CHAPTER 12

44 1 1
                                    

CHAPTER 12

Liam

Another day, another life, another set of argument with Louise. Ano nanaman kayang kalokohan ang gagawin niya ngayon.??

Humarap ako sa left ko and there I saw her, peacefully sleeping.

Mukha talaga siyang anghel.

Mukha lang. demonyo kasi kapag gising eh.

Hindi pa nag tatagal ang titig ko sakanya ng biglang may kumatok.

Tinignan ko lang ang pinto at bumukas iyon.

Hindi yun magic. May taong nagbukas non. Wala akong super powers para gawin yon. Haha

Si tita yung pumasok.

'si Louise?' she mouthed

Then I pointed Louise whose sleeping on my left side.

"ay tulog pa. good morning Liam tara kain na tayo" sabi ni tita saakin in a low tone voice. Buti pa si tita hindi bungagera katulad ni Louise.

"eh si Louise po?"

"hayaan mo lang siya matulog. Tara"

"sige po tita sunod na po ako."

Pagkasabi ko nun hindi muna ako tumayo. Instead kinuha ko yung phone ko and pinicturan siya.

Nagtataka na ako sa sarili ko kung bakit lagi ko nalang ito ginagawa. Ewan ko hindi ko alam kung bakit basta ang ganda niya picturan pag tulog. Pero maganda din naman siya picturan pag gising kaso nga lang ang sutil kasi niya pag gising siya baka kung ano pang isipin niya pag pinicturan ko siya ng gising. Knowing this girl. May pagka mahangin din ito eh.

Pagkatapos kong gawin yon ginawa ko na ang ang mga kailangan ko gawin. Mag hilamos, mag sipilyo at kung ano ano pa.

Pag labas ko sa cr tulog padin siya kaya nag punta nalang ako sa room nila mama.

There I saw her wearing bikini and may nakapatong pang manipis na damit di ko alam tawag dun di naman ako babae eh. Kahit may edad na si mama ay hindi maikakaila na maganda padin siya. No doubt na nanay ko to.

Sumipol ako sabay tumawa.

"ma ang sexy mo." just stated the obvious.

"che bolero." pagsagot saakin ni mama.

"hindi ako nambobola ma promise ang sexy mo"

Sakto namang lumabas si dad sa cr.

"wag mo nga binobola ang mama mo."

"daddy hindi ako nambobola no kahit sinong lalaki ang tanungin mo dyan sa labas iyon din ang sasabihin."

Humiga ako sa kama nila at kasabay non ang death glare ni dad.

"ay nako daddy kung ako sayo dyan lang ako sa tabi ni mama para walang makalapit sakanya."pagbabanta ko kay daddy. I swear gusto ko na tawanan si daddy dahil sa itsura niya.

"Liam ako wag moko pinag lololoko ha."

"ahaha dad hindi naman ah nag sasabi lang ako ng totoo."

"sus." Sagot lang sakin ni daddy

Tumahimik sandali dahil nag aayos si daddy at si mama ng gamit nila.

"dad."

"hmm?"

"wala lang ang sexy ni mama no?"

Love Centrism (Completed)Where stories live. Discover now