Chapter 7.1 🌸

698 11 0
                                    

GALIT NA itinulak ni Devlin si Danille. "Hindi na kita, mahal Danille. Napalitan ka na ni Lilac sa puso ko.

"Sinungaling ka!" galit na sigaw ni Danille.

"Bakit ka bumalik, Danille?" tanong ni Devlin dito.

Hindi sumagot ang babae. "Si Jaxon, mula nang umalis si Lilac ay hindi na natahimik. Pati ako ay napabayaan na niya." humihikbi sa pag-iyak si Danille habang nag-sasabi.

Naaawang nilapitan ni Devlin si Danille. "Go home, Danille," sabi ni Devlin.

"Devlin, mahal pa rin kita," pag-amin ni Danille. Nalasing ako sa tagumpay. Patawad....." umiiyak pa rin nitong sabi.

Naawang niyakap ni Devlin si Danille. "Go back from where you belong, Danille. Hindi ka na para sa akin," sabi nito sa babae.

"Ako ang mahal mo, Devlin. Hindi si Lilac. Ginamit mo lang siya para makapaghiganti sa amin ni Jaxon," turan ni Danille.

Maliwanag na narinig lahat iyon ni Lilac. Hindi niya alam kung sino sa dalawa ang paniniwalaan niya.

Nalilitong napalabas siya sa pinagkukublian. Napatingin sa kanya si Devlin.

"Lilac," gulat na sambit nito sa kanyang pangalan.

Luhaang napatitig siya dito. "Alam mo na pala sa umpisa na si Jaxon ang boyfriend na tinakasan ko," sabi niya sa gumagaralgal na boses.

"I'm sorry," nagpapaunawang hingi ni Devlin ng paumanhin sa kanya.

Lumunok siya ng ilang beses upang matanggal ang bara sa kanyang lalamunan. "Takot na takot pa naman akong magtapat sa iyo sa pag-aakalang wala kang alam," tuluyang nalaglag ang kanyang mga luha.

Lumapit sa kanya si Devlin at niyakap siya. "Lilac, please listen......."

Inalis niya ang mga bisig nito sa kanyang katawan. "Don't you dare touch me! I don't want to talk to you," mahina niyang sabi dito pero maliwanag na narinig ni Devlin.

Umiiyak na iniwan niya ang dalawa. Pagpasok sa kanyang silid ay tahimik siyang lumuha. Ilang sandali pa at bumukas ang pinto. Lumapit sa kanya si Devlin.

✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️✂️

M👀dyAze's note ☕
٩(๛ ˘ ³˘)۶♥ Thank you for reading.
✔️ Please Like.
✔️ Please Vote.
💡 Also comment.

LILAC (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon