papansin masyado. Pero dahil mabait ako at hindi ko kayang itikom ang bibig ko nag tanong nalang ako.

"malapit na kayo mag one month ni Lexi, ano enjoy ba ang pagiging boyfriend?" sorry mejo sutil ako hahaha! Bawi bawian lang.

"hindi rin" walang gana niyang sagot. Minsan ang labo talaga nitong lalaking to eh.

"ha? Anong hindi eh ang sweet niyo kaya palagi."

"palabas lang lahat yun. Pero deep inside ayoko at labag sa loob ko. Kasalanan mo to eh"

Wow naman choosy ka pa ang ganda ng girlfriend mo pero di mo type. Anong klase kang boyfriend?

Tumahimik na ako, pati na din siya hanggang sa makarating na kami sa bahay namin.. bumaba ako agad ng kotse niya baka mag away pa ulit kami kapag hindi pa ako umalis sa kotse niya.

"wag mo kalimutan pumunta sa bahay mamaya ha?" paalala niya nung naka baba na ako.

"text nalang kita pag makakapunta ako"

"okay" tapos nun pinaharurot na niya yung kotse niya. Yabang talaga eh. Akala mo naman ang layo ng bahay. sini-sira lang niya ang o-zone layer. 

Pag pasok ko nakita ko si mommy nag preprepare na para sa dinner kaya nag paalam nalang ako na kung puwede after dinner pumunta ako kila Liam. Pinayagan naman ako.

Pag pasok ko sa kwarto nag pahinga ako saglit at nag nag ayos na ako ng dadalihin bukas. Mas maganda ng maaga namin matapos kesa yung namromroblema kami sa project.

Love Centrism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon